-14: Normal day-

17 6 0
                                    

S I E R R A

[Tuesday:6:30 am]

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko, kaimbyerna, gusto ko pang matulog eh, kinapa-kapa ko ang cellphone ko para tumigil ang alarm pero bigla akong may na alala. Tiningnan ko ang buong paligid ko at nasa kwarto na ako. Wait kahapon, nasa isang room lang ako na puro puti. So tapos na ba?!. Please lang sana matapos na dahil nakakatakot!. Malay ko bang totoo nga na may mamatay samin. Di yata kakayanin ng konsensya ko yun!!.

Tiningnan ko agad ang group chat, at wala pang mga message, buti nalang. Please lang gusto kong maging normal day toh!, Masyado ma akong naiistress sa kakaisip at masyado ng nasaktan ang katawan ko, hanggang ngayun kasi may mga sugat pa ako at galos. Mag jajacket nalang ako mamaya, para hindi halata. Baka kasi pagkamalan akong bad girl nito, eh ang bait- bait ko pamandin.

Pumunta na ako sa SCU, hindi rin ako masyadong maagap dahil, bali 7:00 na ako nakapasok, at hindi ko na din makikita yung makulit na presidente na yun!!.

****

Lunch na at ayaw ko sa canteen kumain, gusto ko yung tahimik na lugar muna, may dala din akong sarili kong pag-kain. Kakapadala lang sakin ni papa ng allowance kanina eh.

Habang nakain ako ay biglang may sumulpot na kabute sa gilid ko.

Akala ko matatahimik na ako eh, kaso may dumating na epal.

"Huy!!!! snoober!"sigaw nya sa tenga ko, kahit kalapit ko lang sya.

Kaimbyerna.

"Ka lalaking tao mo, ang dal-dal mo"Sabi ko.

"Bakit ka absent kahapon!, yari ka! madami daw kayong ginawa"sabi sakin ni Skyler.

"Stalker ba kita?, Bakit mo alam na absent ako?"walang gana kong sabi sakanya.

"President lang naman ako eh, kaya alam ko kung absent ka o hindi"Sabi nya at tiningnan ko lang sya.

Muka talaga syang loko-loko.

"Bakit ka ganan makatingin?, Baka nagugustuhan mo na ako?"pang aasar nya.

Muka talaga syang loko-loko, na tinalo pa ang buhawi sa kahanginan.

Asummero.

"Huy, alam mo namang may gusto ako kay vion, kaya kung may gusto ka sakin, pigilan mo yan"sabi nya pa.

Kala mo kung sinong gwapo, kung muka syang loko-loko, na tinalo pa ang buhawi sa kahanginan, at napaka corning tao. Kaimbyerna.

"Wag ka ngang ganan tumingin"sabi nya pa sakin at inirapan ko sya, wala talaga syang alam na, nilait lait ko na sya sa isipan ko.

"Tinitingnan kita, dahil may mata ako, wag kang assumero"sabi ko sakanya at kumain nalang, bahala sya sa buhay nya. Nakakadag dag lang sya sa stress ko sa buhay.

"Ouch, iba ka talaga, ikaw lang yata ang di nag kakagusto sakin eh"sabi nya na ikina-iling ko.

"Bakit, lahat ba ng babae, gusto ka?"walang gana kong tanong sakanya.

"Hindi naman sa ganun, ang ibig kong sabihin ay maraming babae ang nangangarap sakin o nagkakagusto, malakas kasi ang apil at kagwapuhan ng lahi ko" sabi nya pa at napatingin ulit ako sakanya.

Seryoso ba sya?.

"Ang gwapo mo nga eh, siguro kung may pake ako sa lahat. Nagustuhan narin kita, pati may lahi din ako eh"sabi ko sakanya.

⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄ - si Skyler na mukang loko-loko.

"Anong lahi?"tanong nya sakin at napalunok sya.

"Lahi ng mga sinungaling, alis nga, masyado kang mahangin!, Baka mahawa pa ako"sabi ko at inimpis na ang mga kinainan ko.

"Snobber na nga, sungit pa"rinig kong bulong nya, kaya napatingin ulit ako sakanya.

"Iniinsulto mo ba ako?"mataray kong tanong sakanya.

"Diba halata?"sagot nya sakin, kalma self, presidente yan ng SCU.

Habang nang-aasar sya, ay naagaw ng atensyon ko ang babae na nakatingin samin mula sa bintana.

"Huy, skyler si vion oh"sabi ko sakanya, kaya napalunok sya. Tiningnan nya ito at ngumiti lang.

Kulang sa diskarte.

Tumingin din ako, pero umiwas sya ng tingin. Nakaka-amoy yata ako ng selos ngayun.

"Ngi-ngitian mo lang?"tanong ko sakanya at tumango sya.

"Kulang ka sa diskarte, kala ko ba gusto mo sya?, Bakit ikaw pa tong umiiwas sakanya"sabi ko sakanya, kaya napahinga sya ng malalim.

"Hindi pa ako sigurado"sabi nya, nagtaka ako ako bigla.

"Huh?".

"Baka kasi maging rebound lang sya"sabi nya, kaya mas naguluhan ako.

"Bye na, madami pa akong gagawin"ngiti nyang sabi at iniwan akong mag isa.

Minsan talaga, di ko sya maintindihan, ewan. Madami din akong di pa alam tungkol sakanya.

Pero paki ko ba?.

Nag-ring na ang bell, at hudyat yun na magsisimula na ang klase.

****

Tapos na ang klase, kaya pauwi na ako ngayun. Nakaramdam ako ng kaba, dahil kinakabahan ako para kay Itzell. Hula ko, sya ang pinaka madaming vote dahil sya lang naman ang alam namin na hacker, at englishera. Pero ayaw ko talagang mag jugde dahil baka maling akala lang ako.

Pati kanina, nag search ako para dun sa code, Kaso wala eh, di talaga kinaya ng utak ko. Naalala ko si itzell, kamusta na kaya sya?, Na solve na kaya nya?, Yung code?, Nag iba talaga yung pakiramdam ko nung hindi na sya nag paramdam sa chat.ewan.

*Ting*

Agad kong binuksan ang group chat, napalunok ako at napaupo sa takot at pag-alala. Hindi pwede toh...natatakot ako para sakanya, sana di nalang ito totoo, dahil ayaw ko na naman na may mawalan ng buhay.

****

GIRLS TALKWhere stories live. Discover now