CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)

Comincia dall'inizio
                                    

"Gentlemen, this is my daughter Evie Marie Valderama." Pakilala sa akin ni Daddy.

Hindi agad nakapagsalita ang mga taong naroon. Kahit nanginginig ang buong katawan ko sa takot ay pilit akong nagpakatatag sa harap nila. Bumabalik sa isipan ko ang kahayupang ginawa nila sa akin pero pilit kong inalis iyon sa isip ko. Kailangan kong mag-focus ngayon. Kailangan kong i-focus ang sarili ko bilang si Evie. Hindi ako puwedeng magpadala sa emosyon ko.

"Daughter? I thought your daughter died, Cesar?" Si Matthias ang nagtanong noon.

Umupo ako sa tapat ni Jorge na nanatiling nakatitig sa akin. Talagang lahat sila ay parang nakakita ng multo.

"Oh. Elodie? Yes. She died. A tragic one." Nakita kong lumungkot ang mukha in Daddy. And if he was acting, he was doing it good. Kapanipaniwala. "I don't want to remember it anymore. I am still having a hard time accepting her fate. Evie here is my daughter living in the States. I didn't know that she was existing." Natawa si daddy. "Alam mo naman na masyado akong malikot noong kabataan ko. Hindi ko alam marami pala akong naiwang mga souvenir sa mga naging babae ko. Baka nga bukas may sumulpot na naman na magpakilalang anak ko."

Hindi sumagot si Matthias. Tingin ko ay parang hindi siya naniniwala sa sinabi ni Daddy. Tumingin ako kay Jorge at nanatili siyang nakatingin sa akin. Gusto-gusto ko siyang sugurin. Gusto kong suntukin ang mukha niya. Gusto kong bugbugin ang buong katawan niya pero ngumiti lang ako sa kanya. Ngiting nang-aakit na alam na alam kong hindi niya makakalimutan.

"Mr. Baldomero, I wasn't informed that you have good looking boys." Nanatili akong nakatingin kay Jorge at talagang nakikipaglabanan ako ng titig sa kanya. I won't let go of his stare. Hindi ko ipapakita sa kanya na natatakot ako sa kanya.

"You think we are good looking?" Tanong ni Jorge sa akin.

Naikuyom ko ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa at ngumiti ng matamis sa kanya. Pero sa kalooban ko ay gustong-gusto ko na siyang sugurin at bugbugin.

"Yeah. Especially you." Kumagat-labi pa ako sa kanya at ipinapakitang interesado ako sa kanya.

"Bakit naman siya? Paano naman ako?" Sabat ng kung sino. Tiningnan ko iyon at si Karlito Baldomero ang nagsalita noon. The first one who raped me.

"Well, you're good looking too. And him," itinuro ko si Pol na seryosong nakatingin sa akin.

"Evie, can we proceed to our topic?" Sabat ni Daddy at napatingin ako sa kanya. Pinanlalakihan ako ng mata ng tatay ko. Siguro dahil ay nakikita niyang nagpi-flirt ako sa mga lalaking narito.

"Oh, sorry Dad. Nakaka-tense naman kasi na ang guguwapo ng nasa harap ko ngayon. I wasn't informed about this. All right. Let's get down to business." Ang ganda-ganda ng ngiti ko sa kanila at inilapag ko sa mesa ang mga documents na pag-uusapan namin.

I've rehearsed this so many times. Handang-handa ako dito kaya hindi ako nagpapatalo sa takot na nararamdaman ko kahit alam kong sa buong oras ng pag-i-explain ko sa kanila ay nakatingin lang sila sa akin. Alam kong inaaral nila ang bawat galaw ko. Iniisip nila na ako si Elodie. Habang itinuturo ko sa mesa ang mga sites na puwede namin silang maging partner, alam kong pasimple na hinawakan ni Jorge ang kamay ko.

At gusto kong pilipitin ang kamay niya pero pinigil ko ang sarili ko. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Hindi niya inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko at nakarinig lang kami ng malakas na pag-ehem. Sigurado akong si Daddy iyon. Pasimple kong kinuha ang kamay ko at nagpatuloy sa pag-discuss.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora