Chapter 20

15 0 0
                                    

Chapter 21



Kinabukasan ay maaga kong kinatok ang kwarto ni Rosell para bawiin ang camera na inagaw nito kagabi.

Nang makitang bahagyang umawang ang pinto ay umayos ako ng tayo at sinubukang patarayin ang mukha ko. Kaso nang makita ang mapupungay nitong mata, mukhang kakagising lang ata. At ang magulo nitong buhok na nagpapa enhance sa facial features nito ay nawala na parang bula ang mataray kong ekspresyon.

"What?" Masungit nitong tanong sa paos na boses. Mas lalong umawang ang aking labi nang marinig ang morning voice nito, kulang nalang ay sampalin ko ang sarili para bumalik sa ulirat.

"Hindi ka ba sasagot?" Tamad niyang tanong kaya agad akong nag iwas ng tingin at tumikhim bago inilahad ang mga palad.

His eyes lingered on my palms before looking at me lazily. Nagtaas pa ng kilay ang loko.

Sa inis ay napahalukipkip ako. "Isauli mo yung camera, di yun para sa 'yo" sikmat ko.

"I'll pay for it double" sagot niya kaya agad akong napaangal. Ano siya siniswerte? Para kay Chalil yun, hindi sa kanya.

"No" matigas kong turan. "Para kay Chalil yun..."

"Will you stop saying his name! F*ck it!" sigaw niya kaya sa halip na masindak ay mas lalo akong nainis.

"Hindi nga yun para sa 'yo! Birthday ni Chalil ngayon kaya pang regalo ko yun. Ibalik mo na nga kasi!" I insisted. Ang sarap sakalin ng isang 'to, di marunong umitindi.

"I said I'll pay for it. Double."

"Kung gusto mo ang camera na yan, bumili ka ng sayo. Hindi yung nang aangkin ka ng iba" naiinis kong tugon dahilan para matigil siya at nag isang linya ang labi bago umirap.

"That's my condition. Either you take it or not" malamig niyang tugon kaya napapadyak ako sa inis. What's gotten into him this time. Bakit ba napaka bugnutin ng isang 'to ngayon.

"Bakit ka ba interesado sa camera na yan. Para yan sa birthday celebrant, bakit? Birthday celebrant ka ba?" Hindi ko mapigilang iasik dahil sa inis at iritasyon.

He looked at me bago sumagot. "Yes. It's my birthday"

Natigilan ako at nanlaki ang mata dahil sa gulat. Seryoso?

Magtatanong pa sana ako kaso mabilis itong tumalikod at pinagsarhan ako ng pinto. Bumuntong hininga nalang ako at bigong bumalik sa aking kwarto. Hindi pa rin mawala wala sa aking isipan ang sinabi ni Rosell na birthday niya ngayon.

"Talaga bang birthday niya ngayon?" tanong ko at napapadyak sa ibabaw ng aking kama nang maalala ang camera.

"Paano na ang ipang reregalo ko kay Chalil?! Bwesit na Rosell, magnanakaw!" sigaw ko at ginulo ang sariling buhok dahil sa iritasyon, hindi ko na pinapansin kung marinig man nilang lahat sa loob ng bahay. Mabuti na yung marinig ni Rosell na hindi ako masaya sa ginawa niya.

Tulad nga ng sinabi ni Rosell kaninang umaga, talagang binayaran niya ng doble ang presyo ng camera sa pamamagitan ng bank account ko. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang name ng bank account ko, nakita ko nalang na tumubo ang laman ng ipon ko. Tapos ilang sandali pa ay nag text ito ng emoji ng pera tas may check na katabi.

Kahit sa text ang tipid mag type.

"Oh, bakit ka nakabusangot?" tanong ni Rash nang makitang nakatunghay ako sa dining table na halos di maipinta ang mukha.

Ang sarap sarap isigaw na dahil sa kuya mong di ko mahulaan ang pag iisip, pero pinilit ko nalang manahimik at ginawaran siya ng matalim na tingin.

Judge keran (Savage Love Series #2) Where stories live. Discover now