CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)

Start from the beginning
                                    

"Pasok ka na daw sabi ni Sir."

Tumayo ako at kumatok sa pinto bago iyon binuksan. Nakita kong nakaupo sa tapat ng mesa si Matthias na hitsurang problemado tapos ang tatlong anak niya ay nakakalat sa loob ng opisina niya.

"Get in, Martin." Seryosong sabi ni Matthias at sinenyasan pa akong pumasok.

"Why do you need me here?" Tanong ko. Hindi ko pinansin ang masamang tingin sa akin ng panganay na anak niya. Dito talaga ako napipikon. Kung puwede lang talagang ngayon pa lang ay papatayin ko na ito.

"Tell me. Right in my face. In front of my sons. Did you really dispose that body? She's really dead?"

"Yes." Walang kakurap-kurap kong sagot. I've trained for this kind of situation. Sanay na sanay akong magsinungaling dahil kasama sa training namin ito noon.

Halatang sinisiguro ni Matthias kung nagsasabi ako ng totoo. Maging ang mga anak niya ay nakatingin sa akin. Lumapit pa ang isang anak niya. Si Jorge na pinakaka-aasaran ko at tinitigan ako. Nakipagtagisan din ako ng tingin sa kanya.

"Saan mo itinapon?" Tanong pa nito.

"I've sent the details to your father." Tumingin ako kay Matthias. "Disposal lang ang trabaho ko 'di ba? To clean the mess that your children did. Bakit pakiramdam ko may kasalanan ako ngayon?"

"Dahil may lumitaw na bagong anak si Cesar Valderama." Sagot ni Matthias.

Napailing si Jorge at umalis sa harap ko tapos ay humarap sa ama.

"Dad, I am telling you that was not her. I talked to Evie and she's different. Kung iyon ang babaeng dapat na iniligpit nito, dapat natakot na siya sa akin. Pero hindi." Ngumisi ng nakakaloko ang lalaki. "Well, we had connection. Trust me. It's not her."

Tumingin ako sa dalawa pang anak ni Matthias parang walang pakialam ang isang anak niya tapos ang bunso ay halatang nag-aalala.

Napahinga ako ng malalim.

"Mr. Baldomero, I don't screw up on my job. Nakita mo ang ebidensiya ng ginawa ko. And knowing Cesar Valderama, siguradong maraming anak sa labas iyon na hindi lang nagpapakilala pa." Sabi ko.

Tingin ko ay bahagyang kumalma si Matthias.

"But can you do some digging? About her identity?" Sabi pa niya.

Nagmura si Jorge. "Bakit ba kailangan mo pa ang serbisyo ng gagong 'to? I can do it. Ako na ang bahala sa Evie na iyon." Ngumisi ito. "Gusto mo ba syotain ko pa? I mean, Cesar's daughter is a good catch. Kung gusto mong pakasalan ko puwede kong gawin para lang ma-sure ball natin ang partnership sa kumpanya niya."

Naikuyom ko ang mga kamay ko at gusto ko ng bigwasan ang lalaking ito. Ang gago. Napakagago. Mga demonyo talaga.

Napahinga ng malalim si Matthias at tumango-tango.

"Pasensiya ka na, Martin. Hindi mo naman ako masisisi kung mag-aalala ako ng ganito. Alam mong gusto ko ng malinis na trabaho at ang pagsulpot ng anak ni Cesar ay hindi kasama sa mga plano ko." Ngumiti siya sa akin. "Pasensiya ka na kung naistorbo pa kita. I'll give you a call if I need you to do a job for me."

Hindi na ako kumibo at tinungo ko ang pinto at lumabas na. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang button noon. Pagsakay ko ay nagulat ako nang sumakay din ang anak ni Matthias na si Jorge. Tumingin lang ako sa kanya at bahagyang lumayo. Talagang kumukulo ang dugo ko sa isang ito.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now