22

46 5 1
                                    

Pagkadating ko ay sakto ring pagdating ng papa ni Leticia na si Tito Lucio. Mukhang galing itong trabaho kaya naman lumapit ako at nagmano.

"Mano po, tito" napatingin siya sa akin at nagulat.

"Oh, kamusta anak? Dito ka matutulog?" Aniya na ikinatango ko. Nang makapasok kami sa bahay ay sinalubong din siya ni Leticia at nagmano.

"Ma! Nandito na si Papa!" Sigaw ni Leticia at lumapit sa akin. Agad na bumaba ang tingin niya. "Dosy!" Niyakap niya ito at binuhat.

"Dinala ko na lang ang pagkain niya" sabi ko at binaba ang gamit sa sala.

Sumulyap si Leticia sa hawak ko. "Dalhin mo na 'yan sa kwarto ko" aniya at binaba si Dos. Agad namang lumapit sa akin si Dos kaya hinimas-himas ko.

"Tali ko muna 'to"

Sinamahan ako ni Leticia sa kanilang labas at tinali ko muna ito sa terrace nila. Kinuha ko na rin ang lalagyan ng pagkain niya at binigyan ito.

"Kain na! Cia! Maye!" Rinig kong tawag ni tita sa loob.

Pumasok na rin kami at naghugas ng kamay. Umupo ako sa tabi ni Leticia at nilibot ang tingin. Inihaw na manok, barbeque at pritong isa ang nakahain. May juice pa. Ang dami nito para sa aming apat.

"Wow ha. May ano ba ngayon?" Ani Leticia at nagsandok ng kanin.

"Malaki ang kinita namin ngayong month." Anang Tita Flor at ngumiti pa sa akin.

Si Tita Flor pala ay cook sa isang catering services. Kaya pala ang dami rin niyang alam na lutuin.

"Kay Papa lang ubos 'yan" panunuya ni Leticia sa kaniya ama na tumawa naman.

"Anong ako? Ikaw ang malakas kumain ah" sagot naman ni Tito na ikina-iling ni Tita Flor.

"Kayong mag-ama talaga, may bisita tayo oh" aniya at nginitian muli ako.

Napangiti lang din ako. Leticia's family isn't rich or something but they still manage to be happy despite not having those grand things. Kahit ako, masasabi kong hindi pera ang nakakapagbigay ng kaligayan.

I have a lot of money pero hindi naman ako masaya. Hindi ko alam kung saan 'yon gagamitin para man lang mapasaya ako.

"Ang kaunti naman ng kain mo, Maye. Kumain ka lang! Nang magkalaman-laman ka" ani Tito Lucio na ikinangiti ko na lamang at tinanggap ang pagkaing nilalagay niya. Mapapasubo yata ako ngayon.

Napuno ng kwentuhan ang hapag lalo na't palabiro din si Tito Lucio. Para lang silang magkaibigan ni Leticia at talagang close na close sila sa isa't isa. Kami naman ni Daddy, hindi ganoon dahil lagi niya akong binababy! He always treats me as her little princess and spoils me so much!

Good old days. When everything was just fine as the calm before the storm.

Nakakamangha, noh?

Hindi natin alam, na sa isang mayapa, tahimik, at masayang araw, may biglang bagyong sisira ng ating buhay. Na hindi natin alam na kabaligtaran pala ang mangyayari sa isang tahimik at masayang araw.

"Wow, talagang ready ha" ani Leticia nang ilabas ko ang gamit ko sa bag.

I seperate my essentials into a clear small bag. I just want everything to be organized dahil para sa akin din naman iyon. Hindi ako mahihirapang hanapin ang mga bagay na kailangan ko.

"Nabasa mo na chat nila sa gc?" Aniya na ikinalingon ko at umiling. Meron pala kaming gc na magkakaklase. Inadd lang ako ni Leticia noong ginawan niya ako.

Tears by the Moonlight (AS#1) [completed]Where stories live. Discover now