106: Let It Begin

610 28 2
                                    

106: Let It Begin

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Ilang araw na ang nakalipas mula nang kausapin sila ng Hari at Reyna, parang kainlan lang ay hindi pa sila pinapayagan ngunit ngayon ay sila na mismo ang nagdesisyon para sa kanilang mga sarili. Natapos na rin sila sa pagplano patungong Mermayde at dumating na nga ang nakatakdang araw ng kanilang paninimula sa kanilang paglalakbay. Dumating na ang araw kung saan lilibutin nila ang mundo para sa kapayapaan na hinahangad ng lahat.

Alam nilang hindi madali ang lahat, higit silang mahihirapan kaysa sa naranasan nila sa Dragon Castle ngunit handa na sila. Buong buhay nila ay pinaghandaan nila ang bagay na 'to. They never skipped a training because they're all determined. Mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Hindi rin sila nagreklamo sa hirap ng pag-eensayo dahil mas mahirap na sa reyalidad. At wala silang pinagsisisihan sa lahat ng 'yon. Maging ang desisyon nilang ito ngayon ay habangbuhay nilang gagampanan at kailanman ay hindi pagsisisihan anuman ang mangyari.

It's an honor to carry a legacy around the world. It's better to die with a legacy. Ngunit wala sa plano nila ang mamatay sa paglalakbay na ito. Lahat sila'y nangakong babalik nang buhay, walang maiiwan.

"Seryoso na ba 'to? Wala nang bawian? Ito na ang araw?" Paulit-ulit na tanong ni Damien, tila hindi pa rin makapaniwala na dumating na ang takdang araw ng kanilang tuluyang paglayo sa Eufrata. Yes, they already ventured but this time, they'll embark longer.

"Oo, Damien. Tumahimik ka na, kanina ka pa." Sagot ni Elysian na nag-aayos ng mga gamit sa pinakamalaking karwahe ng kaharian na kanilang gagamitin.

Damon scoffed. "Tsk, what do you expect from the youngest among us? Hayaan mo at baka natatakot pa. Ganyan talaga kapag bata."

Umangat naman ang kilay ni Damien. "Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo? Magka-edad lang tayo 'no, kilabutan ka nga."

"Nauna akong lumabas sa'yo, 'wag kang feeling. Kahit ano'ng sabihin mo, una pa rin ako." Depensa ni Damon.

Elysian sighed. Bago pa magkainitang muli ang dalawa ay sumingit na siya. "That's enough, you two! Is everything ready? Your weapons? Your capes? Baka nagtatalo kayo riyan hindi pa maayos ang mga gamit niyo. Don't let Van scold you."

"Damien, lahat ng gamit mo nandito na? Burara ka pa naman." Ani Damon sa kakambal.

"Wow, nakakahiya naman ah." Sagot naman ni Damien, halatang ayaw magpatalo. "Sobrang nakakahiya talaga, wala na 'kong mukhang maiharap sa mga sinasabi mo na kung tutuusin ay halos magkaparehas lang tayo."

"Tsk. Totoo naman kasi at 'wag mo 'kong idamay." Ani Damon at nanlalaki ang mga matang itinaas ang isang kapang may bukol. "Just what the hell is this?"

Agad naman iyong inagaw ni Damien at inilabas ang nakatagong espada doon. "That's my weapon, 'wag nga kayong bastos! Kung ano-anong iniisip niyo eh."

"Your capes are important. That's our gatepass." Paalala ni Van na nagbubuhat ng mga bagahe na naglalaman ng pagkain. "And please bring your own foods. Para kapag nawala ang isang source natin ng bag hindi tayo zero sa pagkain."

"Wait, parang may kulang." Biglang sabi ni Damien at lumingon sa paligid. Wala yatang nanggugulo sa kanila ngayon. "Where is Celestial Beryl?" He asked.

Isang babae ang tumalon mula sa tuktok ng karwahe na ikinagulat ng lahat. Of course , she's no other than the girl Damien has talked about. Speaking of. "Wow, buti naman naalala niyo pa 'ko? Sasabit na lang sana ako sa bubong kung sakali. Hindi naman ako takot bumyahe kahit sa bubong lang ako nakasakay. Nakakahiya naman kasing sumama sa inyo, mukha akong pa-in." Sabi nito habang umiirap sa kanila. "Just look at you all, parang anytime handa na kayong sumabak sa bakbakan tapos ako anytime pwedeng-pwedeng itapon lang sa unahan ng laban."

Legends: Mythical Glory (Season, #2)Where stories live. Discover now