Chapter 17

13 0 0
                                    

Chapter 18




"Ako na po nay " pagprepresenta ko at kinuha si kamay nito ang bowl na naglalaman ng corn soup. I smiled at her at dahan dahan itong inilapag sa lamesa.

Nang makitang kompleto na ang agahan na nasa lamesa ay inalis ko na ang apron sa katawan para sana tawagin si Rash, pero nang makitang kakarating lang rin nito sa kusina ay napasyahan ko nalang na maghugas ng kamay at umupo sa stool.

"Ang sarap naman ng ulam ngayon, may selebrasyon ba?" Agarang tanong ni Rash habang humihikab na umupo sa isa sa mga stool at inilapit ang ilong sa ulam para langhapin ito.

Ngumiti na lamang ako at hinintay si nanay nani, para sabay na kaming mag umagahan. Alas sais pa lang naman kaya makakaabot pa ako sa klase ko ngayon.

"What's the ulam ngayon?"

Tiningnan ko siya at napaismid nang makitang halos magmukha na siyang tarsier kakakapit kay Rosell. "Bacon, egg, corn soup, and tocino" i answered cockily habang tinuturo ang mga binanggit.

She raised her eyebrows at me. "I know"

I shrugged "Baka lang kasi di mo kilala. Hindi ka pa naman marunong magluto" i retorted dahilan para humagalpak ng tawa si Rash sa aking tabi.

Cheska rolled her eyes at padabog na umupo sa katapat kong upuan, habang tumabi naman rito si Rosell. I didn't bother looking at him, alam ko naman na mapanlisik na mata lang ang makikita ko kapag susubukan ko pang tingnan siya.

Natapos naman ang umagahan namin ng matiwasay. Mabuti nga ngayon at di masyadong nagpapansin si Cheska, tahimik lamang itong kumakain sa tabi ni Rosell. Naghugas muna ako ng plato pagkatapos bago lumabas sa kusina para kunin ang aking bag sa sofa.

"What's your laptop's password?" Natigil ang aking lakad ng makita si Cheska sa sofa na prenteng nakaupo sa sofa habang nakakandong dito ang aking laptop na nakabukas at nag rerequire ng password. Marahas kong hinablot ang aking gamit at pinanlisikan siya ng mata bago mariin na kinuyom ang aking mga palad.

"Wag na wag mong gagalawin ang mga gamit ko ulit" mapanganib kong turan. She shrugged at umalis sa sofa, i let out a sigh at ibinalik nalang ang aking laptop sa bag.

"Bitch" marahas akong bumuntong hininga at piniling ang ulo bago pasensiyosa na humakbang palayo. Hindi niya ako madadala sa mga masasakit na salita niya ngayon kasi di niya alam ang talim ng salitang pinagdaanan ko kay Rosell, hindi niya matutumbasan ang epekto non sa akin.

Wala man siyang magawa sa buhay niya kundi ang manlait at mang inis. Bahala siya sa buhay niya, wala akong balak tumpangan ang babaw ng pag iisip niya. Only fools would attack another fool.

"No wonder her sister got raped and murdered. Its because she's a bitch"

I gritted my teeth in anger at mabilis ang mga hakbang na lumapit sa kanya pagkatapos ay buong lakas itong sinampal na umalingawngaw sa buong bahay.

"How dare y..."

"Hindi lang yan ang aabutin mo pag di mo 'ko titigilan. Wag mong sagarin ang pasensiya ko kasi di ako pasensiyosa pagdating sa'yo" putol ko sa sasabihin nito. She hissed and raised her hands, pero di pa man niya tuluyang nagawa ang pagsampal sa 'kin ay hinawakan ni Rosell ang pulso nito at pinigilan.

"What is happening here?" Mabangis nitong tanong. Cheska then sobbed hard while hugging Rosell. What a great actress.

Humihikbi nitong tinuro ako at nagsumbong. "She slapped me Rosell. Gusto ko lang naman hiramin ang laptop niya kasi nasira yung laptop ko. Then out of a sudden she shouted and slapped me, i was hurt" maarte nitong sabi habang pekeng lumuluha.

Judge keran (Savage Love Series #2) Where stories live. Discover now