Chapter 25

3 0 0
                                    


Someone else

Natapos ang ball na halos kami lang naman ni Si ang magkasama. Naging busy si Kenneth sa mga performance ng STAND. Hindi man lang niya sinabi na marami pala siyang gagawin.

Okay lang naman sa akin.

Ilang na ilang lang talaga ako kay Si matapos ang nangyari. Pagkatapos kong umiyak at pagkatapos ng sayaw na iyon bumalik na kami sa table at hindi na binanggit ang ano mang tungkol doon. Pinipilit niya na maging light ang mood sa pagitan naming dalawa. Ako lang talaga ang hindi makalimutan ang nangyari. Bwesit. Bakit ba kasi ako umiyak? Napaka-OA.

Pareho lang ang pakikitungo namin sa isa't-isa pero parang may nagbago. Hindi ko alam kung sa akin lang ba o sa aming dalawa. Hindi ko matukoy basta ang alam ko may nagbago.

Maganda ang naging takbo ng gabi para sa lahat. Si Jasmine ang Valentine's Queen si Kenneth naman ang King. Ewan ko pero nang makita kong magkasama si Kenneth at Jasmine wala naman akong naramdaman iba. Ang gulo. Gulong-gulo ako.

Madaling lumipas ang araw at buwan halos hindi ko namalayan na third year na kami. Magka-block na naman kami ni Si. Hindi ko alam kung ano na naman ang ginawa niya. Nakita ko kasi ang COR niya na block 1 dapat siya pero nung bumalik siya sa akin magkablock na daw kami. Dumaya na naman ang loko.

Nasa grandstand kami ngayon naghihintay para sa next class. Inilabas ko mula sa aking bag ang notebook na sinusulatan ko ng story na ginagawa ko. Buong bakasyon kasi halos ginugol ko ang oras ko sa pagsusulat. Hindi nga ako makapaniwala sa isinusulat ko ngayon. Pero anong magagawa ko ito ang gusto ko. Initially dapat story ito ni Kenneth pero nahanap ko nalang ang ballpen ko na mga sitwasyon kung saan kasama ko si Si na ang isinusulat ko.

" Si." Kuha ko sa atensyon niya.

Strum kasi siya ng strum ng gitara. Nag-aaral parin ang loko. Hindi pa siya tono kung tumugtog. Praktis siya ng praktis at hindi siya tumitigil. Ang lakas talaga ng determinasyon.

"Hmm?"

Tinigil niya ang pagsa-strum at ibinigay ang buong atensyon sa akin.

" Would you rather have more time in this world or have more money?" Tanong ko. Isusulat ko kasi as dialogue ng lead character.

He scoffed at my question.

" Tinatanong pa ba yan?... syempre have more time to make more money." Tawa niya.

Inirapan ko siya at hinampas pabiro ng notebook na hawak ko. Hindi na magseryoso sa buhay.

" Walang ganyan... Time or money?" Papili ko ulit.

Sumeryoso siya at tumikhim.
" Of course time. Kung pwede pa ngang humiling ng extension ng buhay gagawin ko." Nakangiti siya pero halata sa mukha niya ang lungkot.

Nagsalubong naman agad ang kilay ko kontra sa sinabi niya.

" Parang ang lungkot naman yata kung ang haba ng buhay mo tas ang mga kamag anak mo at mahal sa buhay ay nawawala isa-isa pero ikaw buhay na buhay parin...sakit kayang maiwan."

Sinara ko ang notebook na hawak ko at binalingan siya. Hawak niya parin ang gitara pero hindi niya iyon tinutugtog. Nakatingin siya sa field.

" Mas gusto mo bang maiwan?" Taas ang kilay na tanong ko.

He nodded and let out a deep sighed.

" Sinabi mo nga na masakit maiwan diba? Kung ang iiwan ko ay isang taong mahalaga sa akin hindi ko kakayanin na masaktan siya dahil sa akin...mas mabuti nang ako ang iwan o maiwan niya kaysa ako ang magparanas nun sa kanya. I don't want her to feel and remember me as the person who left her."

Last SighNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