37

40 4 3
                                    

Pati sila ate ay napabaling kay Ria na papalapit sa akin. She's smiling as she walks towards us. Bumati muna siya kila Ate na bumati rin sa kaniya. Kilala na nila si Ria, since noong lumipat ako ng school noong grade 5. We're always together that time.

"Buti at nandito ka? Pasensya ka na hindi agad namin nasabi na nandito si Maye. Medyo may hindi kasi kami pagkakaintindihan" si Ate na ikinailing lamang ni Ria at ngumisi ulit. She's wearing a wool knit cardigan and a black fitted leggings. It looks comfy.

"It's okay lang, Ate. Nagkita kami kahapon ni Maye sa resort" aniya at bumaling sa akin.

Tumabi sya sa akin sa mat na nakalapat sa sahig. Hawak ko si Damian samantalang siya ay kinuha si Jasmine.

"Overnight pala kayo kahapon?" Tanong niya nang umalis sa kaniya si Jasmine at nagtungo kila Ate.

"Oo. Ang mga kaklase ko kasi talagang sinulit hanggang gabi"

Ria pouted. "Iyon nga rin gusto ko eh! Kaso ang mga parents ay agad kaming pinagsusundo..."aniya at sumimangot. Natawa ako sa kaniya. Lalong nagmature ang itsura niya ngayon. Pumayat din ang mukha niya.

"Puro babae kayo, hindi ba?" Tanong ko at parehas kaming napa-angat ng tingin nang may maglapag ng barbeque sa gitna namin. It was Kuya Jace.

"Thank you... Kuya Jace" Ria said in a teasing voice. Si Kuya naman ay seryoso lang na tumingin sa kaniya at tumalikod. I frowned.

"Sungit pa rin ng Kuya mo" may diin na sabi ni Ria at nilakasan ang pagkakasabi. Nagkibit-balikat lang ako at kumagat sa barbeque.

"Ganyan na talaga 'yan" sabi ko at sinulyapan si Kuya Jace na tahimik lang na nagpapaypay sa iniihaw.

Inaya ko naman si Ria sa loob nang mapansing may gusto siyang ikwento sa akin ngunit bumu-bumulong kapag tungkol sa kalokohan. She asked me if I had a boyfriend and how do I make out with him.

"Hindi kasi ako makapagkwento nang maayos! Nand'yan ang pamilya mo at baka sabihin bad influence ako sa'yo" aniya at ngumisi.

I just smirked and shook my head. Nagpaalam kaming may titignan saglit sa kwarto pero ang totoo'y tutungo lang sa sala para magkaroon ng kalayaan na makapag-usap. "So... have you been in a party?" Aniya pagkahiga sa sofa.

Kumagat ako at humiga nang patagilid. Itinukod ko ang kamay ko sa mukha at ang siko sa sofa. Umiling ako na ikinalaki ng mga mata niya sa akin na tila ba'y hindi makapaniwala.

"Anong lugar ba 'yang natakbuhan mo? Gubat?" She said in an insulting way that made me frown.

"No. 13 lang ako noon at minor pa ako. Hindi ko rin naman hilig 'yan" sabi ko na ikinasimangot niya. Napatitig pa siya sandali at unti-unting umangat ang sulok ng labi. Lalong nagdugtong ang mga kilay ko.

"How about let's go on Saturday? Wala ka naman sigurong ginagawa dito!" Aya niya na tinanggihan ko agad.

"Nakakatamad. At huwag mong sabihing umiinom ka na?" Pagdududa kong tanong na ikinairap niya.

"Obviously, Maye. Kaya nga inaya kita, 'diba?" Aniya at umirap nang pabiro.

Simula noong magkakilala kami, alam ko namang adventurous siya at malayang nagagawa ang gusto niya. Ang masama lang ay minor pa siya?

"Tsaka I'm already in a legal age" dugtong niya at ngumisi. Napataas ang mga kilay ko dahil sa nalaman.

"Kailan ulit birthday mo?" Tanong ko na ikinatingin niya sa akin na para bang naoffend siya.

"Hindi mo alam?!" Madrama niyang sabi.

I rolled my eyes. "Nakalimutan ko"

Ngumuso siya at kumagat sa kinakain. "Fine. Noong February 14! Grabe ka, araw pa ako ng mga puso"

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Where stories live. Discover now