CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)

Magsimula sa umpisa
                                    

            Magsasalita pa sana ako nang mag-vibrate ang telepono ko sa bulsa. Kinuha ko iyon at si Declan tumatawag.

            "Damn, it looks nasty here." Iyon agad ang bungad nito sa akin.

            Tumingina ako kay Elodie at lumakad siya patungo sa couch. Naupo doon tapos ay nag-iisip.

            "'Tangina, Ted. It was a carnage. Sa bugbog pa lang mukhang hindi na mabubuhay 'to. You did this? Akala ko ba malinis kang magtrabaho? You are getting slopy." Sabi pa nito.

            "You're there? Wala pang mga pulis?" Taka ko.

            "Wala naman katao-tao dito. Unknown zone. Wait." Saglit na nawala sa linya si Declan pero alam kong may ginagawa siya. "There! Found it." Bulalas nito.

            "You found the casing?" Paniniguro ko.

            "Yep. What do you want me to do with this?" Saglit uli na tumahimik si Declan tapos ay narinig kong malakas na nagmura. "Baldomero? Fucking Pol Baldomero?" Bulalas nito.

            Hindi ako nakasagot at muling tumingin sa gawi ni Elodie. Ganoon pa rin naman siya, tahimik lang na nag-iisip.

            "Fuck you, man. Bakit trinabaho mo 'tong mag-isa? Ang sabi mo dalawa tayo?" Tonong nagtatampo pa si Declan.

            "I didn't do it. It was her." Bahagya akong lumayo kay Elodie para hindi na niya marinig ang pinag-uusapan namin ni Declan.

            "Fuck, man. She did this? It's fucking warzone here. Brains scattered everywhere. This is going to be a headline tomorrow." Napapa-tsk-tsk pa ito.

            "Get out of there. I am going to call it in." Sagot ko sa kanya.

            "You need to put some leash to your woman. She's going to get caught if she's working like this. At alam mong sasabit ka," paalala nito.

            "I know. Thank you. I'll call you again."

            "Don't bother to call this in. Ako na ang gagawa." Bago pa ako makasagot ay wala na akong narinig na kausap sa kabilang linya.

            Muli akong tumingin kay Elodie at tahimik pa rin itong nag-iisip.

            "Elodie."

            Tumingin siya sa akin at naipagpasalamat kong wala na akong makitang galit sa mukha niya. Nalilito. Natatakot. Iyon ang nakikita kong ekspresyon ng mukha niya.

            "What will I do now?" Mahinang sabi niya.

            Lumapit ako at naupo malapit sa kanya.

            "Nothing. Do as if nothing happened. They won't suspect it was you. I did my research and I found out that Pol Baldomero was-"

            "Gay." Putol niya sa sasabihin ko tapos ay ngumiti nang mapakla. "That's the reason I lured him. I pretended to be a guy."

            Mahina akong napamura. "You are one brave soul."

            "If you experienced what I experience, it will make you like this. They took everything from me. Hindi lang nila ako napatay pero, I felt I died that night. I am just breathing. Living like this pretending it is all normal, but every night, the nightmare was still there." Tumingin siya sa akin. "The truth, I was always thinking about that person who saved me." Sa pagkakataong iyon ay nagliwanag ang mukha ni Elodie. "Thank you."

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon