Chapter 6

7 1 0
                                    

Perfect


" Aww!"


" Sorry... sorry."

Agad akong napalayo kay Si nang maapakan ko na naman ang paa niya. We're practicing our dance at kanina pa akong nagkakamali.

I hate to admit that he was good at this. Samantalang ako simpleng steps lang para na akong alambreng mababali. I'm suck at everything. Wala akong talent kahit na ano.

Nagpatuloy siya sa pagsasayaw. Pinapakita sa akin ang tamang moves at steps. I can say that his dancing skills was as good as Kenneth. Panay lang ang biro niya pero halatang maalam siya. Naupo ako habang nakatingin sa kanya. Ang gwapo niyang tingnan kapag sumasayaw. Kada minuto tinataas niya ang salamin niya na mas lalong nagpapaangas sa dating niya...

Kaninang umaga pagdating niya, bigla niya nalang pinarinig sa akin ang nagawa niyang remix na tugtog na gagamitin namin at pinakita niya rin ang steps na nabuo niya. Ang galing naman talaga diba? Isang gabi niya lang pinagpuyatan. Samantalang ako magmememorize nalang ng steps ang tanga pa.

" Okay lang 'yan...sige isa pa." Yaya niya sa akin na hinila pa ang braso ko para tumayo. Nagpadala naman ako roon at nagsayaw ulit kami. Pinaghalong hip-hop at folk dance ang sayaw namin at masasabi kong; kung marunong ang sasayaw nito siguradong maganda tingnan. Pero dahil ako; para akong drum na sumasayaw.

" Buwesit." Natapakan ko na naman ang paa niya kaya tumigil na ako.

Napaupo na ulit. Ang hirap talagang gumalaw kapag maraming nakatingin. Alam ko namang wala silang pakialam pero nakakailang parin. Nasa grandstand kasi kami kaya medyo maraming tao. Free time namin kaya nandito kami.

Tumigil na rin siya sa pagsasayaw saka tumingin sa akin na nakanguso. Pinatay niya ang maliit na speaker na dala niya at tumabi sa akin sa pag-upo.

" Sheet nakakahiya." Bulong ko sabay lingon sa mga 3rd year na nakatingin sa direksyon namin.

" Pabayaan mo na sila...masasanay din ang mga 'yan sa galing natin sa pagsasayaw." Tawa niya.

Inirapan ko siya. Palibhasa walang hiya kaya walang pakialam.

" Mas nakakahiya 'to kung si Kenneth ang partner ko." Mahinang sabi ko pa.

Siguro kung si Kenneth ang partner ko nawalan na siya ng pasensya sa katangahan ko.

" Sa'kin hindi ka nahihiya?" Ngisi niya.

" Hindi! Bakit ako mahihiya sa'yo eh ang kapal rin naman ng mukha mo. " Natatawa kong sabi.

" Ang lala...ang sabihin mo komportable ka lang talaga sa akin. " Pinasadahan niya pa ng haplos ang kanyang buhok.

" Tss. Pero seryoso... Nakakahiya talaga sa'yo...ang lakas-lakas ng loob kong makipagpalit ng partner tapos marunong ka palang sumayaw at ako itong hindi. " Yumuko ako.

I feel sorry for him. Baka ako pa ang maging dahilan ng pagbaba ng grade niya.

Nagulat ako nang pinitik niya ang noo ko.
" Huwag ka ngang magdrama na parang nakapatay ka ng tao dyan..." Inirapan ko siya sabay himas sa noo ko.

" Oh sige...gusto mo ba na hindi rin marunong sumayaw ang partner mo? Eh di sabay kayong babagsak nun... Aray!"

Sinapak ko siya. Tumawa naman siya habang hinihimas ang braso niyang sinapak ko. Parang sinabi niya na ring kabagsak-bagsak talaga ang sayaw ko.

" Masasapawan mo ako! Atsaka akala ko hindi ka marunong sumayaw dahil dyan sa porma mo."

Tinuro ko ang pantalon niya. Lahat ba ng pantalon niya bitin? Wala kasing araw na hindi bitin 'yang porma niya. Para siyang koreano na kinapos sa tela ang pantalon. Tumawa ako habang nakaturo doon pero ngumiti lang siya.

Last SighWhere stories live. Discover now