Chapter 25

13 0 0
                                    

Joy

"Talaga bang okay na ang pakiramdam mo anak?" tanong ni mama sa di ko na mabilang na pagkakataon. Simula nong dumating sila dito ay halos di na ako lubayan ni mama, habang si papa naman ay tahimik pero ganun rin ang pag aalaga sa 'kin.

Madalang kung dumalaw si ate Ritchell kasi kabuwanan niya ngayon. Ganun rin si kuya na todo ang pag aalalaga sa kanyang mag ina.

"May inaasahan ka bang bisita anak?" tanong ni mama nang panay ang paglingon ko sa pintuan ng aking hospital room. Bumalik ang tingin ko kay mama at umiling bago mahinang napabuntong hininga.

Ilang sandali pa ay pumihit ang doorknob ng aking kwarto kaya tumuwid ako ng upo at di mapigilang ngumiti sa excitement.

"Hello" bati ni Chalil nang makapasok. Biglang bumigat ang aking dibdib sa panghihinayang at unti unting napawi ang aking ngiti.

Tila napansin iyon ni Chalil dahil bahagya itong napanguso bago lumapit sa 'kin. Bumati pa ito kay mama bago ako tiningnan.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? No chest pains?" tanong niya. Tipid akong ngumiti at tumango, ayoko namang maramdaman niyang hindi ako masaya sa pagdalaw niya.

Masaya naman ako pero I'm just a little bit disappointed rin siguro na it didn't turn out the way i wanted it to be.

"Oh siya, pakibantayan muna itong si Joy Chalil huh? May bibilhin lang ako sa labas, babalik rin ako agad" sabi ni mama bago dinampot ang kanyang bag.

Nagsalute naman si Chalil at pabirong tumawa. Ngumiti si mama at tumingin sa 'kin. "At ikaw, wag maging makulit. Mahiya ka kay Chalil" pangaral ni mama. Napanguso nalang ako at inismiran si Chalil na ngnisian lang ako.

"Di ko alam na close pala kayo ni mama. Ako pa ngayong pinapangaralan gayong ako itong na ospital" masungit kong sabi at humakipkip. "Kailan pa naging Chalil ang tawag ni mama sa 'yo?"

"Syempre, nag papapogi points ako. Galit sa 'kin kuya mo eh, hihilutin ko nalang sa pamamamagitan ng papa at mama mo" sagot niya at humalakhak. Umiling nalang ako at ibinalik uli ang tingin sa pintuan ng kwarto ko.

Talaga bang di siya dadalaw?

"Mag seselos na ba ako niyan?" tanong niya ng mapansin ang pananahimik ko at ang panay kong pagtingin sa pintuan.

"Huh?" wala sa sarili kong tugon. Tipid siyang ngumiti at umiling tapos inilahad ang isang apple na binalatan na niya.

"Hindi ako hilig niyan" pagtatanggi ko sa apple. Tinaasan niya ako ng kilay at pilit na inilagay sa aking kamay.

"Kainin mo yan. Apples are good for the heart, sabi nga nila. An apple a day keeps the doctor away" sabi niya. At talagang nag boses bata pa siya while saying the qoutation.

Umirap ako. "Hindi naman ako bata eh" masungit kong sabi at pilit na kinain yung apple. Sayang naman kasi, baka mabulok pa pag di ko kinain.

Bahagya siyang ngumisi. "Pero baby naman kita" sabi niya dahilan para mabilaukan ako bigla. Mabilis kong inabot ang tubig at nilagok ito pagkatapos ay pinanlisikan si Chalil na ngayon ay nakangisi at kumakamot sa kanyang batok.

Umirap nalang ako at itinuon ang atensiyon sa apple na hawak hawak. Sakto namang dumating si mama at rounds na ni Chalil kaya umalis ito para gawin ang trabaho.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa malakas na tunog ng ambyulansyang galing sa labas. Inilibot ko ang aking paningin at kumunot ang noo nang makitang wala si mama.

Kahit medyo mahirap ay pinilit kong bumangon at sumilip sa bintana para tingnan ang komosyon sa labas.

"Bwesit ka Benjamin! Di ka na makakaulit pang gag- Aray!" Nanlaki ang aking mata nang makita si ate Ritchell na nakahiga sa stretcher habang iniinda ang sakit.

Judge keran (Savage Love Series #2) Where stories live. Discover now