Chapter 21

16 0 0
                                    

Chapter 22


Hindi naging madali ang sumunod na araw sa pag iwas ko kay Chalil. Naasiwaan pa kasi ako kapag naalala ang nangyari sa gabi ng birthday niya.

"Chalil" gulat kong turan nang makita siya sa labas ng aking classroom. Tila hinihintay talaga ang paglabas ko.

Umayos ito ng tayo. "Stop ignoring me Joy" ani niya kaya tumawa ako ng hilaw.

"Bakit naman kita iiwasan?"

He raised his eyebrows at biglang lumapit sa 'kin kaya agad akong napaatras dahil sa gulat.

Bumigat ang dibdib ko nang makita ang sakit sa mata nito, lalo nang marinig ang pagbuntong hininga nito at pagbalik sa pwesto. Malayo sa 'kin.

His weary eyes looked at me. "Hindi ko ikakaila na gusto kita Joy, pero ayoko rin namang ipilit ang sarili ko. I am willing to stay with whatever you want me to be. Just please... stop ignoring me"

"Pakiramdam ko back to zero na naman ako sa tuwing nakikita kitang lumalayo" malungkot niyang sabi. Parang sinuntok ang sikmura ko sa nakitang panghihina ni Chalil. I've known him to be strong and jolly, and it pains me to see him weak because of me.

Dahan dahan ko siyang nilapitan at niyakap. Para maibsan ang lungkot na nararamdaman.

"Hindi ako lalayo" paninigurado ko, kaya mas naradaman ko ang paghigpit at pagpisil niya sa aking beywang.

Para maibsan ang awkwardness na namamagitan sa amin ay hinayaan ko siyang sabayan ako sa tanghalian.

Chalil is a friend and if i am able to choose between friendship and love. I'd rather choose friendship. Friends are precious at ayokong isakripisyo ito para lang sa pag ibig, na walang kasiguraduhang magtatagal ba.

"Wag kang mag alala. Gusto pa lang naman kita, tsaka ka na mag alala kapag sinabi kong mahal na kita" pagbibiro ni Chalil nang inihatid niya ako sa faculty matapos ang tanghalian namin sa cafeteria ng paaralan.

Sinabi ko kasi ang totoo na hindi ko pa masusuklian ang nararamdaman niya para sa 'kin sa ngayon. Inamin ko kung gaano para sa 'kin ka importante ang pagkakakibigan namin at hiniling na hindi siya magbago.

"Chalil naman.." reklamo ko na tinawanan niya. Pero ramdam ko pa rin ang lungkot rito.

"Sige na at round ko pa ngayon. Kita nalang tayo bukas" paalam niya kaya marahan lang akong tumango at pinagmasdan ang pagtalikod nito.

Nagawa niya pang kumaway at ngumiti bago tuluyang umalis. Napabuntong hininga na lamang ako at ipinatong ang ulo sa lamesa. Bigla nalang bumigat ang katawan ko nang marinig ang pagtatapat ni Chalil.

"Ano kuya? Di ka pa talaga aamin? Eh huling huli ka na" rinig kong sabi ni Rash kay Rosell na parang bato at walang kahit anong ekspresyon ang mukha.

"Shut up Rashkiel" matigas na suway nito at iniwan ang kapatid na inaasar pa rin siya.

"Damulag ka na kuya, nagpapaka baby ka pa!" rash shouted dahilan para nabato siya nito ng pumpon ng susi sa bahay at sapol ang noo.

Di ko tuloy maiwasang matawa nang marinig ang malulutong na murang pinakawalan nito habang himas himas ang sariling noo.

Nanlilisik ang matang tiningnan niya ako at dinuro. "Dahil ito sa 'yo ate eh" paninisi niya kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.

"at bakit sa 'kin napunta ang sisi? Ang hilig mo kasing mang asar kaya ayan ang napala mo" sagot ko pabalik at pabirong hinampas siya ng unan bago tumatawang tumakbo sa loob ng kusina para tulungan si nanay nani sa pagluluto.

Judge keran (Savage Love Series #2) Where stories live. Discover now