26

53 5 1
                                    

"Aray!" Impit na sigaw ni Leticia nang kurutin ko siya sa tagiliran.

Parang bulang nawala ang bigat na dumadagan sa aking dibdib kanina. Bigla ba akong nabuhayan nang makita siyang may hawak na cake at dalawang maliliit na lobo.

"Bwisit ka" namutawi ang ngisi sa aking labi habang iniirapan siya.

Pumunta kami sa kusina para ibaba ang cake na kaniyang binili. Ang nakasulat doon ay "Happy Birthday, Maria! Mabuhay ka lang" na ikina-iling ko.

At least hindi pa tapos ang araw ko!

"Tara kainin na natin. Nagutom ako sa kakatago kanina!" Aniya at kumuha ng platito at kutsara.

"Oo nga pala, paano ka nakapasok?" Taka kong tanong. Wala akong maalalang binigyan siya ng spare key?

Ngumisi siya nang nakakaloko. "Naghingi ako ng spare key sa may ari" aniya na ikinagulat ko.

Hindi naman madalas dito ang may ari ng apartment na tinitirahan ko. Nasa ibang bansa na raw ang may ari nito at ang anak na lang ang nangangalaga.

"Kailan? Eh madalang din dito 'yon..." nilipad ang isipan ko sa kung paano niya 'yon nakausap. Kahit sila Aling Linda ay madalang din iyon makita rito.

"Baka kung ano-ano na iniisip mo! Pinsan ko 'yon!" Pagpuputol niya sa aking pag-iisip.

Nagulat naman ako. "Oh, talaga?"

Tumango-tango siya at ngumisi na naman nang nakakaloko. "Ano? Nasurprise ba kita?" Panunuya niya.

Inirapan ko naman siya ngunit nakangiti pa rin.

Hindi ko 'man maipakita pero sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin inaasahan na maiisip niya ito. Akala ko, ipagpapatuloy ko na ang hindi pagbibigay ng halaga sa kaarawan ko.

"Akala ko pa naman hindi mo alam eh sure akong sinabi ko sa'yo 'yon!" Sabi ko na ikinatawa niya.

"Syempre, ayaw ko naman ng basta bati lang! Gusto ko 'yung may surprise" she giggled more.

Kahit papaano ay natakpan ang lungkot na naramdaman ko kanina. Hindi ko rin masisisi sila Randell dahil hindi rin naman nila alam.

Sumubo si Leticia ng cake. "Binati ka ba?"

Napalabi ako. Nanantya pa ang kaniyang tingin ngunit ngumiti lamang ako nang pilit at umiling. Bumuntong-hininga lang din siya at ngumiti.

"Ayos lang, hindi ko rin naman sinabi sa kanila. It's fine, sinorpresa mo naman ako" pangpapalubag loob ko sa akin.

At least, I found someone like her. She makes me feel that I'm important to her even in a small way. I'm not saying Randell doesn't make me feel important just because he didn't greet me.

He's making time for me even tho I know that he's busy because he's in college. Ang paghatid-sundo niya lang sa akin ay malaking bagay na, mag iinarti pa ba ako, 'diba. Tsaka...

Nagde-date naman minsan.

Days came fast. Ganoon kabilis ang naging takbo ng panahon at sembreak na. Dahil wala namang ginagawa ay madalas ang aking pagpunta kila Leticia. Minsan ay parang doon na ako nakatira dahil madalas din akong mag-overnight.

Madalas rin mag-ayang lumabas si Randell kapag wala siyang ginagawa. Ayaw ko namang iwan si Leticia kaya parati rin namin siyang kasama. Hindi nagiging awkward kapag magkakasama kaming tatlo dahil hindi naman maarte si Randell sa kasama.

"Saan naman tayo ngayon?" Natatawa kong sabi pagkalabas ng gate at nakita siya roon. Nakasandal siya sa kotse niya at nakapamulsa. He smiled at me.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon