-49: Trouble-

15 5 1
                                    

S I E R R A

Kanina pa nanakit ang ulo ko, dahil sa tapang ng usok kanina. Nasa kwarto na naman ako ng mansion. Pero ibang gown na ang suot ko ngayun. Lagi nalang umiikot ang paningin ko, bwisit na unknown yun. Pahirap sa buhay!

Iniisip ko yung nangyari kanina. Wala na ba talaga si Lillian?. Hindi ba ito panaginip?. Aish lalong sumasakit ang ulo ko sa daming tanong. Diba tapos na ang 6th mission?

UNKNOWN ANUH NAAAAAA!.

Naglibot ulit ako sa loob ng kwarto upang maghanap ng baril kahit masakit ang ulo ko. Baka kasi bigla nalang akong barilin dito.

Wala akong nahanap na baril. Wala na rin yung baril sa ilalim ng unan ko. Lalong sumakit ang ulo ko kaya naman humiga muna ako at pumikit. Kailangan ko munang mag relax kahit di ko deserve.

(〒﹏〒).

Ano ng gagawin ko kapag si Keyla ang killer? Pano ko sya mapapatay? DI KO NAMAN KAYAAAAAAA.

*Ting*

Nangilig ang kamay ko nung kinuha ko ang cellphone. Failed or complete?. Omagash di ko yata talaga kaya.

Unknown:
This is so interesting!
The killer is being aggressive
to kill!. The 6th mission is
failed. @Lillian is innocent.
She's the truth teller!, But unlucky
the killer kill her right away!
now i know the truth i think
i will stop this Game.

*Unknown sent a video.

*Unknown removed Lillian to the group.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayun. Masaya ako dahil tapos na ang laro pero buhay pa ang killer.

Unknown:
It's a prank! The game is
just starting and getting
interesting that's why i
won't stop it!. I will give you
two a 7th mission which is
"One last standing". That's good
right?. I think there will be a good
fight! 'the accused vs the killer'.
I'm so excited! Who do you think
will win? The being accused for
a long time or the killer?. Btw
there's only 1 gun here in mansion,
so findi it! Goodluck (。•̀ᴗ-)✧

Totoo ngang killer ay si Keyla. Napaka unexpected talaga, mas bongga pa ito sa inaakala ko. Kung sino pa yung alam kong tahimik, mahinhin at mabait 'sila pa yung nakapatay. Di ko naman nilalahat, pero pano nila nagagawa yun? Di ba sila natatakot?.

So I'm in trouble? Dahil mag aaway kami ni Keyla, at sigurado akong papatayin nya ako para mabuhay sya. Alam nyang isa lang dapat ang mabuhay sa larong ito. Naisip ko lang, iisa lang ang baril na nasa mansion ang ibig sabihin, isa lang samin ang pwedeng kumuha nun?!.

Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap ang baril. Plano kong ilayo yun kay Keyla dahil alam kong papatayin nya ako. Wala akong balak patayin si Keyla dahil hindi ko kaya.

"NASAN NA BA YUN?!?!?!" Inis kong sigaw sa sarili ko. Agad kong tinikom ang bibig ko ng may narinig akong tapak na papunta sa direktyon ko. Nangilig ang buo kong katawan dahil sa kaba at takot.

Mamatay na ba ako?.

"Sierra...help." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Nakatago ako ngayun sa cabinet kaya hindi ko makita kung nasan sya pero naririnig ko sya.

"Help, Sierra... kailangan kita." Napalunok ako nung narinig ko ang sinabi nya.

Unti-unti kong binuksan ang cabinet na kinalalagyan ko ngayun. Nakita ko syang nakatalikod sakin at may hawak na baril kaya naman dahan dahan akong bumalik sa cabinet ngunit humarap sya sakin.

Nakita ko ang malamig na tingin at walang emosyon nyang mukha pero nararamdaman kong kaya nya talagang pumatay ngayun. Ibang ibang Keyla ang kaharap ko ngayun. Tila bang demonyo na ang kaharap ko ngayun. Hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil sa takot at halos hindi ako makagalaw.

"Sierra, kailangan kitang patayin."

****

GIRLS TALKWhere stories live. Discover now