Chapter 24

15 0 0
                                    

March 2, 2021

Mahina akong napabuntong hininga at itinaob ang calendaryo bago bumalik ng higa sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagtalukbong nng kumot para itago ang luhang pilit lumalabas sa aking mga mata.

Happy birthday ate.

Di ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag iyak, nagising lamang ako nang maramdamang parang pinagmamasdan ako. Binuksan ko ang aking mga mata at nagulat nang makita si Rosell na prenteng nakatayo sa hamba ng aking pintuan.

"You're awake" turan niya at tumuwid ng tayo. Agad akong napakapa sa aking mukha para palisin ang mga mutang natamo ko galing sa tulog. Pagkatapos ay marahan kong sinuklay ang aking magulong buhok bago siya tiningnan.

Di naman siguro ako naglaway ano?

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at tinakpan ang aking bibig pagkatapos ay nag iwas ng tingin dahil sa kahihiyan.

Tumikhim ako. "A-ano ang ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong.

"Just because" maikli niyang sagot. Kumunot ang aking noo at tiningnan siya.

"Just because?" tanong ko at di mapigilang taasan siya ng kilay. He nodded and looked at me with amusement.

"Fix yourself. We're going somewhere" sabi niya. Ang kaninang pagsusungit ay napalitan na ngayon ng pagkalito. Magtatanong pa sana ako ngunit bigla nalang siyang umalis sa kwarto ko, nagkibit balikat nalang ako at tumayo para tingnan ang sarili sa salamin.

Halos mapasinghap ako nang makitang mugto ang aking mga mata, may muta pa akong di naalis kanina at laway sa aking labi. Nakakahiya ka Joy Lianne!

To think that Rosell saw it all makes me wanna hide in this room forever. Mas lalo akong napasabunot sa aking buhok nang bumalik sa aking alaala ang amused na reaksyon ni Rosell kanina.

"Saan ba tayo pupunta?" naiinip kong tanong kay Rosell sa loob ng sasakyan. Tamad niya akong tiningnan kaya nanahimik nalang ako.

Ilang sandali pa ay tumigil kami sa isang cake shop. Kumunot ang aking noo, pero pinilit ko na lang pigilan ang pagtatanong. Baka mas lalo ko lang siyang mainis.

"Get out and follow me" seryoso niyang turan kaya nakangusong sinundan ko ito. Halos mapamura ako nang mabunggo ko ang matigas niyang likod, ansakit ng noo ko!

Hinimas ko ang masakit kong noo at pinanlisikan siya ng mata dahil sa iritasyon. His eyes moved from me to the cake at tumikhim.

"Choose" yagak niya kaya napaawang ang aking labi. I pointed at myself. "A-ako?"

"May iba pa bang tao rito?" suplado niyang tugon at umirap. Napalabi nalang tuloy ako at sinuri ang nakabanderang cake sa aking harapan.

"Para kanino ba 'to? May birthday ba?" di ko mapigilang itanong habang di maialis ang tingin sa isang black forest na cake.

"Just choose" tipid niyang sagot. Tumahimik nalang ako at tinuro ang cake na kanina ko pa tinitingnan. He nodded at nakipag usap sa nagtitinda.

May isinulat siya sa isang papel, pero di na ako nag abala pang tumingin. Ayoko namang mabansagang pakialamera, pinapili niya lang ako kaya yun lang ang gagawin ko.

Matapos pagbili ay bumalik uli kami sa sasakyan. Nanatili akong tahimik at hinayaan si Rosell na magmaneho, dumaan pa kami sa isang drive thru bago tuluyang napadpad sa sementeryo.

"Bakit tayo andito?" tanong ko, ngunit tanging pagtikhim lang ang naisagot niya. Kinuha niya muna ang cake na binili bago lumabas at pinasunod ako.

Judge keran (Savage Love Series #2) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant