Chapter 23

4 0 0
                                    


Confused

" Sinundo ka raw kagabi?" Alanganing tanong ko kay Si habang nakatanaw sa field.

Kinakabahan talaga ako sa posibleng isipin ni Tita Tessa. Nilingon ko siya at nakitang tutok siya sa kanyang laptop.

Busy siya sa pagcode kaya wala sa akin ang atensyon niya. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa. 

May assignment daw kasi kami sa programming.  Tapos na daw siya at para na sa akin ang ginagawa niya ngayon. Advantage talaga kapag may ka-close na programmer hindi nakakatupok ng utak. Sinulyapan niya ako ng tingin sandali saka ibinalik ang atensyon sa laptop niya.

Ako naman ay nakatuon ang atensyon sa isasagot niya. Sinabayan pa ang tahimik na paligid ng tambol ng dibdib ko.

" Si Manong Berto ang sumundo sa akin...hindi na ako nakapagpaalam sa'yo...sarap kasi ng tulog mo eh." Tawa niya.

Itinaas niya ang kanyang salamin sa mata at pinakatitigan ang monitor ng laptop niya.

" So pinagalitan ka?" Tanong ko pa.

Huminga siya ng malalim. Saka sumulyap na naman ng bahagya sa'kin saka sa laptop niya na naman. Nangiti pa.

" Hindi naman...tinanong lang ako kung saan ako galing." Balewalang sabi niya pa.

Hindi talaga mahigpit si Tita Tessa. At sa nakita ko naman na trato niya kay Si parang hindi niya ito papagalitan. Pero hindi parin talaga ako kontento sa mga pahapyaw na sagot niya.

" Tapos?" Seryosong tanong ko ulit.

This time binalingan niya na ako ng tingin na may nakakalokong ngiti at naniningkit na mata.

" Natulog...ikaw ah gusto mo lang yata na magkwento ako sa'yo ng mga nangyari kagabi. Huwag kang mag-aalala safe na safe akong nakauwi." Kumindat pa siya.

Tch. Yabang. Ang taas ng tingin sa sarili. Nanahimik nalang ako at hinayaang maglakbay ang isip ko. Masakit parin ang ulo ko pero hindi na gaano. Nakatulong ang binigay niyang warm water.

" Akin na flashdrive mo."

Napatingin ako sa kanya at sa nakalahad niyang kamay. Pati narin sa laptop niyang may nakaflash na output ng program.

Galing talaga.

Kinuha ko ang flashdrive sa bag ko at kinopya niya naman ito doon. Ibinalik niya ulit ang flashdrive sa akin.

" Makinig ka ipapaliwanag ko sa'yo 'to para kapag nagtanong si Mr. Lavajeros may isasagot ka." Ayan na naman ang serious mode niya.

Kapag talaga related sa academics nagiging seryoso siya. Tumango lang ako kahit alam ko namang wala akong maiintindihan kahit anong paliwanag ang gawin niya.

Nagsimula siyang magpaliwanag at tango lang talaga ang nagawa ko. Kahit hindi gets tango lang.

" Tapos kapag pina-run mo 'to... ito 'yung output niya... Okay ayos na?" Tanong niya pa na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

Tumango lang ako. Nagkasalubong ang kilay niya na parang hindi naniniwala.

" Oh sige bakit may ganitong syntax dito? Anong use niyan?" Turo niya sa bahagi ng code sa pinakataas.

Nakatingin siya sa akin hinihintay ang magiging sagot ko. Napakamot naman ako ng sintido at ngumiti sa kanya.

" Bakit nga ba?" Nanlulumong tawa ko.

He pursed his lips. Animo nauubusan ng pasensya. Bakit kasi ang hirap nito? Siningkitan niya ako ng mata pero halatang natatawa rin saka umiling.

" Uulitin ko makinig ka." May pagbabanta na ang boses niya kaya sumeryoso na ako.

Last SighWhere stories live. Discover now