DG I

11.8K 200 30
                                    




Celine's POV




"Miss" marahan kong niyuyugyog ang balikat ng babaeng kasalukuyang nakapatong ang ulo sa counter ng bar.


Narinig ko naman na dumaing siya kaya nagsalita ako ulit "magsasara na po kami kelangan niyo na pong gumising at umuwi"




Bahagya niyang inangat ang kanyang ulo "isang margarita nga" nabubulol niyang sabi.





Nagkatinginan naman kami ni Dior na bartender dito sa bar na pinapasukan ko.






"Ma'am sorry. Sarado na kasi kami tsaka isa pa lasing na po kayo kaya di ko po mabibigay yung gusto niyo" sabi ni dior.






Bahagya naman siyang natawa "alam mo bang yan din yung sinabi niya sakin" pailing iling siya ng kanyang ulo habang nakatawa. "Di niya daw mabibigay gusto ko...psh"





"Naku sis...brokenhearted ata tong isang to" bulong naman ni yves sa akin.






Ilang segundo pa ay nagsalita ulit siya "di na nga niya binigay ang gusto ko pati ikaw ayaw mo rin ibigay ang gusto ko? Ang damot damot niyo naman!"





Akmang tatayo na sana siya kaso bigla naman siyang naout of balance dahil sa sobrang kalasingan. Nasalo ko nga siya pero dahil ang bigat niya ay nabitawan ko siya. Napalakas siguro ang pagkahulog niya mula sa pagkakahawak ko kasi napapangiwi siya.





"Oh my God! I'm so sorry. Di ko sinasadya. Ang bigat mo kasi" sinisi ko pa talaga siya.





Tinulungan ko siyang bumangon at habang naupo sa sahig ay unti-unti kong naririnig ang pagsinghot niya. Nakayuko siya kaya di ko masyadong nakikita yung mukha niya.





Bigla naman akong naalarma kasi baka kung ano na yung masakit sa kanya kargo ko pa siya.





"Hey, okay ka lang? Sorry talaga. May masakit ba sayo?" Sunod-sunod kong tanong.





Pagkatapos ko siyang tanongin ay bigla bigla na lang siyang umiyak. Nataranta tuloy ako.






"Oy, miss! Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya na may halong nerbyos.






"Lagot na sis. Umiyak na" komento ulit ni yves.







"Ang shakeeet" hagulhol pa rin siya. Napalakas talaga ata yung pagkalaglag niya.






"Alin yung masakit? Yung ulo mo ba? Katawan? Alin?"






"Yung puso niya" sabi ni yves. Pareho naman silang natawa ni dior.






"Dito..." turo niya sa puso niya. Humagulhol na siya sa pag-iyak. Bigla naman akong naawa sa kanya. Siguro matinding heartbreak nararanasan nito ngayon.





"Anong nangyayari dito?" Tanong ni madam ng makalabas mula sa office niya.





"Yung isang customer natin madam ayaw pa umuwi. Gusto pang uminom" sagot ni dior.





"Eh bakit siya umiiyak diyan sa sahig?"





"Naout of balance kasi siya madam kaya natumba siya"






"O, eh may masakit ba daw sa kanya kaya siya umiiyak?" Nag-aalala ding tanong ni madam Victoria.





"Madam, heartbroken ata yan" bulong ni Dior kay madam.





"Hay mga kabataan nga naman ngayon" lumapit samin si madam.





Nakaluhod ako sa gilid ng babae habang siya ay nakaupo sa sahig, umiiyak. Hinihimas ko yung likod niya para kumalma man lang.




Iniangat ni madam ang ulo ng babae gamit ang hintuturo niya na nakahawak sa baba nito.





Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.




"Iha alam mo ang mga lalaki na yan di dapat yan iniiyakan"





"Alam ko" sabi niya sabay pahid ng kanyang luha sa mukha "kaya nga umiiyak ako ngayon kasi di naman lalaki ang nanakit sakin" pahayag niya.






Naintindihan naman namin ang ibig niyang sabihin.





"Naku iha. Tahan na. Iyakan mo na lang yung babaeng yun kung mas maganda siya kesa sayo."




Napatingin naman siya kay madam sabay tigil sa pag-iyak "mas maganda kaya ako dun" saka umiyak ulit "pero gusto ko siya eh"





"Hay...ano ka ba? Ang ganda mo. Andami pa kayang babae diyan. Katulad na lang nitong si yves"







"Hala bat naman ako madam" sambit ni yves pero di yun pinansin ni madam.






"O di kaya etong si Celine." Dagdag pa na sabi ni madam. Agad naman ako napatingin sa kanya pero di siya nakatingin sakin since yung atensyon niya ay nasa babae. "Naku mas mabuti pa lin, ihatid mo na lang tong heartbroken nating customer"






"Bakit ako? Si dior na lang" sabay turo ko kay dior.






"Nope! Not me. Susunduin ko pa girlfriend ko"






Nalipat naman ang paningin ko kay yves "si yves na lang madam"






"Anong ako? Hindi ako pwede" tanggi ni yves.







"At bakit naman hindi?" Tanong ko sa kanya.







"Susunduin ko yung tita ko sa airport. Alam mo yan" sabi ni yves. Oo nga pala darating yung tita niya.





Nalipat naman ang paningin ko kay madam "ikaw na lang kaya madam?"







"Kaya nga ikaw inutusan ko kasi di rin ako pwede. May pupuntahan din ako"





Ano ba naman tong tatlong to. Edi sila na may lakad. Sakin pa talaga pinasa yung responsibilidad na to. Actually di ko naman talaga siya responsibilidad pero dahil sakin siya pinaubaya ay kargo na ng konsensya ko yun if may mangyari sa kanyang masama.







Tinanong ni madam kung saan nakatira yung babae pero di naman klaro yung pagkasabi niya kaya pinaulit niya ito sa babae.







Sa isang apartment siya nakatira. Di naman masyadong malayo yung sinabi niyang address.




"I wanna go home" napatingin ako sa babae. Umiiyak pa din siya pero di na gaya ng kanina na halos malunod siya kakaiyak.






"I wanna go home daw lin" sabi ni dior.







"Mabuti pa hatid mo na siya." Gusto ko sanang tumanggi pero wala naman akong magagawa since pareho naman di pwede tong tatlong kasama ko.





Binigay ng babae ang susi ng kotse niya matapos siyang tanungin ni madam kung may kotse ba siya.





After non ay inihatid ko na sa huling hantungan este sa apartment niya ang babaeng to.








AN :

Another story kasi why not? Hehe. Hope you'll like and support this one also ☺️





God bless everyone!








🖤

Daddy's GirlWhere stories live. Discover now