Chapter 33

3 0 0
                                    

Publish

Kinaumagahan pagkagising ko ay agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ko itong kumirot. Nang imulat ko ang mata ko ay nasa tabi ko parin ang dalawa.

Sheet

Nakatulog ako?

Si

Napabalikwas ako ng bangon at agad-agad na lumabas ng tent. Hindi ko na nagawa pang isuot ang tsinelas ko nagdiretso nalang ako sa tent nila Kuya Jigs. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang lakad takbo na pumunta doon. Bakit ako natulog?

Nakita ko si Kuya Jigs na nakaupo sa buhanginan may hawak na gitara at nagraraska. Agad siyang napaangat ng tingin sa akin ng makita ang pagmamadali ko. His face was astounded as he looked at me. I gasped for air not caring about what he thinks of me.

“ Where’s Si?” I enquired with the fast heart beating of my heart.

Kahit alam ko na ang sagot nagbabakasakali parin ako na iba ang sabihin niyang mga salita. Naiinis ako na kahit alam ko nang mangyayari ito ngayon umaasa parin ako na baka nagbago ang isip niya. Baka naisipan niyang mag-stay ng kahit ilang oras pa para makasama ulit ako. Na baka mas magustuhan niya ulit dito kesa sa Manila.

Kuya Jigs balked of my question. Seemed confused of what answer he will  say to me. He gave me a wistful and forced smile. For that I already knew but still I’m hoping..

“ Pagkagising ko kanina wala na siya eh…baka naglakad-lakad lang ‘yun.” May pagdadalawang isip sa kanyang tono.

I forced a smile as I felt my heart crashed. The pain sabdued it. I nodded to him before I turned my back.

Para akong matutumba sa panghihina ng tuhod ko. That was the kind of pain I didn't prepared myself for. That was too much. I never thought pain could exceed that much. I can no longer feel anyhting but pain. It was pain all over.

Alam ko naman. Nagpaalam na siya diba? Ano pa bang kulang para hindi ako masaktan? Ano pa bang hinahanap ng sarili ko para wala ng sakit kahit mawala pa siya? Gusto kong magpaalam siya diba? Gusto kong makita siya pero bakit ang sakit parin?

Naglakad ako pabalik sa tent na halos hindi ko maramdaman ng paa ko ang buhangin na nilalakaran ko.

He will not stay Elle, he was away for good. Paulit-ulit ko iyong sinasabi sa sarili ko para kumbinsihin ang sarili ko na wala man siya pero para naman sa sarili niya ang paglayo niya.

Ang sakit na naramdaman ko noong umalis siya na hindi nagpapaalam ay dumoble pa ngayon. Mas dumoble. Mas sumakit. Nasasaktan ako.

“ San ka galing Elle?”

Pagkakita ko kay Chesca ay agad na nagsituluan ng sabay sabay ang luha ko. Ngumiti ako sa kanya at tinuro ang pinanggalingan ko. Nakita ko ang pagkabigla at pag-aalala niya nang makita ang mga luha sa mata ko.

Nilagpasan ko siya at dumiritso sa tabi ng dagat sa dalampasigan. Umupo ako doon. Ipinagtabi ang dalawa kong tuhod at ipinatong ang baba ko at doon hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak.
Ang sikip sikip ng dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Pinipigilan ko ang hikbi ko kahit alam ko namang walang makakarinig sa akin.

Nasa biyahe na siya ngayon. Siguro masaya dahil sa wakas makakauwi na siya. Mas gusto niya doon dahil nandoon si Christine. Sinabi kong mahal ko siya kagabi pero wala siyang sinabing kahit na ano pa man. Ako lang ang nagpaniwala sa sarili ko na mayroong ibig sabihin ang lahat ng iyon. Baka hinalikan niya lang ako dahil naaawa siya sa akin. Baka pumayag lang siya sa lahat ng iyon dahil ayaw niyang saktan ako. Ako lang ang may nararamdamang ganito. Ako lang ang nasasaktan dahil ako lang naman ang nagmamahal.

Last SighWhere stories live. Discover now