"You!"

"Yes, you are. You ruined my entire life! Yung pagmamahal na binigay ko ng buo sa 'yo, sana ni-apply ko nalang sa sarili ko 'yon. Yung effort na binigay ko, sana niregaluhan ko nalang yung sarili ko! Puro ikaw nalang! Ikaw! Ikaw!"

"May kabuluhan din pala yung pagiging makasarili."

"As usual, you don't talk back. Para kang tanga. Kinakausap ka na nga, pinapanis mo lang yung laway mo sa pagiging tahimik."

"At tsaka. Wala ka ng gamit dito. Ginagamit mo nga yung gamit ko, oh? Loose T-shirt na color yellow, yung maong short ko pati sapatos ko. Hindi ka man lang nagpapaalam."

"Oo, yun talaga yung purpose ko. Thanks for reminding me!"

Felix pointing his fingertips upwards to think for the next words. Wala na ba talaga siyang ibang gagawin?! Panira naman ng moment kasi...

"Oh, yon! Noong ginamit mo nga ako nang hindi ko alam, pumayag naman ako eh. Alam mo, yung gamit ay para sa tao. Hindi mo dapat ginagamit na parang bagay lang sa 'yo yung tao. Ang sakit eh."

"Hoy, Felix! Tumigil ka nga. Ang pointless mo masyado."

"Anong silbi ng utak mo kung hindi mo ako naiintindihan, ha?! Iyan ba yung matalino? Madaming awards, madaming trophy... pero hindi ginagamit yung puso para makaramdam man lang!"

"Alam kong masama ang loob mo sa 'kin pero–"

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Para siyang zombie na nainfected sa virus.

"Can I use your apartment again?" his husky voice made me weak.

Magkalapit na kami sa isa't-isa. My heart beat so fast. Parang ang sakit niyang tignan sa mata.

"If you don't mind... just look down, you see my promise ring. I want to threw it from afar, kaso nanghihinayang ako. Mahal kaya bili ko riyan."

Nakatingin lang ako sa kanya. Ayoko ng umalis sa kinatatayuan ko. All I wanted is to see him.

"Bat ganiyan ka makatingin?" He pouted as I blink my eyes multiple times.

"Crush mo 'ko? Pwede ba 'yon? Magex na nga tas magkakainlabhan pa sa isa't-isa."

"Ewan ko." tinignan ko uli siya.

"Bakit ba kasi panay ka nakatingin? Sabihin mo nga kasi kung may muta sa mata ko para naitanggal ko agad."

Hahalikan ko dapat siya kaso nakadodge siya.

"Napuling ako. Hihiga ulit ako. Inaantok pa ako on this time."

"Ah, kamusta nga pala yung pagenroll mo sa Mapúa? Natanggap ka ba?"

"Of course, pera lang naman iyan."

"Dating public teacher pala yung ate mo? Sa Batangas din ba siya nagturo? Sa Batangas East Central?"

"Yeah. She stopped teaching. May mga anak na tsaka asawa. Nagmamanage nalang ngayon ng lomihan tsaka anak. Kaming dalawa nalang nagsasama since our Mom and Dad were both busy running on their business."

"Swerte mo sa ate mo 'no?"

"Hindi rin. Mas swerte ka sa 'kin kasi sinalo ko lahat ng sakit."

"Gago! Nakapasa nga pala ako sa bar exam. Ang saya! Salamat sa pagtulong mo sa akin."

"Don't mentioned it. Congrats! Sana makahanap kana ng trabaho."

"May gift nga pala ako. Dapat ngayon yung 3rd monthsary natin kaso... naghiwalay na nga pala tayo."

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Where stories live. Discover now