36

36 3 2
                                    

"Isang gabi lang talaga kayo roon?" Si Kuya Jake habang tinutulungan akong ilagay sa sasakyan ang mga gamit ko.

Ihahatid nila ako ngayon sa resort na pagsi-swimmingan naming magkakaklase. Sinabi ko rin na pagdating ko na lang do'n ibibigay ang ambag ko. And also, a week after the call with Leticia. We kept in touch lalo na't madalas din siyang tumawag dahil nababagot daw siya sa bahay nila. Hindi pa raw kasi umuuwi ang mga pinsan niya at may mga pamilyang lakad naman sila Lomi.

Kilala na rin siya nila Kuya at Ate dahil ipinakilala ko siya sa kanila. They welcomed her and even say that I should invite her here. Pero hindi madali 'yon dahil malayo ang ibabyahe ni Leticia! But Ate suggested that we can pick her up. I just agreed with her because I miss Leticia.

"Oo. Bakit parang ayaw mo pa, Kuya?" Sabi ko at nameywang. Ngumisi lamang ito at umiling.

"Tawagin mo na sila Ate Sheela mo" aniya na ikinatango ko. Pumasok ako sa loob at tinawag sila Ate Sheela. Agad ko naman binuhat si baby Damian na agad ding yumakap sa akin. He is Kuya Jake and Ate Sheela's son. Medyo mataba at sobrang gwapo nito. Pinaghalong mukha ni Kuya Jake ngunit nananaig ang maamong mukha ni ate Sheela.

Nagpaalam na rin ako kila Ate Jiana at Kuya Jace na aalis na kami. Ibinigay ko kay Kuya ang address ng aming pupuntahan at nakampante na lamang dahil alam niya na iyon. Mga isang oras din ang biyahe pero hindi naman ako nabored dahil nakakatuwa laruin si baby Damian.

Pagkadating namin ay marami na ring sasakyan ang naroon. Siguro sa mga kaklase ko. Tinulungan ako nila Kuya Jake sa mga gamit ko pagkapasok namin. Sinabi ko sa receptionist na kasama ako sa nagpareserve na 10 Diamond na section. Iginiya niya naman ako at malayo palang ay kita ko na ang mga kaklase ko na nagsasaya. Nang makalapit ay nagkatinginan kami ni Lina na agad namang kumaway sa akin.

"Maye! Buti nakapunta ka!" Bati niya nang makalapit ako. Nakipagbatian din ako sa mga iba kong kaklase. Napatingin din sila sa kasama ko kaya pinakilala ko sila.

"Kuya, mga kaklase ko" sabi ko.

Bumati ang mga kaklase ko. Ganoon din sina Kuya Jake at Ate Sheela. May ibang lumapit din kay Damian ngunit natawa ako nang natakot ito sa kanila. Naagpaalam na rin sila Kuya na mauuna na.

Mukhang nasa swimming pool na ang iba at naiwan sila Lina dito dahil sa pag-aayos. Ibinigay ko na rin ang ambag ko sa kanila. Inaya na rin nila ako na magswimming kaya nagpalit muna ako ng pangligo. Rush guard at shorts ang sinuot ko at ganoon din sila. Habang papunta sa pool ay tuloy pa rin ang pagrereklamo ni Lian, ang kaklase ko bading, na sana ay sa beach na lang daw kami nag-outing para makapag-two piece siya.

Napalingon sa amin ang iba kong mga kaklase at kapansin-pansin ang nagmamadaling paglapit sa akin ni Leticia. Tulad lang din ng suot ko ang kaniya.

"Akala ko hindi ka na dadating!" Aniya na hinatak na ako pabagsak sa pool. Agad kong naramdaman ang panlalamig sa ginawa niya. Halos mapatili pa ako nang hatakin niya ako kaya nakatikim siya ng hampas sa akin.

"Bwisit ka!" Humalakhak lang siya sa sinabi ko. Nakihalubilo na rin kami sa iba naming mga kaklase. Napuno lamang ng tawa at sigawan kaming magkakaklase lalo na't marami ring kalokohan na ginagawa. Nagkaayan pa sa slide.

"Nakakaexcite!" Ani Leticia habang paakyat kami. Sa sobrang excited niya ay kami ang unang sasabak. Nagchi-cheer naman ang mga kaklase namin at nagsisigawan. Natawa lamang ako habang tinitignan sila mula sa taas. Para silang mga itik na nagwawala.

"Sa likod mo na ako!" Sabi ko at pumwesto sa likod ni Leticia. Sabay kaming humiyaw nang mabilis kaming dumulas sa slide at naramdaman ang pagbagsak namin. That was fun! Gusto kong umulit!

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu