Chapter 27

5 0 0
                                    

Addicted

Kinaumagahan hinatid niya ako sa bhouse namin gamit ang kotse nila. Dumating si Tita at Ate Anne nang madaling araw pero hindi rin naman ako nakapagpaalam dahil tulog sila 'nung umalis ako.

" Kapag gusto mong pumunta sa bahay sabihin mo muna sa akin para masundo kita...huwag 'yung ganun okay?"

Sinabi niya agad nang huminto ang sasakyan sa tapat ng gate ng bhouse. 

Napanguso ako sa sinabi niya at tumango nalang. Pinag-alala ko nga yata siya ng husto. Hindi ko alam pero ang isiping iyon ay nagdudulot ng kiliti sa puso ko. Pinag-alala niya rin naman ako.

" Ingat ka pabalik." Nasabi ko bago ako akmang tatalikod.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinigit paharap sa kanya at niyakap. Nakasubsob ako sa dibdib niya at gulat sa ginawa niya. Naalala ko ang kagabi. Ano bang nangyayari sa kanya?

" I will...you too. You should take care of yourself." Ibinulong niya iyon sa akin saka ko naramdaman ang paghalik niya sa buhok ko.

Pinakawalan niya ako sa yakap niya saka ko nakita ang malawak niyang ngiti. Hindi man lang ako makapagsalita. Pinilit kong ngumiti katulad sa ipinapakita niya ngayon sa akin pero hindi parin talaga mawala ang ilang sa akin.

Hanggang sa bumaba na ako sa sasakyan niya na hindi ko man lang maramdaman ang sarili ko. Bakit ba ako gulat na gulat sa lahat ng ito?

" Elle!"

Muli akong lumingon kay Si. Nakabukas parin ang pinto ng kotse kaya malaya ko siyang nakikita.  Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. Itinaas niya ang kanyang salamin. Ayan na naman ang ngiti niya.

" Hmm?" Iyon lang dahil hindi ako makapagsalita ng maayos.

Umiling siya.
" Nothing...bye...bye Elleonor."

Hindi ko talaga mapigilan ang pag-ngiti kapag binabanggit niya ang buong pangalan ko. Siya lang kasi ang tumatawag sa akin ng Elleonor. Kahit sa pandinig ko ang pangit-pangit ng pangalan ko kapag galing sa bibig niya ay parang ang gandang pakinggan.

Pero hindi ko alam na panandalian lang ang saya na iyon dahil napalitan kaagad iyon ng kaba sa dibdib ko. Iyong tipong masakit na saya. Iyong hindi mo alam kung saan nanggagaling ang sakit.


" Bye Si..." Pilit na ngiti ko saka ako nagmadaling tumalikod at pumasok sa gate. Naramdaman ko na naman na mas lalong umusbong ang kaba sa dibdib ko at muling naalala ang nararamdaman ko para sa kanya.

I like you Si but if this is what you can only offer, then I'm up to this. Whatever it is, as long as it's you. I am all in this. I can settle for this.

Napangiti ako ng mapait saka naglakad papasok.
Pagkapasok ko sa bhouse ay inulan na naman ako ng tanong ng dalawa. Kaya wala akong nagawa kundi ang magkwento. Kinuwento ko sa kanila halos lahat ng nangyari except doon sa lalaking adik. Wala lang ayaw ko lang malaman nilang umiyak ako.

" Alam mo Elle kung hindi ka lang ampalaya iisipin kong may gusto ko kay Si... grabeng mag-alala...jowa?"

Napangiti ako sa sinabi ni Jessen. Napansin niya rin? Masyado na ba akong halata?

" Baka nga gusto ko na siya." Ngiti ko.

Nakahiga ako sa higaan ko samantalang naga-apply ang dalawa ng kung ano-ano sa mga mukha nila. Halos matawa ako nang sabay silang dalawa na lumingon sa akin. Gulat na gulat.

Hindi masyadong gulat si Chesca dahil nabanggit ko na ito sa kanya pero si Jessen napaka-eksaherada ng reaksyon na parang imposible 'yung sinasabi ko.

Last SighWhere stories live. Discover now