Chapter 15

6 0 0
                                    

Lightless

" Excited na ako mamaya...abo't kamay ko na naman si Tanner." Parang kiti-kiting kinilig si Rochelle.

Si Tanner 'yung kinuwento niya sa akin dati na nakita niyang kasama ni Kenneth. Stalker ang loka ang dami ng alam tungkol sa kanya. Wala siyang bukang bibig sa amin kundi ang unending admiration niya kay Tanner. STAND member din siya kaya kasama siya sa mga magpe-perform mamaya.

May mini concert mamaya ang STAND. Ang dapat na concert nila noong isang buwan pa ay ngayon pa lang magaganap dahil nga sa maraming nangyari at delays. Dito lang naman sa loob ng campus magaganap kaya hindi masyadong hassle sa part ng mga estudyante rito.

Maging ang hackathon ay hanggang ngayon ay hindi parin matuloy-tuloy dahil nagkaproblema raw ang ibang school. Sayang lang ang mga trinabaho ni Si para sa event na 'yun.

Speaking of Si. Kanina pa siyang wala. Kaninang umaga hindi rin siya pumasok. Ano na naman kaya ang ginawa ng lokong iyon? Wala tuloy akong kasamang magliwaliw dahil wala pa siya. Ang kasama ko ngayon ay sina Riva at Rochelle. Wala rin kasing klase at sinasamahan din nila akong hintayin si Si.

" So dapat pala maaga tayo mamaya para sa pinaka-front row tayo." Suhestiyon ni Riva.

Alam ko naman na kahit hindi siya dumating ng maaga may VIP seat parin naman siya dahil kay Kuya Mark. SSG president iyon kaya syempre hindi pababayaan ang first lady.

Kunot noo akong napatingin sa lalaking dumaan sa harap namin na may headphones na nakapulupot sa leeg. Nababaduyan talaga ako sa mga lalaking may ganyang style. Parang ang presko ng dating. Feeling.

" Yes naman...kapal kasi ng mukha ng iba. Akala mo naman nagbayad ng VIP ticket kung makasingit sa unahan." Maarteng sabi ni Rochelle.

Natawa ako. Aminado naman kasi akong gawain ko rin ang pagsingit-singit lalo na kung kulang ang budget ko pambili ng ticket at lalo na kapag mini concert lang na walang masyadong restrictions. Pasensya siya.

" Ikaw Elle manonood ka mamaya?" Si Riva na galing sa cellphone ang mata bago lumingon sa akin.

Umiling lang ako at nagkibit balikat.
" Wala akong ticket at ayaw ko namang pumunta." Boring na sabi ko habang tinatanaw na naman ang gate.

Ayaw ko naman kasi talagang pumunta. Makikita ko lang doon mamaya kung paano magkandarapa ang mga bakla at babae kay Kenneth. Nakakawala lang sa mood. Iniisip ko palang na magiging ganun ako kalalang fan niya ay kinikilabutan na ako. Crush ko siya pero hindi naman siguro ako aabot sa paghalik sa nilalakaran niyang lupa. Iyon ang kahuli-hulihan kong gagawin sa buhay ko.

Natigilan ako sa pag-iisip nang ang iniisip ko ay tumatakbo palapit sa direksyon namin. Sa direksyon ko. Mula sa main building ng ICT ay inilang hakbang at segundong takbo niya lang ang papunta kung nasaan kami.

He was wearing his olive green hoodie and a black jeans with his grey ultra boots. He was really stylish and he was really always killing it with just his presence. Kada makasalubong niya ay napa-second look sa kanya. Ang lakas talaga.

Gusto kong mag-iwas ng tingin sa kanya pero hindi ko magawa. He was an eye magnet, na kapag tumingin ka sa kanya hindi ka na makakabawi pa ng tingin at siguradong kaaadikan mo ang mukha niya.

Narinig ko sa aking tabi ang mariing pagsinghap ni Rochelle at Riva nang huminto sa harap namin ang ang hingal na hingal na si Kenneth.

" Hi Kenneth." Bati agad ni Riva na nagawa pang magbiro ng pagpapacute. Medyo close sila dahil nakakasama niya si Kenneth kapag magkasama rin sila ni Kuya Mark. Karamihan kasi ng kaclose ni Kenneth dito sa University ay may mga papel sa Campus. Famous nga eh.

Last SighWhere stories live. Discover now