Chapter 31

181 14 4
                                    

“Mother kelan you mag aasawa?” Tanong ng empleyado kong si Ryan.

Natatawa talaga ako kapag tinatanong nila ‘yon sa akin. Isa si Ryan sa pinaka kwelang gay na empleyado ko at gustong gusto ko siya.

“Hay naku Ryan, wala nga akong boyfriend. Asawa pa.” Umiling ako sa kaniya.

“Mag asawa ka na raw kasi, tanda mo na Naff. 26 ka na,” sabi ni Akeia sa akin. Papunta kami sa kaniya kaniya naming office.

“Gaga ‘to, parang may boyfriend ka rin ah,” sabi ko sa kaniya.

“Sabi ko nga wala.” Umiling ako sa kaniya. Nag peace sign siya sa akin at tumawa.

Magkatabi lang ang office namin ni Akeia. Mas mabuti iyon para pag may kailangan kami ay madali lang makakapunta sa kaniya kaniyang opisina.

Napatingin ako sa mga tela na nasa sofa. Kailangan ko pang pumili ng magagandang tela para sa dress na gagawin namin.

Naupo ako sa swivel chair ko.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito.

“Naff nabasa mo na ‘yung nasa dyaryo kanina?” Tanong ni Ake nang makapasok sa office ko. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

“Not yet,” I said and drink my coffee.

“Omg ka girl, open ko na lang TV ibabalita naman iyon,” sabi niya sabay kuha ng remote at binuksan ang TV.

Kunot noo akong tumingin sa TV.

“Samantala nasa pinas na ang sikat na modelo at Engineer na si Cristan Loki Smith at ang kaniyang girlfriend na si Kim Ranna, matapos ang successful na trabaho nilang dalawa sa France.”

Pinakita ang video sa isang fashion show kung saan magkasamang naglalakad si Cris at Kim. Nanginginig ang tuhod ko sa ‘di malamang dahilan.

Pagkatapos ng ilang taon naming ‘di pagkikita. Ngayon ay nakabalik na siya.

Akala ko noon siya na talaga iyong lalaking mamahalin ako ng lubos pero nagkamali ako.

Nang dahil sa pagmamahal na naramdaman ko, naramdaman niya at naramdaman naming lahat. Maraming nasira, maraming nagulo.

Ang akala ko ipaglalaban niya ako pero hindi pala.

Dahil noong mga panahon na kailangan ko siya hindi man lang niya ako nasamahan, wala siya sa tabi ko.

Binaling kong muli ang tingin sa TV at nakita ang masaya nilang mukha habang nakatingin sa camera. Bumuntong hininga ako, siguro masaya na siya doon sa babaeng iyon. Halata naman.

Natupad na rin iyong pinapangarap niyang maging modelo at sa France pa talaga. Napaka successful niya na talaga. Nakahanap pa nga siya ng girlfriend sa ibang bansa.

“Are you okay?” Tanong ni Ake. Nakita ko ang nagaalala niyang mukha. Kinuha niya ang remote at pinatay na ang TV.

“Yeah,” sagot ko at naupo sa swivel chair ko.

“Dapat hindi ko na pinanood sa ‘yo eh alam ko namang magiging ganiyan ang reaksiyon mo,” sabi niya.

“Ano ka ba, okay lang ako. Nakalimutan ko na lahat no,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.

“Tara punta muna tayo sa coffee shop mo,” aya niya sa akin. Tumayo ako sa swivel chair ko at sabay na kaming lumabas ng office ko.

“Ang daming tao sa coffee shop mo ha, ang dami na talagang nahihilig sa coffee,” sabi ni Akeia nang makarating kami sa coffee shop ko ‘di kalayuan sa company namin.

War of Love ✓Where stories live. Discover now