Chapter 19

3 0 0
                                    

Mad


It was Wednesday and it was the third day of intramurals. Halos maga-alas otso na akong dumating sa school since wala namang lecture ngayon at attendance lang naman.

Habang naglalakad ako sa pathway ay naalala ko ang tawag ni Si kaninang madaling araw. Tinanaw ko ang soccer field mula sa kinatatayuan ko. Wala pa namang tao roon. Tanging mga babaeng naglalaro lang at nagkakasiyahan ang nandoon. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at dumiretso na muna sa classroom para mag-sign ng attendance.

Nasa instructors table ang president ng klase namin si Vince. Siya ang may hawak ng attendance ng aming block kaya sa kanya na ako dumiretso. Walang masyadong tao sa room halos kasi karamihan ay nasa labas naglalaro o kung hindi naman ay nagche-cheer.

Nang makalapit na ako sa unahan ay nag-angat naman kaagad ng ulo si Vince sa akin mula sa pagkakapangalumbaba. Lumiwanag ang mukha niya saka ngumiti sa akin. Tumango nalang rin ako. Wala akong ka-close na ibang estudyante dito bukod kay Si kaya hindi rin ako nakikihalubilo masyado.

" Good morning Elle." Seryosong bati niya.

" Ahmm...Good morning." Ilang na sagot ko sa kanya.

Hindi naman sa pagiging judgemental at pagiging assuming pero kung makatingin siya ay parang may masamang binabalak parati. Kahit pa sa iba naming kaklase ay ganyan din siya. Hindi ko alam kung ganyan ba talaga ang mata niya o tama talaga ang iniisip ko.

Kinuha ko ang ballpen na nasa kamay niya na inalalahad sa akin. Hinawakan niya iyon ng mahigpit nang kukunin ko na sana. Kumunot agad ang noo ko na hindi ko sa kanya ipinahalata.

Kinuha ko ulit ito pero agad niya rin itong hinigit sa kamay niya. This time, pinakita ko na sa kanya ang inis na mukha ko. Akma akong kukuha sa bag ng ballpen ko ng natawa siya. Mukha na akong nakikipagbiruan sa kanya? Close ba kami?

" Napakaseryoso mo naman. Binibiro lang kita eh."

Ibinigay niya na sa akin ang ballpen kaya walang sali-salitang kinuha ko iyon at walang lingunang pumirma ako.

" Ang ganda mo na talaga."

Hindi ko alam pero may kakaiba sa tono ng pananalita niya. Napaangat ang tingin ko sa kanya pero hindi ako nagsalita. Nakatayo lang ako doon habang nakatingin sa mukha niya at kunot na kunot ang noo. 

" Sige salamat."

Inilapag ko ang ballpen sa mesa kahit pa nakalahad ang kamay niya para kunin iyon. Ngumisi siya saka kumindat. Hindi ko nalang iyon pinansin at tuluyan nang tumalikod. Mabuti sana kung gwapo eh hindi naman. Nakakakilabot panga.

" Thanks Elle!" Pahabol niya pa nung paalis na ako.

Tinanguan ko lang ang mga kaklase kong bumati sa akin pagkalabas ko ng classroom. Nakakapanibago talaga. Dati wala namang ganito.

" Ikaw 'yun diba?"

Napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita.

Sheet. Bakit nandito 'tong animal na'to? Patay kang bata ka Elle.

Tumingin pa ako kunwari sa likod ko kahit alam ko namang ako ang kinakausap niya.

" Bobo ka ba? Ikaw ang kausap ko!" Wala pa man ay galit na siya.

Ganun ba talaga kasakit ang pagkatama ng bola sa mukha niya? Napabaling ako sa kasama niya.

Si Kath. 'Yung kaklase namin. Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin. Anong problema nila? Muli akong bumaling sa tibong napaka-angas ng tingin sa akin.

Last SighWhere stories live. Discover now