Chapter 7

19 4 0
                                    

"Pasensiya ka na talaga kung nabasa ko pa yung polo mo kakaiyak" nakayuko kong sabi habang pinaglalaruan ang daliri ko.

Nasa sasakyan niya kami ngayon, patungo sa bahay ko. Sinabihan ko na siyang sa kanto nalang ako ibaba at lalakarin ko nalang mula doon patungo sa bahay ko, pero siya talaga yung nagpilit at baka raw mapano pa ako sa daan.

"Ilang beses ko bang sinabi sayo na okay lang. Since you didn't use my handkerchief then I'll be your personal handkerchief, yours only" sabi niya habang nakapokus ang paningin sa daan.

Nakagat ko tuloy ang aking labi ng wala sa oras dahil sa kanyang sinabi. God! I am even blushing at this situation!

"Pwede bang.."

Agad akong napatingin sa kanya. He looks distracted, patuloy ang pag lunok niya at ang paminsan minsang paghigpit ng kanyang hawak sa manobela.

"Huh?" I asked.

"Nothing, just stay still and stop distracting me" sabi niya na siyang nagpatigil sa akin. My heart hurts a little by what he said, kaya pinilit ko nalang manahimik.

"I didn't mean it that way, I'm talking about your lips.." Agaran niyang sabi.

Wala sa sariling napatakip ako sa aking bibig sa sinabi niya. He chuckled by my actions at napailing.

"Stop biting them, those are distracting me. Not you" he mumbled pero narinig ko naman. Nag iwas nalang tuloy ako ng tingin dahil alam kong kamukha ko na ang overripe na kamatis sa pagkapula.

After that ay hindi na nasundan ang aming usapan. I noticed that we are both having this awkward feeling, sa tuwing titingin siya ako yung iiwas, sa tuwing ako naman yung titingin siya naman yung umiiwas.

Naging awkward bigla ang atmosphere, kung hindi lang dahil sa nakaandar na radyo baka kanina pa ako nabingi sa katahimikan.

"Uh... Diyan lang sa may blue na gate" mahina kong sabi. Tumango lamang siya at itinabi ang sasakyan sa mismong tapat ng gate namin.

Dahan dahan kong kinuha ang mga gamit ko at tinanggal ang seatbelt bago lumabas sa sasakyan.

"Salamat sa paghatid at pasensiya na sa abala Chalil" nakayuko kong sabi.

I heard him chuckled at ganun nalang ang gulat ko nang biglang lumitaw ang mukha niya sa ibaba.

Mabilis kong inangat ang aking mukha at tiningnan nalang yung bahay namin.

"Sana ako nalang yung bahay" he uttered out of nowhere. My forehead creased out of confusion as i faced him.

"Bakit?" I asked. He grinned at lumapit sa'kin.

My breath hitched as his perfume invaded my nose. Goodness, I'm already 26 yet i flirt like a teen.

"Para ako yung tinitingnan mo" he answered at ipinakita ang ngisi niya.

"Ang bantot ng banat mo! Anong akala mo sa'kin highschool student?"

Nagkibit balikat lamang siya. "Malay mo, baka tumama"

"Ewan ko sayo Chalil. Sige na, at baka gabihin ka pa sa daan. Salamat ulit"

Ayaw pa sanang umalis ng loko pero agad ko siyang itinulak papasok sa sasakyan niya at pinalis. Baka magisa pa siya ng tanong ni mama at mapagbantaan ni papa pag nagkataon.

4:30 am

Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang kisame ng aking kwarto. I woke up. Again.

Judge keran (Savage Love Series #2) Where stories live. Discover now