"Awit. Nagkabalikan na ba sina Bea at Felix? Ang akala ko kasi--"

Napatingin sila sa akin. I akwardly sip my milktea. Napalunok nalang ng madiin.

"Totoo ba? Naghiwalay na kayo? Kailan pa? Hindi man lang kami nainform, pare."

"Diyan kayo magagaling. Kapag may problema lang ako tsaka lang kayo lalapit. I mean... hindi naman tayo nagoopen forum kaya wala tayong alam sa mga problema natin."

"Kahit walang open forum pre. Basta nagsasabi ka sa amin, nandito lang kami para iguide sa tamang daan. Tsaka bayaan mo na yon. Ang sabi nga nila, kapag mahal mo raw yung isang tao, willing to forbear something para sa ikasasaya niya. Alam ko, alam natin, alam ng lahat na kahinaan talaga natin ang magpaubaya."

"Kaya niya siguro ginawa yon para balikan yung hinahanap niya."

"Dahil sa sex?" naluluha kong sabi.

"Dahil ba sa sex kaya niya binalikan si Bea. Akala ko ba kaya niyang kalimutan si Bea kahit hindi siya gumamit ng ibang tao. Akala ko ba kaya niyang iwan si Bea para sa 'kin, para lumaban ako, para mahalin ko rin siya."

I speak while trembling my lips. Masakit lang kasing isipin na nanguna ang utak ko kaysa sa puso.

"Hindi naman yata ganon yon. Hindi naman siguro dahil sa sex. Kung ganon siya edi sana inaaya kana niya kahit ayaw mo. Maybe because there is no option to stay in person who isn't see his value or worth."

"You need to let go. Accept nalang natin na may bago na siya. Respetuhin nalang natin yung desisyon niya para magbigay galang."

Iniwan ko sila roon. Nakamarka ang question marks sa mga ulo nila. Hindi ko na kaya, wala akong kakampi. Mas kinampihan nila si Felix. Paano naman ako?!




Nang makarating ako sa harap ng guidance office ay nakita ko si Papa na galit na galit sa akin.





"Bakit ngayon mo lang pinaalam sa amin? Binili ko yung condo unit na inaasam mo. Pinagaral kita sa mamahaling University tapos magtatago ka lang pala sa pagiging lalaki mo! Ano nalang sasabihin ng mga kamaganak at iba pa nating pamilya? Na mayroon akong anak na bakla, ha?" inaawat ni Mama si Papa. Nagsipagtayo rin yung mga tao sa guidance office.









"Wala akong anak na bakla! Hindi din  kita kayang ipagmalaki kahit na nagtapos ka pa ng kolehiyo! Wala akong pakialam kung nagtapos ka pa ng pagaabogasiya." dismayang napailing si Papa at umalis kasama si Mama.








"Nak, mamaya nalang natin 'to pagusapan."


----




"Ma'am? Excuse me po? Saan po ba pwedeng ipagamot ang sugatang puso?" napaupo ako sa sobrang sakit. Not so being OA but I feel hurt and betrayed as well.

"Hijo? Ayos ka lang ba talaga?" nilapitan ako ng mga matatandang officers sa Guidance.

"Opo. Ayos lang po ako. May problema lang po. Ano po bang requirements ang kailangan para makakuha ng TOR?"

Nagpunas agad ako ng luha at lumapit sa isang matandang staff. Puro matanda naabutan ko sa tuwing nagpupunta ako rito 'pag may kukunin.

"Ayan ang mga requirements, hijo. Sagutan mo muna itong questionnaire. Exit clearance if ever you had already graduated. Balik ka nalang after 5-7 working days."

Magalang kong tinanggap yung papel na pinapasagutan niya sa 'kin. Nakakahiya tuloy yung ginawa ko.

"Tapos na po, Ma'am. Salamat po!" nagmadali akong umalis. Nakakahiya yung ginawa kong pagiyak doon.

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now