-47: Secret reveal-

13 4 0
                                    

L I L L I A N

Tiningnan ko ang paligid ko at nasa ibang lugar na pala ako. Ang naalala ko lang ay nung nahulog si Thalia sa rooftop. Binasa ko ang chat ni unknown tungkol sa 6th mission. Bumuntong hininga ako, mukang paubos kami ng paubos ah. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napaka ganda ko talaga, naka gown ako ngayun. Di ko na alam ang gagawin ko ngayun, mapapatay ko kaya sya?.

*Ping*

Binasa ko ang chat ni Unknown, nanlaki ang dalawa kong mata dahil dito. May baril na nasa kwarto namin. Kaya agad ko itong hinanap.

"Piste, nasan na." Naiirita kong sabi sa sarili ko. Kailangan ko na yung baril!.

*Tok*Tok*Tok*

Nanigas ang dalawa kong paa dahil sa may kumatok. Mamatay na ba ako?.

Kumuha ako ng mahabang bagay upang ipangdepensa ko sa sarili ko.

"Miss me?" Nakangising sabi ni Keyla.

"Ke--keyla."

"Do you really think you can stop me?!"

"You can change Keyla, pwede kitang mapatawad kung aamin ka na." Mahinahon kong sabi sakanya ngunit halatang di sya nakikinig sa sinasabi ko. Halos lumuha ang mata ko dahil may hawak syang baril ngayun.

"See this? I will win, i will live! I'm going to kill you and Sierra!" Sigaw nya, kaya naman nawalan na ako ng pag asa. Tinutok nya ang baril sakin at saka kinasa. I'm sorry Sierra if i didn't warned you before that Keyla is the killer..

"You made me do this, bye."

*Bang*Bang*

****

GIRLS TALKWhere stories live. Discover now