"So who was it?" nakangiting bungad ni Jason sa akin kinabukasan.

Mataman ko siyang tinapunan ng tingin. "Nasa punto tayo ng buhay na kailangan mong manahimik."

Tumawa siya at tinuro-turo ang aking mukha tila may inaanalyze siya.

"You're glowing. Epekto iyon kapag you-know, you did it with a man."

Mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig at napalinga baka sakaling may nakarinig sa sinabi niya. Umiinit ang aking pisngi sa hiya at umuusok ang masamang tingin sa kanya. Tumawa lamang siya.

"At least you get to do it."

Iniignora ko siya at tinulak na lamang ang cart patungo sa isang silid.

"Good morning, Ma'am." magalang kong bati.

She smiled and crossed her leg. "You're an intern too?"

"Uh, yes po. I'm here to deliver your breakfast." sabi ko. "Where should I leave this, Ma'am?"

"Sa lamesa lang. Thank you," aniya.

Pagkatapos kong inaayos ang pagkain niya. Tahimik akong lumabas para maibigay na rin ang iba pang room service food sa loob nito cart.

One old woman checked in and immediately bombarded me with many requests. I've known to be very patient and I'll get through this.

"God! Why is the caffeine so bland? Wala ba kayong professional na barista?" pagalit niyang sinabi.

Pang-limang pasok ko na ito sa suite niya. First, she complained about the blankets, then the arrangement of the table, then she asks me to put her clothes on the closet, and fourth, she ordered a latte and now she's complaining again.

"It is the finest latte in the hotel, Ma'am. But no worries, I can get another one for you." marahan kong sinabi.

Tinaasan niya ako bigla ng kilay. "Good. Now, get this out of my face."

Minuwestra ko ang tipid na ngiti at kinuha ang tasa sa kanyang kamay.

"I'll be back right away with your latte."

Mabilis akong naglakad pababa ng fourth floor kung saan naroon ang Cafeteria at restaurant ng hotel.

"One latte, please. Tab it on me," sabi ko.

Narinig ko ang papalapit na boses ng co-interns ko. Huminto si Kyla sa aking tabi dito sa counter ng barista.

"Apple juice, dalawa." aniya. "Ayos ka lang, Ee?"

Marahan akong tumango. Lumapit si Isaac, isa sa mga chief dito.

"Dumating si Ma'am Sevilla. Sino sa inyo ang nakaattend sa kanya?" medyo natatawa niyang tanong.

I raised my hand lazily.

"O, humanda ka, Aiofe. Dragon iyon, maraming utos." tawa niya pa.

"Kanina pa ako nasample-lan." tugon ko naman.

"Ay, 'yon matandang may malaking aryos kanina sa lobby?" si Kyla.

"Oo, palagi iyong nag-check in dito kaya alam na ng staff kung ano ang ugali no'n. Kaya mag-ingat at pagpasensyahan mo nalang, Aiofe."

Jeia placed the latte on the counter top and leaned forward.

"Wag mo lang apakan ang maling paa niya, Aiofe, dahil maldita iyon." babala niya.

Seems like it's going to be hard, huh. Ngumiti ako sa kanila saka tumango bago kinuha ang latte.

"Thanks. Ihahatid ko na 'to baka may magwawala." bahagyang natawa kong sinabi sa kanila.

Hide And Seek (A Series #4)Where stories live. Discover now