16

39 6 7
                                    

Kinabukasan ay kaunti palang ang tao sa classroom. It's Friday at wala kaming first subject kaya karamihan ng kaklase ko ay second subject na pumapasok.

Nalingon naman ako sa gawi nila Clea. Nagkwekwentuhan sila at ang boses na nangingibabaw ay kay Leticia. Nang malingon sila sa akin ay nag-iwas ako ng tingin at umupo sa aking upuan. I put on my ear pods and watch some random videos that I downloaded from YouTube.

Ayaw ko nang alalahanin pa ang nangyari kahapon. I just saw myself... bringing down my pride... but I admit that I'm at fault! Just like what Randell said...

I let out a long sigh.

Classes were just normal and stuff. Ang nangingibabaw lang talaga ingay palagi ay ang grupo nila Clea at Leticia tuwing wala na ang teacher. Kahit nang magrecess ay magkakasama silang apat. Ibang-iba si Leticia sa kanila. Not in a negative way but the way they act!

Clea and her friends are literally one of the spoiled brats of our school! Hindi sila famewhore or mga ugaling kalye pero sila ang pinakamaldita at maarteng taong nakasalamuha ko! Mayayaman din.

Kaya ngayong nakikita si Leticia na kasama nila ay para siyang outcast. The three were wearing light make-up pero siya ay nakaclip pa ang buhok!

Napailing ako at pumasok na rin sa canteen. Habang hiniintay ko ang binibili ay sumulyap ako sa kanila na nasa gawing kaliwa ko. They were ordering fries and other oily snacks.

So unhealthy.

Muntik naman akong mapamura nang may kunurot sa akin.

I glared to who pinched me but immediately smiled after I realize who it was. It was Lomi who's wearing a PE uniform same as mine.

Ngumiti ako sa kaniya at siya nama'y kumaway lang nang maliit tsaka bumaling sa kaniyang mga kasama. I glanced at them for a second and they were talking about something funny.

Nilingon ko ulit sila Leticia na papalapit sa gawi namin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Hi, Lomi!" Ani Mia at nagawa pang magsabit ng buhok sa tainga na palihim kong ikinairap.

Panunuya naman ng mga kaibigan ni Lomi ang nangibabaw na ikinatawa din nila Clea. Lomi only glance at her once and smile a bit.

"Clea, pwede daw bang mahingi number mo" anang kaibigan ni Lomi. Clea smiled and shook her head.

"Sorry, I'm taken. Leticia's not tho!" Ani Clea na ikinabaling ko na nang buo sa kanila.

Kita ang pagkagulat sa mukha ni Leticia at napasulyap pa sa akin.

"Ayun pala, bro! Miss, pwedeng makuha number mo?" Anang isang lalaking matangkad at ngumisi pa.

"Uh, ano... um..." Nahihirapang sabi ni Leticia.

"Leticia! Come on! Give it!" Putol pa ni Kath at chineer pa siya. Napa-iling ako at bumaling sa inabot na order ko.

"Tigilan niyo na, tara na" ani Lomi na ikinalingon ko.

Muling nagtama ang tingin ni Lomi bago sila umalis.

"Sayang! Lance's a nice catch!" Ani Mia habang nasa tabi niya si Leticia sa hilaw na nakangiti.

"Right! He's the captain of the basketball team!" dugtong ni Kath.

"Uh, gano'n ba" sagot na lamang ni Leticia na ikinairap ko.

Akma ko naman silang lalagpasan nang tawagin ako ng isa sa kanila.

"Maria... Ayessa" It was Clea.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora