Chapter 14

5 1 0
                                    

Why

I spent the whole semestral break exercising and losing weight. Every morning I jog. I do exercise routines and I was able to discipline myself for the amount of food I take and water became my best friend. I think that three weeks of sacrifice paid off.

" Wow...sino 'yan? Bakit parang kamukha mo si Elle?"

Napangiwi nalang ako sa kaO-Ahan ni Jessen na unang sumalubong sa'kin pagkapasok ko palang ng bhouse.

First day of second sem bukas kaya nandito na kami. Nilampasan ko lang siya at dumiretso na papunta sa room namin.

" Napaka-AO mo." Natatawang sabi ko habang ramdam ang pagsunod niya sa akin.

Naabutan ko si Chesca na naglilinis at nagpupunas ng bintana. Napasecond look pa siya sa'kin saka nanlaki ang mata at namilog ang bibig. Tinalikuran niya ang ginagawa at ibinigay ang buong atensyon sa akin.

" Wow Elle ikaw ba 'yan? Nagsembreak lang...anong ginawa mo?" Mangha at takang tanong niya.

Umikot pa siya sa akin at pinagmasdan ang kabuuan ko. Ganun ba talaga kalaki ang ipinayat ko? Sa bahay naman hindi naman nila masyadong pansin ah.

" Napaka-OA niyo." Inirapan ko silang dalawa na nakatayo lang sa harap ko at half-open pa ang mga bibig. 

" Anong OA ang sinasabi mo dyan? Iniwan ka namin dito na malusog na malusog ka tapos ngayon tingnan mo 'yang sarili mo."

Naibaba ko naman ang tingin ko sa sarili ko saka umiling. Ibinaba ko na ang dala kong gamit at umupo sa higaan ko at hindi pinansin ang dalawa. I missed this room. Inunat ko ang dalawa kong kamay at naramdaman din ang pagkailang nang mapagtantong nakatingin parin silang dalawa sa akin. 

" Hoy tumigil kayong dalawa...nakakakilabot kayo." Umasta pa akong nanginginig.

" Taray pumayat lang...nag-inarte na."  Tawa ni Chesca na kinuha ulit ang basahan na hawak kanina.

" Pero Elle seryoso ang laki talaga ng pinayat mo...Three weeks lang tapos...hindi ka ba kumain?"

Takang-taka talaga ang mga gagi.

" Hindi." Seryosong sagot ko pero nagsisinungaling.

" Gaga ka talaga. Paano kung nagkasakit ka? Bakit ka nagpapayat ha? May pinagagandahan ka noh?"

Lumapit sa akin si Jessen at inusisa ang pinaayos kong buhok ko.

" Sino 'yang lalaking iyan... deserving ba 'yan sa paggutom mo sa sarili mo sa loob ng tatlong linggo?"

Napanguso ako at isang tao lang ang pumasok sa isipan ko. Deserve niya syempre.

" Nagpapayat ako para sa sarili ko hindi para kanino pa man." Depensa ko pero hindi ko mawari kung ano man mang meron sa tono ko.

" Asus...ano 'yan love yourself? Pero ayos 'yan. Ang ganda mo Elle." May paghangang sabi ni Jessen.
" Bigyan pa nga ng isang bakasyon at magta-transform din ako." Biro niya pa na ikinatawa ni Chesca.

" May igaganda pa ba 'yan? Parang upos na upos na eh."

" Grabe ka naman...malay mo mabanat pa."

Sabay silang tumawang dalawa kaya natawa narin ako. Mga abnormal talaga.

Bumangon na ako at nagsimulang mag-ayos ng gamit. Namiss ko 'to namiss ko ang ingay nilang dalawa. Nakakabwesit pero ang sarap sa tainga.

Buong gabi nila akong pinakwento sa mga ginawa ko noong bakasyon at paano ako pumayat ng ganito. At sino raw ang inspirasyon ko sa pagpapaganda ko. Parang one on one interview lang diba? Pero tanging mga pahapyaw lang na sagot ang binibigay ko sa kanila.

Last SighKde žijí příběhy. Začni objevovat