"Mabuti naman at pababa ka na, Kiana. Balak ko sanang akyatin kayo dahil nakahanda na ang hapunan niyo."

"Maraming salamat po, Manang Flor"

"Wala yon! Nako at nasaan si Archer? Aba'y noong pagkarating dito at narinig ka naming sumigaw ay dali- daling tumakbo paakyat at hindi ko na naabutan dahil mahina na ang tuhod ko! Ano nga ba ang nangyari sayo at sumigaw ka?" Nag-aalalang tanong niya.

"I just went to the storage room. Nakakita po ako ng ipis kaya napasigaw ako sa gulat. By the way, pwede po bang may pumunta dito na lalaking tauhan bukas? Delikado po kasi sa storage room kasi hindi nakaayos lahat ng gamit and yung mga hindi dapat nasa taas ay doon nakalagay. It may cause accident po."

"Gano'n ba? Sige at bukas na bukas din ay ipaaayos ko 'yon. Ayos ka lang ba? Nasaan na si Archer at ikaw ang kanina pang hinahanap no'n."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Aaminin kong natuwa ako pero naalala kong ako lang naman talaga ang hahanapin dito ni Archer.

"Ayos lang po ako. Archer is probably on his room po and just changing his clothes. Pababa na rin po 'yun."

"Mabuti naman kung gano'n. Ayos lang ba kung mauuna na akong umuwi? Kailangan ko pang magluto sa bahay dahil kauuwi lang ng mister ko." Nag- aalinlangang paalam niya kaya naman tumango ako at ngumiti.

"Oo naman po. Salamat po ng marami sa tulong. I'll just let Archer know po..."

"Salamat, Kiana. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka at nandyan lang naman ako sa kabila. Pasensya na talaga!"

"It's okay po. Don't worry about us dahil kaya ko na po 'to. Magpahinga na lang po kayo and have a good night."

Ngumiti siya nang malaki saka tinapik ang balikat ko.

"Maraming salamat, Kiana!"

Nang makaalis siya ay saktong baba naman ni Archer. Seryoso pa rin ang mga mata niya kaya naman nginitian ko siya.

"Upo ka na. Nagpaalam na si Manang na uuwi kaya pinayagan ko na."

Tumango lang siya sa'kin saka dumiretso sa upuan niya. Nagsimula siyang magsandok ng sarili niyang pagkain kaya naman gano'n din ang ginawa ko.

"How's your day?" Masaya kong tanong.

Saglit lang siyang nag-angat ng tingin sa'kin saka muling ibinalik ang tingin sa pagkain.

"It's fine." he answered.

Lihim akong napangiwi.

"Did something happened?" Muling tanong ko pero lumipas ang ilang minuto at hindi niya ako pinapansin.

"Kumusta na nga pala ang paghahanap mo kay Celine? Is there any progress?" Dahil sa naging tanong ko ay agad niya akong tinignan.

"I just want to ask kung may lead ka na kasi si Keifer and Symon ay wala pa rin until now. I know how hands on you are to the search, so baka meron ka ng lead." i explained.

"There's still none. May lead man ay palaging hindi naman siya 'yon." Malungkot na sabi niya kaya naman kumirot ang puso ko.

I know how devastated he was when he heard the news that Celine is gone. Alam kong disappointed siya ngayon dahil palaging wrong information ang nakukuha niya.

"Archer..." tawag ko sa kaniya.

"I'm still going to find her, Kiana. No one can stop me, not even my own parents and specially not you."

Nasaktan ako dahil sa sinabi niya kaya naman agad akong napatungo. Lihim kong pinunasan ang butil ng luhang pumatak mula sa mga mata ko saka nakangiting nag-angat ng tingin sa kaniya.

SerendipityWhere stories live. Discover now