"master?" tahimik lang si master habang may lungkot na nakalagay sa mga mata.

"where could she be?"

"we'll find her, master" inalalayan nalang namin si master palabas.

She can't open a portal, so that means, someone took her in. The question is who?

-

*UNKNOWN*
"ang simple ng pinapagawa ko hindi niyo man lang naayos!"

"nakuha na namin siya, pero may humarang at dinala siya sa ibang portal"

"sinasabi niyo ba na ang gate keeper ang may gawa nun!"

"posible po"

Nakialam ang gate keeper? Bwisit!

-

*ASTRED*
Unti-unti akong napamulat nang may pumatak sa mukha ko.

"shit!" dali dali akong napabangon at nilibot ang paningin. Where the heck am i? May mga batong umiilaw? Prank ba to? Para sa photoshoot? Surprise ba nila sakin? Langhiya hindi nakakatuwa!

"a-aray ko po!" dahan-dahan akong tumayo dahil masakit ang likod ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid, nasa isang kweba yata ako. Malamig at puro umiilaw ang ibang bato.

"guys?" oh my gosh. Walang sumasagot. Kinikilabutan ako sa sobrang tahimik ng paligid.

"totoo ba to?" nilapitan ko at hinawakan ang umiilaw na bato. Parang diyamante. Tumalikod ako at naglakad nalang. I remember na nandun ako sa kwarto at may humawak sa balikat ko. Pero nasaan ako?

"this is not funny!" inis kong bulong habang tinatahak ang daan, maliwanag naman kaya okay lang, hindi ako mapapatid. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong naglalakad. Wala akong suot na wrist watch. I don't have my phone in me.

I'm tired and thirsty. Hanggang saan ba itong nilalakad ko? Daig ko pa naglakad sa great wall of china eh, diretso at parang walang katapusan.

"ayun!" napatakbo ako ng makita ang dulo ng kweba. Sa wakas makakalabas na din ako!

"what the heck!" naman oh! Hindi pala dulo. Isang malawak na kweba na may tubig-

"tubig!" dali dali akong uminom. Wow! Daig pa ang mineral water sa sarap. Sobrang lamig. Nasaan ba kasi ako? Nilibot ko ang paningin.

"where the hell am i?" malawak siya na may tubig, may konting halaman more like damo. Tapos may mga glowing rocks and nothing else.

Packing tape!

"sino ang lapastangan na gumising sa aking mahimbing na pagtulog" napaatras ako dahil sa malalim at malaking boses. Parang galing sa ilalim ng lupa ah.

"what the hell!" biglang gumapang ang kaba sa buong katawan ko. Luminga-linga ako pero wala namang akong ibang kasama dito.

"i swear if this is a prank, it's not funny!" ginu-goodtime yata ako ng team, kunwari kidnap tapos dadalhin ako sa magical-like place to do a photoshoot. Fantasy ba ang theme namin? May hidden camera ba?

"sino ka!" lalong lumakas ang kaba ko dahil sa malalim at matalim nitong pananalita.

"s-sino ka! M-magpakita ka!" grabe, ang tapang mo Red. Jusko!

O.m.g...!

"d-d-d-d-dragon!" napaupo ako at napaatras. Jusko! Gusto ko ng himatayin. Kung panaginip lang to please lang wake me up! Bigla nalang kasing may lumabas na malaking dragon na kulay itim na may puti at may halong gold. Parang nakalimutan ko ng huminga dahil sa kaba, nanginginig din ang katawan ko.

"jusko po!" nasambit ko nalang. Yumuko naman siya na parang kinikilatis ako. Sobrang laki niya promise! Panaginip ba to? Sobrang pagod ko ba kaya nagkakaganito ako?

"isang tao! Imposible!" hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi pa din ako makagalaw habang nakatingin sa kanya.

Not a dream?

"sa wakas! May isang tao na makakasama ko sa mahabang panahon!" napalunok nalang ako sa sinabi niya.

"paano ka nakapasok dito?" hindi ako makasagot dahil parang hindi ko maproseso ang nasa harap ko. Dati sa movies ko lang sila nakikita tapos ngayon nandito na sa harapan ko.

Mababaliw na yata ako.

My goodness!

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey: To Another World Where stories live. Discover now