Umalis siya at binangga niya yung balikat ko.

-----------------

"Chanon, nandito ako. Magluto kana lang ng frozen foods kasi–"

Natahimik ako bigla nang mahagilap ng mata ko sila Bea at ate Celine. Nakaupo sila sa mini sofa ko at tahimik na naghihintay sa pagdating ko.

"Ate, nandito ka rin pala. Nagpadala si Mama tapos pinambili ko ng makakain namin ni Chanon."

"She asking for apologize. Kanina pa ako nandito para icheck ang kalagayan n'yo. Marami tayong pagaaway pero hindi kita kayang tiisin because you are my brother. My precious, Chakri."

"Ay, ate? Pasensya na pero hindi ko matatanggap yung sorry niya. Kahit anong luhod at iyak pa ang gawin mo, hindi kita mapapatawad. Ano? Masaya kana bang nasiraan mo ako sa ibang tao?"

"Kung sino man ang lubhang nasaktan dito, hindi ako yon. Si Felix ang sobrang nasaktan at naagrabyado n'yo ng boyfriend mo."

"Hindi ako naniniwala na totoong humihingi ka ng sorry."

"Hindi ko napigilan si Jiggy sa acquaintance party kagabi. Please, kahit hindi na ako. Even you don't accept my apology basta mapatawad mo si Felix. He is in danger now. Kailangan niya ng tulong mo ngayon."

"Sa tingin mo ba paniniwalaan kita?"

"Maniwala ka sa 'kin. Nasa panganib ng buhay ni Felix. Hindi ko alam kung papaano isasalba ang buhay ni Felix since hindi nga siya nagpadala sa ospital." lumuhod siya at nagmamakaawa.

"Nagpapatawa ka ba? Kakasalubong ko palang sa kanya kanina."

Flashback

CHAKRI'S NARRATION

Kanina kasi habang nakikipagusap ako sa kanya parang nagpipigil siya na hindi ko maintindihan.

Sinusuri ko rin yung kaliwang ibabang bahagi ng tiyan niya. Kapit na kapit siya roon. Seems like something happen but I'm not sure, siguro sa kakatakbo niya kanina para habulin ako.

End of Flashback


"Hindi ako naniniwala, Bea. Umalis kana rito at huwag ka nang magmakaawa pa."

"Sandali lang, sandali." pinigilan kami ni ate Celine.

"Paanong nangyaring nasa panganib yung buhay ni Felix? So ibig mo bang sabihin ay may nakahandang plano para bugbugin siya?"

"Ikaw yung ex. Pinagseselosan ng boyfriend mo si Felix, tama ba? Hindi nila dapat ginagawa yon dahil magisa lang yung bata tsaka baka kung mapaano yon. Next time hija, pagsasabihan mo yung boyfriend mo at iba niya pang kaibigan na involve sa away na yon. Jusko! Kinakabahan ako kay Felix."

Hindi kami mapakaling lahat.

Lahat ay nagaalala.

Lahat ay natatakot.

Lahat ay kinakabahan.

Diyos ko! Kayo na pong bahala kay Felix. Sana mailigtas n'yo siya sa anumang kapahamakan.

Tahimik lang kaming kumakain sa lamesa. Dito na rin nakikain sa Bea ng hapunan. I have no choice to say NO. Kapal ng mukha! Pagkatapos akong siraan sa ibang tao tapos ganon nalang kung makikain sa amin.

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz