Parang mayroong mali na hindi niya pa alam kung ano. 



"Are you even okay?" tanong ni Lory, ang katrabaho niya. "Kanina ka pa tahimik, kahit si boss, nahahalata ka na. Tinanong niya ako kung okay ka lang daw ba, you're not even smiling!"

Ngumiti si Aibe, more like . . . pinilit na ngumiti. "Okay lang ako, medyo wala lang akong tulog. Saka medyo nagugutom na ako."

"Paano naman kasing hindi ka magugutom, eh hindi ka kumain. Hindi ka nag-lunch, 'di ba? Ano bang nangyayari sa 'yo?" Lory curiously asked. "Something's really bothering you. Kung ano man 'yan, magiging maayos din 'yan for sure."

Kaagad na kinagat ni Aibe ang ibabang labi dahil hindi niya alam kung tama ba ang nararamdaman niya o sadyang nag-iisip lang siya ng mali. Tumingin siya kay Lory. May asawa na ito at may mga anak. Mas matanda rin ito sa kanya nang limang taon, pero parang barkada ang turingan nilang dalawa.

Aibe was twenty four, a marketing graduate, same with Yuel. 

Classmates silang dalawa, roon sila nagkakilala. Simula noon, hindi na sila nagkahiwalay. Naisipan na rin nilang magpakasal. Pinag-uusapan na nila iyon, pero hindi pa sila engaged. Nagkaroon lang sila ng plano.

Nagpaaalam muna siya para mag-restroom lalo na at naramdaman niya ang pagbigat ng dibdib at habang nakatitig sa salamin. She looked physically fine, she looked normal . . . but emotionally? She wasn't okay.

Nang makalabas, kaagad siyang dumiretso sa cubicle ni Lory at naupo sa tabi nito. Lory was confused while looking at her, malamang naghihintay lang din na magsalita siya.

"So, anong nangyari?" tanong ni Lory na nakakunot ang noo. 

Aibe sighed real hard. "May asawa ka na, Lo, ask ko lang . . . kapag may hunch ka, madalas ba tama?"

Matamlay itong tumango na para bang may inaalala o iniisip. "Oo, madalas. Mas mabuti pa rin na i-confirm mo. Hindi mo kasi alam kung anong malalaman mo. Madalas, tama siya . . . minsan naman nagkakamali."

Hindi nagsalita si Aibe at nanatiling tahimik na nakatitig sa kaibigan. Ayaw niyang mag-isip nang kahit na ano, pero iba na ang nararamdaman niya. Mabigat na mabigat na para bang may kailangan siyang malaman. 

"Ano bang nangyayari?" nag-aalalang hinaplos ni Lory ang buhok niya. 

Kagat-labing umiling si Aibe at tipid na ngumiti. "Wala naman. Pakiramdam ko lang, may mali."

"Isa lang masasabi ko." Ngumiti ito habang hinahaplos pa rin ang mahabang buhok niya. "Trust your guts. Kapag may mali, malamang na mayroon. Nasa sa 'yo na lang 'yon kung tatanggapin mong mali 'yon . . . o tama."

Tango lang ang isinagot ni Aibe bago bumalik sa sariling cubicle. Hindi rin niya alam kung tama ba ang nararamdaman niya. Ayaw niyang pag-isipan nang masama si Yuel, but for some reason, she wanted to confirm.

Nag-order siya ng paborito nilang pagkain sa isang Italian restaurant. Aibe planned to visit her boyfriend, to surprise him. She even asked her boss if possible ba na mag-undertime siya para makabili pa siya ng paborito nilang cake. She wanted to have a simple dinner with her boyfriend. 

That was it.

Luckily, her boss understood. Bihira naman kasi niyang gawin iyon at mas madalas pa nga siyang nasa overtime. 

Aibe booked a Grab, maraming stops para sa mga bibilhin niya para din isang sasakyan na lang. Nakikipagkuwentuhan pa ang driver sa kaniya at natutuwa na sana raw, lahat ng girlfriends, ma-effort. 

No Gain All PainWhere stories live. Discover now