109: Portal Opening

423 25 1
                                    

109: Portal Opening

They were running as if their lives depends on it. Hindi nila ramdam ang pagod dahil oras na huminto sila'y ma-co-corner sila ng Abyss. Parami ng parami ang Abyssions dahil patuloy ang pagbukas ng mga portal. Ang nakapagtataka ay tila malayo sa kanila ang main source or pangunahing taga-gawa ng portal dahil walang maramdaman si Van mula sa malapit at ang mga sundalong itim na napapabagsak nila'y halatang galing mismo sa Kastilyo ng Abyss.

What the hell is happening? No, how the heck is this happening? Parang may matang nakasunod sa kanila, nakabantay, at nagmamasid kung ano'ng ginagawa nila at kung saan sila paroroon. Tila ba'y ang matang nakatutok sa kanila ang nagsasabi ng balita sa Abyss at ang tagapag-gawa ng Portal ay nasa Abyss mismo at nagpapadala ng sundalo mula roon sa pamamagitan ng portal patungo sa kanila.

"Fuck! They're going to outnumber us!" Ani Van.

Ngumisi si Celestial at lalong binilisan ang pagtakbo. "We're already outnumbered, Prince!"

"Celestial!" Tawag ni Van ngunit hindi siya pinansin ng dalaga. "Hoy!" Pag-uulit nito na ikinagulat ng babae.

"Ano?" Tugon ni Celestial at lumingon.

Tumalim ang mga mata ni Van. "Fucking find them." Utos nito.

Umirap si Celestial. "I'm trying, okay? Gusto mo bang sumigaw ako rito para ma-attract lahat ng Abyssions na lumalabas sa mga dimension?" Sagot niya.

"Don't you have any abilities to move faster aside from running? I can sprint and flicker pero maiiwan ka!" Ani Van. "Oh right, I apologize. Wala ka palang ala-ala." Nakasimangot na sabi nito.

Tila nainsulto naman doon si Celestial. "The heck?" Huminga siya ng malalim at inalala ang kaniyang nakita kung paano binuksan ng isang Abyssion na sundalo ang portal kanina. He was moving his hands in up and down motion in a slow manner, then he suddenly flicked his fingers.

"What the hell are you doing?" Bulalas ni Van nang makita ang namumuong ilaw mula sa malayo gawa ni Celestial.

"I don't know! I think I saw this before." Sagot ni Celestial.

Galit na sumigaw si Van. "Hindi sigurado tapos gagawin mo? Mag-isip ka nga. Stop being impulsive and irrational, madadamay ako sa gagawin mo! What the heck are you doing?" Mas lalong lumakas ang tinig nito nang makitang mas lalong lumaki ang bilog na maliwanag sa kanilang harapan.

"Making a portal." Tipid na sagot ni Celestial.

Umangat ang kilay ni Van. "Portal? Saan mo naman natutunan 'yan? At saan 'yan papunta?"

"I saw a shadow earlier making a portal!" Sagot ni Celestial.

"May power mimicry ka ba para gumaya ng mga nakikita mo lang?" Tanong ni Van at gumawa ng shield upang maiwasan ang biglaang pag-atake ng kalaban habang gumagawa ng portal si Celestial.

"Perhaps." Tipid na sagot ng dalaga.

Van was shocked when the edge of the portal sparked. For a moment, he wanted to stop her dahil hindi ito sigurado sa ginagawa at baka maihatid pa sila ng portal nito sa Abyss. "Will you sto— FUCK!" Umalingawngaw ang tinig ni Van nang bigla siyang itulak ni Celestial Beryl sa loob ng portal. At bago pa man sila tuluyang atakihin ng mga Abyssion ay nakapasok na sila at naisara na ni Celestial ang portal.

Nakakahilo at nakakalulang tila walang katapusang pagbagsak ang naranasan nila sa loob ng portal. Hindi ito kontrolado ni Celestial dahil hindi naman siya marunong at ginaya niya lang ang kapangyarihan. Halos maputulan na ng ugat si Van sa leeg kakasigaw dahil hindi sila humihinto sa pagbagsak. Maging si Celestial ay nahihilo na rin kaya naman sa isang iglap ay pinilit itong pahintuan at tuluyan silang bumagsak sa damuhan. Dahil sa lakas ng kanilang impact ay gumulong-gulong pa sila pababa.

Van was fast. Kahit na nahihilo pa rin siya at hindi pa gaanong nakaka-recover ay ginamit niya ang kaniyang espada upang pigilan ang tuluyang pagkahulog at inabot ang kamay ni Celestial upang mahinto rin ito. Fucking hell, they're rolling down on a very steep slope!

