Chapter 13

124 15 6
                                    

“Are you okay?” Tanong ni Cristan nang imulat ko ang mata ko.

Sobrang sakit ng ulo ko. Punyeta kasi ni Petal! Ano bang problema niya sa akin? Lagi siyang nagagalit kapag nakikita ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala na nga akong kasama eh, wala na rin akong kaibigan. Namumukha tuloy akong kawawa. Pinagtutulongan nila ako.

“Hey, why are you crying? May masakit ba sa ‘yo?” Napatingin ako kay Cristan na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nandito nga pala siya. Bakit ba siya ang kasama ko dito.

“Okay lang ako,” sagot ko sa kaniya at pinunasan ang luha ko. Hindi ko man lang alam na umiiyak na pala ako.

“May pagkain akong dala, alam mo bang nawalan ka ng malay dahil sa nalipasan ka ng gutom at dahil rin sa ginawa sa ‘yo kanina ni Petal,” sabi niya sa akin.

Bakit ba masyado siyang nag-aalala, hindi naman kami close. Tumingin pa ako sa likuran niya at nagbabakasakaling nando’n rin ang kaibigan kong si Akeia.

“Are you listening?” Tanong niya.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kaniya.

“Hindi kasi ako kumain ng almusal kaya nalipasan ako ng gutom tapos bigla ring dumating sila Petal kanina sa cafeteria kaya hindi na ako nakakain ng lunch,” sabi ko sa kaniya.

“Kumain ka na muna,” sabi niya sabay abot ng paper bag sa akin. Kinuha ko naman agad iyon, nagugutom na rin kasi talaga ako eh.

“Thanks,” sabi ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at nag iwas ng tingin sa akin. Ano na namang nangyari dito?

Nagsimula na akong kumain, hindi pa umaalis si Cristan. Bakit pa siya nandito? Binabantayan niya ba ako? Kaya ko naman ang sarili ko.

Natapos na akong kumain, medyo maayos na rin ang pakiramdam ko hindi kagaya kanina na nahihilo ako. Nakabantay pa rin sa akin si Cristan at hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya umaalis eh nakakain na nga ako. Ano pa bang gusto nito?

“Hindi ka pa ba aalis?” Kunot noo kong tanong.

“Why would I?” Tanong niya.

Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

“Bakit ‘di ka aalis? Okay na ako hindi ko naman kailanganan ng tagabantay,” sabi ko sa kaniya.

“Hindi ka pa magaling, masyado ka namang nagmamadali,” wika niya sa akin.

Magaling na ako! Hindi na nga sumasakit ang ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko at napapikit ng mahawakan ang bukol.

Aray shit! May bukol ako! Punyeta nauntog nga pala ang ulo ko kanina dahil sa pagtulak sa akin ni Petal.

Agad naman lumapit sa akin si Cristan nang makita ang reaksiyon ko.

“See, hindi ka pa magaling. Ang kulit,” sabi niya sa akin.

Umirap ako.

“Pero hindi naman malala, bukol lang ‘to mawawala rin,” saad ko sa kaniya. Hindi ko siya tinitingnan sa mata dahil kinakabahan ako sa tuwing gagawin ko iyon at hindi ko alam kung bakit kaya iniiwasan ko na lang na tumingin sa kaniya. Sana naman maramdaman niya na naiilang ako kapag nandito siya.

“Ang kulit mo Naff,” kinabahan ako nang banggitin niya ang pangalan ko, ano bang nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito no’ng last time na tinatawag niya ako. Fuck.

“Okay nga lang ako.” Lumayo ako ng bahagya sa kaniya. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko mamaya marinig niya iyon.

Sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon. Nakita namin ang nurse na nakangiti sa amin.

War of Love ✓Where stories live. Discover now