Chapter 34

3 0 0
                                    


Comeback

Noong linggong iyon matapos kong matanggap ang magandang balita ay napagdesisyonan kong puntahan si Mang Berto. Ilang buwan ko rin naman siyang hindi nabisita dahil sa naging busy ako at tulad narin ng sinabi niya.

Pagkababa ko ng tricycle na sinakyan ko ay naagaw agad atensyon ko ng kotseng nakaparada sa tapat ng gate.

Kanino naman kaya ito?

Hindi na ako nagdoor bell dahil bukas naman ang gate. Sino bang nandito kasama ni Mang Berto? Pagkapasok ko palang ay nagtaka na ako sa malinis na paligid. Sa pagkakaalam ko sa ganitong mga oras hindi pa tapos sa paglilinis si Mang Berto. Nagbago ba siya ng routine? Inagahan niya siguro.

Naglakad ako sa pathway at tinungo ang loob ng bahay. Baka nasa loob na siya ng bahay naglilinis. Nasa tapat na ako ng pinto papasok nang biglang. Napatigil ako sa lalaking biglang sumulpot. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko mapaliwanag ang kaba sa dibdib ko. Anong ginagawa niya dito?

Ang makapal niyang kilay ay nagsalubong. Nakatingin siya sa akin na parang  namimintang at may ginawa akong masama saka pumorma ng ngisi ang kanyang labi na parang nang-aasar.

“ Anong ginagawa mo rito ha?” May halong pang-aasar ang tono ng pananalita niya.

“ Eh ikaw anong ginagawa mo dito ha Jake? Gipit na gipit ka ba para pati bahay nila Si pasukin mo?”

Tumawa siya sa pagtaas ng boses ko.

“ Binabaliktad mo ako ah…pinapunta ako dito ni Si para bisitahin ang bahay nila.” Ngiti niya.

Alam kong may komunikasyon sila ni Si base palang sa pananalita niya tungkol sa mga sinasabi niyang mga bilin ni Si sa kanya na alagaan daw ako pero iba parin talaga na sinasabi niya iyon na nandito siya at alam kong totoo talaga ang mga sinasabi niya. Napairap ako sa kanya at pinilit na magmukhang galit.

“ Eh ikaw Elle anong ginagawa mo rito?” Tumaas-taas pa ang kilay niya at nakangisi na naman ang kanyang labi.

“ Nandito ako para bisitahin si Mang Berto.” Halos mautal sa pananalita.

“ Asus…kunwari kapa…okay lang ‘yan…normal lang ‘yan…hindi naman kita isusumbong kay Si.” Tawa niya pa.

Hinampas ko siya sa braso. Pero imbes na masaktan ay tinawanan niya lang ako habang nakahawak sa braso niya. Tiningnan ko ang pintong nasa likod niya at kunwaring sinilip doon si Mang Berto.

“ Pinauwi ko na si Mang Berto…may sakit kasi... ako naglinis…ang bait ko diba?” Kumindat siya sa akin sabay flex ng mukha niya sa harap ko.

Inirapan ko siya.

“ Miss mo na si Si noh?” Pang-aasar niya.

Inirapan ko lang siya at tumalikod para umalis. Wala naman dito si Mang Berto ano pa bang gagawin ko dito?

“ Uyy …pumupunta siya dito kapag Miss si Si.” Kunwari niya pang sinundot-sundot ang tagiliran ko habang sumusunod sa akin.

Hindi ko lang siya pinansin at nagdiretso sa paglalakad. Nakakabwesit ang boses niya.

“ Aminin mo na kasi.” Pangungulit niya pa.

Nang hindi na ako makatiis ay hinarap ko siya na nagpatigil rin sa kanya sa paglalakad. Halatang nagulat siya sa biglaan kong paghinto.

“ Eh kung sabihin kong Oo…ano naman sa’yo?” Hamon ko sa kanya.

Nawala ang ngiti sa mukha niya.

Last Sighحيث تعيش القصص. اكتشف الآن