"Fuck! What did you do?" Galit na sigaw ni Van habang hawak ang dalaga. Buong lakas niya itong hinila pataas at pagkatapos ay tumalon siya papunta rito at patayong bumagsak. "And where the hell are we? Hindi ibig sabihin na kaya mong gumaya ng kapangyarihan eh gagawin mo na. Abilities have foundation! Palpak ang magagawa mo kung hindi mo aaralin at gagayahin mo lang. You need to know how its foundation. Look, sa bangin tayo bumagsak. This is the cons of that fucking mimicry—" biglang nahinto si Van nang ma-realize ang isang bagay.

"Wait. What the fuck? You have that ability? Sa pagkakaalam ko'y isang clan lang ang meron niyan." Hindi makapaniwala nitong tanong. Ang mga mata'y tila hinuhusgahan ang buong pagkatao ni Celestial.

Napairap na lang ang dalaga. "Wala akong alam na isang clan lang ang nakakagamit niyan, ang alam ko'y bihira." Pang-ga-gaslight niya para makaligtas sa pang-uusisa ni Van kahit na wala naman talaga siyang  alam at maalala.

Nagbuntong-hininga si Van at napaupo sa tabi niya. "Pero totoo ang sinabi ko. Huwag kang mayabang dahil nakakagaya ka ng kapangyarihan. Kailangan mong aralin. Ang panggagaya ng kapangyarihan ay peke, hindi permanente. I have fast execution and power mimicry as well pero mas mabuting aralin kung paano mismo gawin ang isang kapangyarihan. Advantage lang iyon kumbaga pero hindi kompleto. Tinatawag nga itong daya. Ngunit kung alam mo ang pundasyon at kung paano ito mismo ginagamit, pwede mong magawa anumang oras." Paalala ni Van.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ni Celestial.

"Ang power mimicry, magagawa mo kung may gagayahin ka." Sagot ng Prinsipe. "Paano kung wala kang magaya at maging malabo sa ala-ala mo ang imahe na iyong ginagaya?"

"Wala na akong pakialam! Nasaan na ba tayo?" Ang tanging nasabi ni Celestial at tumayo.

Pikon namang sumagot si Van at tumayo na rin. "Saan mo ba tayo ibinaba? I don't know what's inside the dimension or portals or how it works since hindi naman ako gumagamit niyan. Ikaw, saang lupalop ng mundo mo tayo ibinagsak?"

Nagkibit-balikat si Celestial. "I don't know either. Wala rin akong maintindihan."

"Putangina," mura ni Van at napahawak sa ulo. "Ganyan talaga kapag hindi master ang ability at ginaya lang."

"Fuck you!" Asar na tugon ni Celestial Beryl.

"Let's keep going. I'll send a signal to them para alam nila kung nasaan tayo. Hindi ko makapa sa mapa kung nasaan tayo dahil bigla na lang tayong lumitaw sa lugar na 'to." Sabi ni Van at nagsimula nang maglakad. Tahimik namang sumunod si Celestial sa likod nito.

They walked until they could find the nearest town pero halos wala silang nahanap, mukhang malayo ang lugar. The place is actually covered with bodies of water. Kahit saan sila lumingon ay tubig ang nakikita nila. Inabot na rin sila ng peak ng dilim kaya halos wala silang makita. Wala si Elysian upang magsilbing ilaw nila. Tahimik lang ang kanilang paglalakbay nang biglang huminto si Van. Sa sobrang biglaan ay nabangga pa si Celestial sa likod ni Van.

"Puta—" reklamo ni Celestial ngunit agad ring napahinto nang marinig ang isang magandang tinig. Someone's singing and the melody is so fucking beautiful. Mapapahinto ka talaga. They looked around to observe the place, halos mapanganga si Celestial nang ma-realize kung gaano kaganda ang paligid. Nag-re-reflect ang ilaw ng mga bituin sa langit at liwanag ng mga alitaptap sa payapang ilog. Isinasayaw rin ng hangin ang mga puno't halaman sa paligid.

"Can you hear that?" Pabulong na tanong ni Van.

Tumabi siya sa Prinsipe bago sumagot. "Oo naman, hindi ako bingi 'no."

"Tanginang hayop." Halata mong pikon na tugon nito.

"Foul speech 'yan, kamahalan." Pang-aasar lalo ni Celestial. Natutuwa siya kapag may nagagalit siyang tao, ang sarap lang sa pakiramdam.

"'Wag mo akong pinupuno." Sabi nito at naglakad patungo sa ilog.

Mas lalong lumakas ang tinig at mas naging masarap sa pandinig ang musika. Palakas ito ng palakas hanggang sa wala na silang ibang marinig kung hindi ang tinig nito. Ganoon na lamang nagulat si Van at napaatras nang ma-realize ang nangyayari. Mabilis niyang tinakpan ang tainga ni Celestial.

"Fuck, cover your ears!" Utos niya sa dalaga.

Nanlalaki naman ang mga matang napalingon ang dalaga sa kaniya. "Why?"

"Sirens."

Legends: Mythical Glory (Season, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon