Chapter 33

172 13 6
                                    

“Tinanggap mo na ‘yung offer ng ex mo?” Napatingin ako kay Akeia nang tanongin niya ako.

Dalawang linggo na rin simula nang pumunta si Kim rito at sinabi ang tungkol doon. Hindi naman sila nag update sa akin or nagtanong. Hindi rin naman ako papayag, ayoko.

“Hindi,” sabi ko sa kaniya.

“Bakit?” Takang tanong niya.

“Diba nga sinabi ko na sa ‘yo na ayoko ng mapalapit sa dalawa, masaya na sila baka makagulo ako,” sabi ko.

Totoo naman, nakikita kong masaya si Cristan sa kaniya. Halata naman sa tinginan nila diba at saka ayoko ring mapasama ang pangalan ko sa kanila. Marami pa namang nakakaalam na ex ko si Cristan. Mabuti at wala na ang mga pictures namin sa social media baka ako pa ang maging dahilan kung bakit masisira ang relasiyon nilang dalawa.

“Gaga, hindi mo naman sila gugulohin ah, pwera na lang kung may balak kang gulohin talaga sila.” Ngumiti siya sa akin kaya tumaas ang kilay ko.

“Sira ka, hindi ko ugali ‘yan no. Wala naman akong pakialam sa kanila at saka bakit ko naman sila gugulohin?” Tanong ko sa kaniya.

Nagkibit balikat siya sa akin. “Hindi ko alam sa ‘yo, baka lang no. Hindi ka pa naman nakakamove-on,” aniya.

“What?” Tanong ko. Pinagsasabi na naman nito.

“Ano girl? Nabingi ka na,” aniya at tumawa.

“Pinagsasabi mo Ake, nakamove-on na ako,” sabi ko sa kaniya.

“Hindi halata,” saad ni Akeia.

Hindi ko alam kung bakit hindi naniniwala si Akeia sa akin. Wala na naman talaga akong pakialam kila Cris. Kahit ano pang gawin nilang dalawa ni Kim hindi ako maapektohan. Sinaktan niya ako at kahit anong gawin niya hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Iniwan niya ako no’ng mga panahon na kailangan na kailangan ko siya. Akala ko sasamahan niya ako sa lahat. Sa iba naman pala siya sumama. Mga pangako niyang napako at sa iba niya na tinupad. Hindi ko alam kung anong naging kasalan ko sa kaniya at sinaktan niya ako ng gano’n.

Hindi man physical pero emotional naman. Mas masakit ang salita, sobrang sakit ng mga binitawan niyang salita sa akin at kahit anong pilit kong limotin ang mga iyon bumabalik at bumabalik lahat. Lahat ng sakit.

“Ang gwapo ni Cristan sa personal!”

“Oo nga, ang tangkad pa.”

Napatingin ako sa mga babaeng nadadaanan ko, nasa mall ako at mag g-grocery. Ang sabi ni manang siya na raw pero ang sabi ko ay ako na ang mamimili dahil kailangan ko ring dumaan ng mall dahil bibili ako ng mga tela. Kasama ko sila Ryan at nauna na sila. Magkikita na lang kami mamaya sa restaurant para kumain.

Gusto kong isama si Akeia pero ewan ko ba doon at wala ata sa mood. Nakasimangot siya kanina eh.

Big cart ang dala ko dahil maraming kulang sa bahay.

“Bakit kaya ‘di niya kasama si Kim no?”

“Oo nga, baka naman busy lang.”

“Excited na tuloy ako sa kasal nila.”

Tumaas ang kilay ko sa mga narinig. Kahit na hindi sila mag drop ng name halata naman na sila Cris ang pinaguusapan nila. Ang lakas lakas pa ng boses akala mo ay sila lang ang tao dito. Kanina ko pa naririnig ‘yang pangalan nila Cris at hindi ko alam kung bakit laging nasa malapit sa akin ang nag-uusap.

Umiling ako at nagpatuloy sa paghahanap ng ibang kailangan sa bahay.

Pagkatapos mamili ay tinawagan ko na muna ang driver ko para kunin ang mga pinamili at maiuwi na ‘to sa bahay.

War of Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon