103: The Punishment

927 54 2
                                    

103: The Punishment

Hindi natuwa si Van sa ginawa ni Celestial and that's for sure. Tila alam ni Damien kung saan na naman 'to patungo. This always happen, hindi na 'to bago sa kaniya. But as much as possible ay maiwasan sana dahil nakakapagod at sa halip na magpahinga at matulog ay ito ang kanilang ginagawa.

"Another punishment," seryosong sabi ni Van.

Damien sighed in disappointment and glared daggers at Celestial Beryl who looks very fine. What the fuck? Halos sumabog na siya sa inis pero parang wala lang sa babae. Talaga namang ipinanganak ito para pahirapan siya sa buhay 'no.

"A hundred push ups. Babantayan ko kayo, hindi na kayo natuto." Sabi ni Van na ikinagulat ni Damien, maging si Celestial ay napatingin na rin kay Van.

What did Van say? Kayo? Ibig sabihin na naman ay kasama siya? Aba hindi naman yata pwede 'yon, palagi na lang siyang nadadamay sa kalokohan ni Celestial. Wala nang ginhawa, sa kahirapan na lang talaga sila palagi magkasama.

"Teka, ba't naman kadamay ako? Buti nga eh inuwi ko 'yan." Pigil at depensa niya.

Ganoon na lamang tumalim ang mga mata ni Van. "No excuses, Damien. Kasabwat ka talaga sa mga mangyayari kay Celestial."

"Ano ako, bodyguard?" Maktol niya at pinandilatan si Celestial na nakangisi lang sa kaniya, mukhang natutuwa pa ang loko na may kadamay ito sa punishment.

Fuck, kung bakit ba naman kasi hindi niya maiwan-iwan ang babaeng 'to. He could have just left and pretended he didn't saw her earlier but he can't, gusto niya ay bitbit niya ito pauwi.

"'Di mo kaya mag push up? Ako na lang gagawa para sa'yo." Sabi ni Celestial sa kaniya na halata mong nang-iinsulto.

And that worked, that riled him up. "Wow, fuck." He reacted and brushed his hands against his hair in frustration. Give him more patience please, paubos na kasi.

"Then let's go and see who's gonna be the first to give up." Panghahamon niya na hindi naman tinalikuran ng dalawa.

Nagtungo ang dalawa sa bailey habang nakasunod si Van sa likod. Van already knows that they'll fight once he's gone kaya naman sumama ito. Parang natural na kasi sa dalawa ang mag-away, para bang ipinanganak sila talaga para lang mag-away.

Pagkarating sa gitna ng oval ay kaagad na nagsimula si Damien at ganoon din si Celestial. Talagang hindi ito nagpahuli sa kaniya. She did the push up easily, wala man lamang hirap sa mukha nito na animo'y araw-araw ito niyong ginagawa sa abyss noon.

Then Damien wondered, how was Celestial's life in the abyss? Was it good, colorful? Was she loved? Did she feel safe in the abyss? What happened to her? Damn, his curiosity is running too much. Hindi niya maiwasang magtanong ng kung ano-ano pagdating kay Celestial, he's curious as fuck and it's dangerous.

He turned his curiosity into annoyance and started irritating her. "Pasaway ka kasi, kung saan saan ka nakakarating 'pag gabi. May inaabangan ka ba sa labas ng palasyo?" Bigla ay sabi niya sa kalagitnaan ng punishment.

"Ano'ng pinagsasabi mo?" Tanong ni Celestial.

"Baka may inaabangan ka na diyan at nang maabangan ko rin." Sabi niya. Bakit parang mas napikon siya doon?

"Bakit naman?" Tumaas ang kilay nito.

Umirap siya. "Eh sa gusto ko, bakit?"

"Tsk."

Lumingon na si Damien kay Celestial. "Ano ba kasing ginagawa mo at nasa labas ka habang may sunog?"

"My feet brought me to the town." Ang tanging sagot ng dalaga.

Legends: Mythical Glory (Season, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon