CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)

Magsimula sa umpisa
                                    

Naramdaman kong pinisil ni daddy ang kamay ko kaya pinahid ko ang mga luha ko.

"And I am here to help my dad to forget the pain of losing a daughter. I am here to fill whatever my sister left behind. I am going to miss her."

"Welcome po, Miss Evie. Rest assured that we are going to help you in any way we can. We will support you like we supported Miss Elodie." Narinig kong sabi ng kung sinong staff ni daddy.

Ang dami pa ring nagsasalita ng mga ganoon at so far, positive feedbacks naman ang naririnig ko.

Nagpasalamat ako sa kanila at bumalik kami sa opisina ni daddy. Doon ko naramdaman na nanginginig ang buong katawan ko sa kaba. Ilang beses akong huminga ng malalim para kumalma.

"Are you okay?" tanong ni Dad.

Sunod-sunod ang tango ko at pinilit na ngumiti sa kanya. "Thank you, daddy."

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. "I told you. I'll give you anything you want. Even if it cost my life or the life of someone else." Makahulugang sabi niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. May alam na ba si Daddy sa nangyari sa akin? Pero imposible. Walang nakakaalam ng nangyari sa akin kundi ako lang ang mga taong tumulong noon sa akin. Wala akong ibang pinagsasabihan.

Ngumiti siya at tinapik-tapik ang pisngi ko. Pareho kaming napatingin sa pinto nang may kumatok doon at bumukas. Iyon ang sekretarya ni Daddy.

"Sir, nandito na po ang ten o' clock meeting 'nyo. Pinatuloy ko na po sila sa conference room." Sabi nito.

"Thank you. We'll be there." Sagot ni daddy at tumingin sa akin. "Are you ready for your first project as Evie?"

"Of course, dad. So, who are these guys?" Sabay kaming lumabas ni daddy at naglakad patungo sa conference room.

Kumunot ang noo niya sa akin at huminto kami sa tapat ng nakasaradong pinto ng conference room. "Nakalimutan mo na ba? I told you we're going to meet Matthias Baldomero and his boys."

Natigilan ako. Shit. Wait. I didn't imagine na ganito kabilis. Oo nga at ilang beses na akong nag-practice kung anong gagawin ko kapag nakaharap ko sila pero iba pa rin pala kapag actual na.

"Let's get inside and meet them," pagkasabi noon ay binuksan ni daddy ang pinto ng conference room at nauna siyang pumasok.

Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko at nanatiling nakatayo lang ako sa pinto. Naririnig ko ang pagbati ni Daddy sa mga taong nasa loob. Naririnig ko ang mga boses. Napapikit ako at ang lakas ng kabog ng boses ko. Those voices. Shit. I am beginning to experience a panic attack. I can't breathe. Shit. Not now. Hindi puwede ngayon. Hindi ako puwedeng magpatalo ngayon.

Ilang beses akong huminga ng malalim para kumalma. Nagtatawanan sila sa loob. Jesus. The laughter. I couldn't forget their laughter while they were raping me. Shit. I think I can't do this. I wanted to run.

"Evie. Iha, please get inside. I want you to meet our future partners." Boses ni daddy ang narinig ko.

Muli ay huminga ako ng malalim at pilit na nilakasan ang loob ko. Ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na ako si Evie. Hindi na ako si Elodie. Hindi na ako magagawang saktan ng mga taong ito. They killed Elodie and they brought back Evie.

Taas noo akong pumasok sa loob at ngumiti sa kanila. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga taong naroon nang makita ako. Nanlalaki ang mata ni Jorge at nagkatinginan silang magkakapatid. Maging si Matthias Baldomero ay halatang nagulat din pero hindi nagpahalata.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon