28

36 5 2
                                    

Nilakad namin nila Lomi at Leticia ang college building. Malapit lang naman iyon sa school namin pero pa tatawid ng highway.

Mula sa labas ay kita na agad ang kalakihan at kagandahan ng school. Same design ng amin dahil iisa lang naman ang school namin. Hiwalay lang ang college building. May mga estudyante na nagsisilabas galing doon. Same din ng uniform pero iba ng style.

Nakalimutan ko na kailangan nga pala ng I.D. kapag lumalabas o pumapasok dito. Katulad ng sa amin kaso panigurado ako na hindi kami makakapasok dahil highschool pa lag kami.

"Pwede ba tayong pumasok?" Napahawak ako sa bag ko at nilingon sina Leticia. Nililibot din niya ang paningin.

Sumunod lamang kami kay Lomi at nang mapansin siya ng guard ay tinanguan siya nito. Dumaan kami sa gate ng mga guard at nakapasok kami sa loob.

Madalas siguro sila dito at kilala na rin sila kaya malaya silang nakakalabas-masok.

It's very different from our school. Sa amin, open field at hindi dikit-dikit ang buildings. Dito, marami kang makikita agad na rooms. Siguro'y bungad pa lang kasi.

Naglakad-lakad muna kami dahil hindi rin namin alam ang pupuntahan. May mga college students din na napapalingon sa amin. Panigurado'y dahil kay Lomi.

"Saan tayo pupunta nito?" Ani Leticia. Napakibit balikat ako at bumaling kay Lomi.

"Bakit ba tayo pumunta dito?" Ani Lomi at hinarap ako. Napasimangot ako at dinala sa harap ang mata.

I was the one who insisted to go here. Para sana puntahan si Randell. Lagi kasi siya ang pumupunta sa amin kaya bakit hindi naman ako ngayon? Tsaka, I want to know about his whereabouts too.

"Si Randell sana kaso hindi ko alam kung saan siya hahanapin." Sabi ko.

"Edi tanongin mo! Mukha tayong ligaw na mga bata dito" ani Leticia at humalakhak. Ganoon din si Lomi. Napairap ako sa kanila at nilabas ang phone para itext si Randell.

Me
Hey, nandito kami sa school mo. May klase ka pa?

Ibinulsa ko 'yon pagkatapos. May nakitang map ng school si Leticia na nakapakat sa isang pader kaya nilapitan namin iyon.

"Tara muna sa canteen!" Anyaya ni Leticia na ikinasang ayon naman namin.

Halos lahat ng estudyante na aming makakasalubong ay napapatingin sa amin. Siguro'y nagtataka rin sila na bakit may nakapasok na juniors dito.

Sobrang laki ng canteen nila! Lahat yata ng food stall na nasa amin ay narito din lahat. Mayroon pang mamahaling kainan at café roon. Kaya pala ay hindi na silang nag aabalang bumili sa labas dahil nandito naman na lahat. May sarili din silang bookstore! Sa amin ay maroon din naman pero hindi kasing laki nito.

Doon na lamang kami sa isang café bumili. Isang milkshake lang ang aking inorder at sila naman ay kape. Hindi naman ako mahilig roon kaya milkshake na lang ang akin.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. May dalawang taon pa ako bago magcollege pero parang gusto ko na agad makatapos. Parang mas gusto ko na dito kasi hindi gaanong kainit! Sa amin kasi ay halos open ground ang paligid hindi katulad dito na nasa gitna lang yata ang open ground at napapaligiran na ng mga building at rooms.

Para na rin nalalaman ko kung anong klaseng estudyante si Randell! I sometimes heard that he's very smart but not like the nerdy type.

Napansin ko ang isang grupo ng mga teachers kaya tumalikod ako.

Tanga lang, Ayessa? Uniform niyo pa lang ay ibang-iba na!

"Tara maglibot muna tayo! Sulitin na natin 'to habang kasama natin si Lomi!" Ani Leticia at nginisihan si Lomi but Lomi only made a face.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Where stories live. Discover now