Chapter Thirty-One

Start from the beginning
                                    

Saktong pagdating naman namin sa school nang mapalitan ko na ito kaya iniligpit ko na agad ang cellphone sa bag ko. Mamaya ko na lang ipagpatuloy ang ginagawa ko.Nang makapasok na ako ay agad namang humarurot paalis ang kotse ni kuya.

Oh my! Nakaka-miss pumasok sa school... Agad na hinanap ng paningin ko si Sophie.

"Tss... Nasaan na yun?" tanong ko sa sarili.

"Aly!!!"

Agad akong napalingon sa tumawag sa akin nang mapansin ang isang babaeng tumatakbo sa direksyon ko. Wait...

"Aly!!! "

Sino 'to?

"Uyy!! Ayos ka lang?" tanong nito sa akin saka iwinagayway ang kamay sa harap ko.

"Sophie?"

"Eh?? Uy, Aly? Ano ba?! Malamang ako to??!"

Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.

"Bakit...bakit iba buhok mo?" tanong ko rito.

"Duh?? Nagpagupit tayo last time ah," pambabara nito sa akin. Huh?!

Bakit hindi naman nagbago ang buhok ko?

"Tss...yan ba ang change na gusto mo, Aly?" tanong nito sa akin.

"Change?"

"Sabi mo, gusto mo magbago...kaya sinamahan kita sa trip mo...tingnan mo likuran ng tenga mo,"

Napakunot noo ako. Agad niyang iniharap sa akin ang salamin at pinatingin ang nasa likuran ng tenga ko.

Oh no...This can't be happening!!! Who the hell make me do this!!For God sake!! Sino naglagay ng Kei na tattoo sa bandang likuran ng tenga ko!!

Shit!

"See?"

"Wait...ako nagpalagay nito?" takang tanong ko kay Sophie.

"Yeah...sabi mo magpa-tatto rin ako but i resist so in exchange nagpakulay na lang ako then nagpa gupit ng buhok," litanya nito.

Ang weird...

Hindi ba siya nagtataka kung bakit nakasulat name ni Kei sa tattoo ko?

"Nga pala...you promise to tell me who this Kei is...Sabi mo kasi love of your life mo siya eh...sooo... sino si Kei? Hehehe," curious na tanong nito.

Oh God Aly...

What have you done??!!!

"Huh? Ahh, ehh..."

Pilit akong naghahanap ng pwede kong isagot sa kanya habang seryosong nakatingin sa akin si Sophie at naghihintay ng sagot.

Shit naman kasi eh. Ano ba naman ito, Aly!!!

Maya-maya ay bigla itong napasigaw at napahawak pa sa bibig nito na para bang gulat na gulat.

"Don't tell me..."

Nanlaki ang mga mata ko.

Wait...wait...wag mong sabihing kilala na niya?! Arghhh!! I'm not saying na ang 'Kei' na ito ay si Keifer pero siya lang naman kasi ang kilala kong Kei eh..

"I knew it!" nakangising saad ni Sophie habang nakakalokong nakatingin sa akin.

"Huh? W-wait...hi-hindi siya yun..."

"Sus...maniwala!"

"Hi-hindi nga!!"

"Eh sino? Huh? Sige nga!!" nanghahamon na saad nito.

"Eh...hindi naman kasi yun yun eh!!" angil ko.

Mahina lang naman ang boses ko gayong may mga tao rin sa paligid.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now