-23: Accidentally met-

19 5 0
                                    

S I E R R A


[Tuesday]

Maaga akong gumising ngayun, bali 5:59 palang, paalis na ako ng bahay. Wala akong ganang makinig sa klase ngayun, saan kaya ako pwedeng pumunta?, Balak ko sanang umabsent.

Tinawagan ko si mama habang naglalakad ako.

"Ma".

(Ang agap, bakit ka napatawag, may nangyari ba?).

"Wala naman, gusto ko sanang umabsent ngayun".

(Bakit masama ba pakiramdam mo?).

"Opo".

(Edi umabsent ka, bakit ka pa nagsasabi sakin).

"Trip ko lang ma".

(Ewan sayo, bye na, matutulog pa ako, ingat ka dyan).

*Tooot*

Bumuntong hininga ako, ewan pero parang mabigat yung pakiramdam ko, na gusto kong mawala, siguro masyado lang akong malungkot ngayung araw.

****

Pumunta ako sa malayong coffee shop, malapit lang sya sa SGU. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, buti nalang nakapasok agad ako sa isang Cafe.
bumuli ako ng isang basong kape, at isang slice ng chupon cake. Habang pinapanood ang ulan ay, kinuha ko ang head set ko sa bag, at nilagay yun sa tenga ko.

Nagpatug-tug naman ako ng malulungkot na kanta.

Ewan pero nagiging kalmado ako, at gumagaan ang pakiramdam ko ngayun.

Ang pinapakinggan ko ngayun ay, tagu-taguan; by Moira dela torre.

****

Kaimbyerna, malalate na naman ako!!!.

*Boghs*

Sinong bwisit ang nakabangga sakin?!.

"Ja--jake"napasabi ko, sabay lunok.

OMGAS!!NASA HARAPAN KO NGAYUN ANG CRUSH KO WAHHHHHHH.

Kaso nakaramdam ako ng panghihina at parang hindi yata ako makakapagsalita, ewan pero ang lakas ng tibok ng puso ko!!.

*Dug*Dug*Dug*Dug*
*Dug*Dug*Dug*Dug*
*Dug*Dug*Dug*Dug*

"Im sorry, are you Okey?"tanong nya sakin, kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko!. Para lang akong istatwa dito. Nakakahiya!.

"Jqhandhdusjejej".

"Huh?"taka nyang sabi sakin, takte ano bang nangyayari sakin?!!!.

"O--okey lang a--ko ba--bye"mautal-utal kong sabi sakanya, at tumakbo ng mabilis papalayo sakanya.

Kaimbyerna!! nakakahiya!!sa harap pa ng crush ko, ako nag kaganun!!, Pero kahit ganun, kinikilig ako!!!ikaw ba naman ang tanungin ni crush, kung Okey kalang, NAKAKAKILIG!.

"Huy, malalate ka na naman, buti nalang late din Yung teacher natin"sabi sakin ni Dria kaya natawa nalang kaming dalawa.

That's our accidentally, that i want to forget.

****

Napagising ako dahil, sa ingay na nasa cafe, takte!!, Nakatulog pala ako!! At ang daming tao ngayun! Another kahihiyan na naman!.

Maiinit na din ngayun, napasarap yata yung tulog ko, umalis agad ako sa cafe, syempre nagbayad muna ako.

Habang naglalakad ako, ay may narinig akong naiyak sa isang sulok, pamilyar yun.

Hinanap ko ka agad, yung boses.

"Pres--ley?"tawag ko da naiyak na babae.

"Si--sierra, ba--bakit ka nandito?"tanong nya sakin, at pinahid ang sarili nyang luha.

"Namasyal"palusot ko.

"Ahh, Okey"maikli nyang sabi.

"Eh, ikaw bakit ka naiyak?"tanong ko sakanya, pero umiwas lang sya ng tingin, hindi talaga ako marunong mang comfort, kaya niyakap ko nalang sya.

"Bakit ka ba kasi naiyak?"wala lang syang nasabi, dahil umiyak lang sya ng yakapin ko sya.

"Na--natatakot na ako....pa--pano k--kung a--ko na---man yu--yung ma--mamatay"sabi nya sakin, at napalunok ako.

"Hi--hindi yan, wag mo muna isipin yun"sabi ko sakanya, pero umiling lang sya.

"Ka--kahit naman di ko isipin toh, mamamatay parin ako...tayo"sabi nya, napailing nalang ako, tama nga sya, kahit anong gawin namin o kahit hindi namin isipin ang tungkol sa laro, mamamatay parin kami.

****

Pumunta kami sa ice cream parlor, then nilibre nya din ako.

"Ayos ka na?"tanong ko sakanya at tumango sya.

"Masyado lang akong natakot kanina"sabi nya sakin, habang kinakain ang ice cream nya.

"Ahh, ano sa tingin mo yung bagong mission natin?"tanong ko sakanya at napaisip sya.

"Hindi ko sya ma gets, mahirap intindihin ang mission nya"sabi nya sakin na pailing-iling pa, hindi ko rin gets ang mission, nakakaimbyerna talaga si unknown, gagawa na ngalang ng mission, hindi pa ineexplain.

Naubos na agad ang ice cream ko, kaso gusto ko pa eh!.

"Pres, bibili lang ulit ako"sabi ko sakanya at tumango lang sya.

Ang totoo nan, hindi kami masyadong close ni presley, dahil mag kaiba kami ng ugali at ng gusto, kaya kapag nag uusap kami medyo pormal or parang 'isang tanong, isang sagot', minsan lang kami magkaroon ng isang topic na parang close na close kami. Kahit ganun kami ni presley, mahalaga pa rin sya sakin. Isa na rin sa option kung bakit sya mahalaga sakin ay dahil lagi syang nanlilibre. Char.

*Boogsh*

Takte sakin nun, ah may nabangga yata akong pader. Tiningnan ko kung sino yun, at isang lalaki na nakaformal attire at parang mga 20's sya, at takte! Ang bango at ang gwapo nya, tapos yung mata nya, nakakapang-akit! Mapupungay kasi ito, tapos bagay sakanya yung bagsak na medyo mahaba na buhok nya!.

Kaso suplado eh, nung nabangga ako, tuloy-tuloy Lang sya maglakad hanggang sa nakalayo na sya sakin. Wew. Ang gwapo talaga.

Umupo na ako sa tabi ni Presley, nung nakabili na ako ng ice cream.

"Nakakita ka lang ng gwapo kanina, natulala ka na HAHAHAHA"pang- aasar nya sakin.

"Natulala talaga ako?eh??sure ka dyan?"tanong ko sakanya at tumango lang sya, patawa-tawa pa nga sya eh.

"Pero aminin mo, gwapo talaga sya!"sabi ko.

"Oo, siguro, pati alam ko naman na ganun yung mga tipo mo"pang aasar nya pa, pero inirapan ko nalang sya.

Habang nakain kami medyo nakaramdam na ako ng hilo. Nagkatinginan kami ni presley.

"Bakit ka nagiging dalawa?"tanong ko at mas lumala pa ang pag ka hilo ko.

"I-ikaw rin e---"di na nya natapos ang sasabihin nya, nang natumba sya.

Tiningnan ko ang ice cream ko, at napatingin din ako sa likuran ni presley, at kahit medyo malabo na ang mga mata ko ay, alam kong nakamaskara ito.

Paktay.

Hanggang sa dumilim na rin ang paningin ko.

****

GIRLS TALKWhere stories live. Discover now