Chapter 30

3 0 0
                                    

S

Natapos ang gabing iyon na puro iyak lang ang ginawa ko. Ni hindi na ako nakalabas dahil sa pamamaga ng mata ko. Naintindihan naman nila ate Princess kaya sa tent na muna sila natulog. Buong gabi kong inisip kong nandito pa ba si Si kinaumagahan pagkatapos ng mga sinabi ko. Baka tuluyan na siyang umalis at ang isiping iyon ay masakit sa dibdib ko.

“ Good morning Elle.”

Si Azrael ang nakasalubong kong galing sa CR.
“ Morning.” Simpleng sagot ko.

Sumunod ako sa paglabas ni Azz. Pagkalabas palang ay kita ko na ang lahat na nakaupo sa mahabang lamesa. Agad hinanap ng mata ko si Si at nang makita kong nasa tabi siya ni Leo ay parang may humaplos sa puso ko.

He stayed.

Kahit sa ganitong paraan lang napatunayan kong mananatili siya kahit ano pang masasakit na salita ang nasabi ko.

Tanging kami nalang ni kuya Jigs na may kausap sa cellphone ang kulang sa hapag at tanging ang upuan nalang malapit kay Si at kay Cha ang bakante.

“ Morning Elle.” Bati ni Chesca at Jessen.

“ Morning.”

Lumapit ako sa lamesa at diretsong naupo. Naramdaman ko pa ang gulat na tingin ni Si sa akin. Marahil dahil naupo ako sa tabi niya.

Nagsimula na kaming magsikainan nang makompleto. Hindi nagsasalita si Si sa tabi ko pero pasimple niyang inilalapit sa akin ang mga pagkain. Ramdam ko ang mga mata nilang lahat na nakatutok. Hindi ko nalang iyon pinansin at umaktong normal lang ang lahat. Halos walang imikan ang lahat kundi pa nabulunan si Riva ay wala talagang maririnig na ingay.

Napaka-awkward ng almusal naming iyon.

__

Panay ang sigawan ng lahat matapos naming makababa sa banana boat. Kung pwedeng ipatapon ang maiingay ubos sila dito at kami lang ni Si ang matitira. Huwag na nga lang.

Tawa parin sila nang tawa dahil sa paulit-ulit na pagkahulog ni Jessen kanina. Nagyabang pang masasalo daw siya ni Gian kapag nahulog siya pero kasabay naman niya sa bawat hulog niya. Falling couple ang gagi.

Ang plano namin ay magjetski pagkatapos kaya naman tuwang-tuwa silang lahat. Nakasuot lang ako ng purple one piece swimsuit na pinatungan ko ng itim na shorts dahil hindi ako komportable sa ganung swimsuit lang. Si Riva, Chesca, Jessen, Rochelle, Ate Princess at Ate Jully ay pare-pareho ring naka one piece swimsuit. Pink kay Riva. Black kay Chesca. Blue kay Jessen. Yellow kay Ate Princess. Green kay Ate Jully at Red kay Rochelle. Nakasando lang si Hazel dahil baby pa siya at shorts na kagaya ng sa akin.

Halos mapairap ako nang dumaan si Cha na naka two piece. Siya lang ang naglakas ng loob na magsuot ng two piece sa amin wala namang dibdidb.

“ Lahat kayo dito.” Si kuya Mark na naman ang sumigaw na parang may ipapa-arrange na meeting.

Nagsilapitan naman kaming lahat doon. Lahat ng boys ay naka topless at ngayon ko lang napansin na ang la-laki rin pala ng mga katawan nila.

Napabaling ako kay Si. Hindi ganun kalaki ang katawan niya pero may abs siyang hindi gaanong nabuo. Pero ang ganda ng katawan niya.

Napatigil ako nang mapansing nakatitig na pala ako sa katawan niya at mas lalo akong pinamulahan at nahiya nang makitang nakatingin siya sa akin na nagpipigil ng ngiti. Nag-iwas naman agad ako ng tingin. Sheet ka talaga Elle. Nakakahiya ka.

“ Pair by pair tayo…Race.” Si kuya Mark.

Nagsimula na siyang magpaliwanag. Hindi naman ako nakikinig dahil wala naman akong alam sa mga pinagsasabi niya. Excited akong sumakay ng jetski dahil hindi ko pa ito naii-experience. Napatingin nalang ako sa kanila nang magsigawan silang lahat.

Last SighWhere stories live. Discover now