Chapter 16

15 0 0
                                    

Chapter 17




"Mang lalaba ka ba ngayon?" Natigil ako sa paglalakad ng biglang sumulpot sa aking tabi si Cheska na naka sando at shorts habang may dala dalang ring light. Mag titiktok siguro.

Tahimik akong tumango kaya ngumisi ito. "Paki labhan na rin yung damit ko. May lakad ako bukas kaya i dryer mo para magamit ko bukas" maarteng utos nito habang pinapay payan pa ang sarili. Nag isang linya ang labi ko at palihim na inismiran ito

"Oh right, andoon sa itaas ang lalabhan mo. Nasa basket ko inilagay" dagdag pa nito at nagtaas ng kilay nang makitang hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. "Ano pang hinihintay mo? Kunin mo na, napaka kupad mo naman"

Padabog kong binitawan ang dala dala at tinaasan rin siya ng kilay. "Excuse me, pero di ako utusan rito. Kung ayaw mong maglaba edi wag kang lumabas bukas, ke babae mong tao hindi ka man lang marunong kumilos ng mga simpleng gawain sa bahay. Tabi!" Diretsahan kong sigaw sa pagmumukha niya na gulat si biglaan kong pagtumpang sa ka malditahan niya.

Napairap na lamang ako sa inis at linampasan siya para simulan ang paglalaba.

"Yes!" Mahina kong hiyaw pagpasok na pagkapasok ko sa banyo. Malapad akong napangiti nang maalala ang gulat na reaksiyon ni Cheska kanina. Ang sarap pala sa feeling na masumbatan pabalik ang babaeng iyon.

Mabuti na rin yung ganun, para naman alam niya na hindi kami aso na mapapasunod sa mga gusto at iuutos niya. Dahil sa saya ay di ko na napigilan ang kumanta't kumembot kembot habang inuumpisahan ang paglalaba.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng bigla nalang bumukas ang banyo at naroon si Cheska na dala dala ang mga mahahabang kurtina na halos di na mamukhaan ang itsura dahil sa putik at mantsa. Marahas niya itong binitawan at nagtaas ng kilay.

"Aba't-"

"Gusto kong labhan mo yan, may problema ka?" Natigil ang dapat sasabihin ko nang mula roon ay lumabas si Rosell na mapanganib at matiim ang tingin sa 'kin. Matagumpay naman na ngumiti si Cheska at kumapit sa bisig ni Rosell na nanatili ang tingin sa 'kin.

Napakagat ako sa aking labi at pinagmamasdan ang mahahaba at naglalakihang kurtina sa aking paanan. "Pero.."

"Nag rereklamo ka ba?" Marahas nitong tanong kaya tumungo nalang ako at umiling habang pilit na pinipigilan ang pag labas ng aking mga luha.

"Good. Kung napapagod ka na rito, pwede ka namang umalis. Wala ka rin namang naitutulong" ani pa nito bago ko narinig ang malakas na pagsara ng pintuan. Doon lang ako tumingala at kumurap bago isinubsub ang mukha sa aking mga palad at humagulhol.

Konti na lang Rosell, wag kang mag alala kasi konti na lang.

Halos mamula na ang kamay ko kaka kuso at nangangalay na rin ang beywang ko kakayuko at kakalaba pero patuloy pa rin ang pangunguso ko sa last na kurtinang nilalabhan ko. Masyadong maraming mantsa ang kurtina, hindi nawawala basta kahit may chlorine kaya mas nararamdaman ko ang pagod, lalo na't dumadagdag pa ang bigat nito kapag binabanlawan na.

Nang maramdaman ang paghahabol ko ng hininga ay tumigil muna ako saglit at kinalma ang sarili. Dinampot ko ang cellphone sa ibabaw ng washing machine at tiningnan ang oras.

Alas tres na pala, di man lang ako nakapag tanghalian. Ramdam ko na ang gutom pero umiling nalang ako at bumuntong hininga bago ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng washing machine at itinuon ulit ang paglalaba.

"Sabihin mo nga ang totoo Joy, minamaltrato ka ba ni Rosell doon?" Pag uusisa ni Chowwy nang magkikita kita kami sa labas. Sabado ngayon kaya malaya akong makalabas at makipagkita sa kanila. Tipid akong ngumiti at umiling.

Judge keran (Savage Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon