Chapter 23

16 0 0
                                    

"Yes, please drop the documents by my office... I'll be there this afternoon" nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Rosell sa veranda.

Naka simpleng white t shirt lang ito at cargo pants pero ewan ko ba at parang ang lakas ng dating nito sa 'kin. His muscles are visible kaya marahil ay di ko maalis ang tingin dito.

Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang pagtikhim nito. My eyes wandered upwards at nang makasalubong ko ang kanyang mga mata ay agad akong nag iwas ng tingin at tumikhim.

Aligaga kong tinuro ang daan pababa at nagsalita. "Ma-may bisita ka sa baba"

Tumaas ang sulok ng kanyang labi kaya mariin kong kinagat ang pang ibabang labi dahil sa pagkaka utal.

"Who?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Di ko kilala. Sabi niya kilala mo raw siya, she works on the court." sagot ko kaya kumunot ang noo niya at tumuwid ng tayo.

"I'll be there" sagot niya kaya tumango na lamang ako at aalis na sana nang nagsalita ito ulit.

"I'm going out to buy groceries later" sabi niya bigla. Tumango na lamang ako, gayong di ko naman alam kung ano ang isasagot sa kanya.

Pero mukhang di ito nahusto sa aking ginawa dahil dire diretso niyang akong tiningnan. Nag iwas agad ako ng tingin, lalo na nang maramdaman ang pag init ng aking pisngi. Masyado kasing nakakadala ang titig niya, parang kada tingin may laman.

"Gusto mo bang sumama?" He cleared his throat and asked afterwards, kaya umawang ang aking labi at napatingin sa kanya.

"Gusto mo akong sumama?" I asked slowly while pointing at myself. A grin plastered on his face making my insides go giddy more.This is the first time i even see his smirk.

"Ready yourself, I'll be done by 10" he answered instead at linagpasan ako. Palihim na nagbunyi ang aking puso sa di malamang dahilan, hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti habang tinitingnan ang papalayo niyang bulto.

Pero ang sayang naramdaman ay agad napalitan ng pagkabwiset at pagkainis ng makitang halos mag aalonse na ay nakakulong pa rin sa opisina ang dalawa. Ni hindi man lang ito lumabas para sabihing ipagpaliban ang lakad nila kasi ganito ganyan. Maiintindihan ko naman kung mas importante ang trabaho niya.

Halos di na maipinta ang mukha niya sa iritasyon lalo na't naalala niya ang magandang mukha ng bisita kanina. Panigurado akong isa rin itong judge, pormal at demure ito kung kumilos. Classy at matalino kung magsalita, tas maganda pa ang pangangatawan. Babaeng bagay na bagay kay Rosell.

Damnit! Nagseselos ba 'ko?

"Bwesit" inis kong bulong sa sarili at padabog na binitawan ang libro na hawak at nakabusangot na tinahak ang daan patungo sa sariling kwarto.

"Okay Judge Valdemor. I'll see you tommorrow" natigil ang aking lakad nang makita ang dalawa sa veranda. Ngumiti ang tinatawag nitong Judge Valdemor at marahang tinapik ang balikat ni Rosell na tipid na ngumiti.

Mas lalo akong napasimangot nang makitang pati ngiti nito nakakahalina. Mukhang close na close sila kung makangiti at makapagsalita ito kay Rosell. Pinihit ko nalang ang doorknob nang aking kwarto at padabog itong isinara sa di mapigilang pagka inis.

Nagpapadyak akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. I can't believe I'm sulking over petty things!

Napagdesisyunan ko nalang na kalikutin ang cellphone ko. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng paglalaro nang makita ang message ni Chalil, nag aayayang magkita daw kami dahil free time niya ngayon.

Agad akong ngumiti at nagtipa ng reply. Matapos ma i sent iyon ay nagbihis na ako at nakangiting binuksan ang pintuan ng kwarto, pero agad rin iyong nawala nang makita si Rosell na nakatayo sa harap ng aking pintuan.

Judge keran (Savage Love Series #2) Место, где живут истории. Откройте их для себя