Mabilis akong umiling, "Hindi, Tristan. Hindi na mangyayari yun. Ano bang hindi mo maintindihan? You already have Fritzie. We can't go back. We cannot be together anymore. Gustuhin man nating dalawa, hindi na pwede. Wala akong balak manggulo ng isang tahimik na relasyon. I'm sorry, Tristan, pero hindi na pwede. We're done and our love story's over."

He looked pained and scared at the same time by what I had said, and it pains me—bigtime—but that's the truth. Hindi na kami pwede. Committed na sya sa iba at wala akong planong manira ng ibang relasyon. Wala akong balak kahit gaano ko pa sya kamahal.

"N-no... No..." He looked so lost trying to comprehend what I had said, and then he looked at me with desperation evident in his eyes as he held my hands tight, "Don't do this, Jer... Tell me, don't you love me anymore? Don't you feel anything towards me anymore? Please.... Tell me that you still do... Please, Jer. I'm begging you. I'm begging you once again."

I felt my throat constrict as my heart broke with his pleading, "I still do, Tristan. I still love you." His eyes shone and my heart soar, pero panandalian lang yun, at agad ding lumagapak sa sahig nang maalala ko ang sasabihin ko kasunod nun, "But we can't be anymore. There's already Fritzie.  And I would never let myself be the other woman. I would never let myself be a third-party. I would never let myself wreck relationships as I wreck myself. Sana, Tristan, naisip mo yan bago mo ko ipinagpalit sa iba. Sana... Edi sana wala tayo sa sitwasyon na to. Dahil gusto ko man, hindi na pwede. Kaya Tristan, lumayo ka na lang. Layuan mo na lang ako. Nagmamakaawa ako... Layuan mo na lang ako." Diretso akong nakatingin sa kanya habang walang humpay na tumutulo ang mga luha ko.

He looks so pained but he slowly nod his head and moved away from me.

Pinunasan ko ang mga luha ko as I scolded myself for being like this again, pero wala akong magagawa tao lang din ako—may emosyon at nakakaramdam. At kahit anong pilit ang gawin kong wag maging ganito, magiging ganito at ganito pa rin ako. Dahil nasasaktan pa rin ako... Dahil mahal ko pa rin sya... Mahal na mahal ko pa rin sya.

Oo, mahal ko pa rin si Tristan. Matagal ko ng alam. Matagal ko ng iniiwasan. Matagal ko ng itinatanggi. Matagal ko ng binabalewala. Pero mahirap pala, dahil dadating at dadating ang panahon na sasabog na lang ang nararamdaman mo at wala ka ng magagawa kung hindi aminin na lang ito sa sarili mo.

I watched him walk away from me through my tear-stained vision at gusto ko mang baguhin ang lahat, wala akong magawa. Wala na kong magagawa. Tapos na ang lahat. And maybe, moving on is the only option I have.

And so, that night I cried myself to sleep again, just like what I did when the pain was still very fresh when we broke up.

Gumising akong medyo mugto ang mga mata dahil sa sobrang pag-iyak at wala akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga sa harap ng salamin. Mabuti na lang hindi mabilis mamaga ang mga mata ko at mabilis itong maka-recover sa pamumula at pamumugto kaya hindi gaanong halata ang ang pag-iyak ko. Nagdampi na lang ako ng yelo para mawala na ang pamumugto nito bago ako umalis.

Napakataas ng sikat ng araw at sobrang init ng umalis ako sa apartment kaya laking gulat ko na lang nang nagdilim ng sobra ang kalangitaan nung last subject ko. Ramdam ko na at pati ng mga kaklase ko, pamilyar na kami sa ganito alam namin na kapag tumuloy ito sa malakas na ulan siguradong babaha sa campus. Kaya grabe ang pagdadasal namin na sana wag itong tumuloy o kaya naman ay i-suspend na nila ang klase.

Pero hindi yata narinig ang panalangin nang malakas na kumulog na may kasamang kidlat kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan.

"Shet baha na ba?" Natatarantang tanong ni Joan—kaklase ko.

"Gaga kakaulan palang! Hintay ka pa ng mga 3 minutes lalangoy na tayo. Wait ka lang, wag kang masyadong excited!" Sagot naman ni Jenina, best friend nya.

At tama nga sila dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay nakita na namin ang pagta-traffic ng mga sasakyan, ang pagsugod ng mga estudyante sa ulan para makauwi, ang pagpapark ng ilang kotse sa pinakamataas na parte ng campus, at ang pagbaha.

"Sir, baha na. Di pa ba tayo uuwi?" Sigaw ni Jake.

Tulalang sumilip ang professor namin sa labas tsaka balewalang umiling at nagpatuloy sa pagtuturo. Sanay na talaga sila sa ganito. Hindi naman na kasi bago ang ganito.

Napabuntong-hininga ako. Baha na naman. Susuong ba ko?

Nang natapos na ang klase namin tsaka palang nag-announce ng suspension kaya wala na ring kwenta at di na namin naramdaman. Inabot na kami ng gabi sa pagpapahupa ng baha at pagpapatila ng ulan pero mukhang wala pang balak huminto ang ulan kaya napagdesisyunan ko nang sumugod sa malakas na ulan. Nagpapatulog naman sa campus kung marami talagang stranded pero ayoko na ulit subukan dahil medyo mahirap—walang kumot o unan, though may sapin pero ang hirap pa rin—mas gugustuhin ko ng sumuong at makatulog ng maayos sa apartment kesa magstay dito at hindi makatulog.

Medyo malapit lang ang apartment ko sa school pero dahil sa pag-iwas ko sa matataas na baha kung saan-saan na ako napunta. Nag-stay muna ako sa shed habang basang-basa ako. Sobrang lakas ng buhos ng ulan na kahit may shed nababasa pa rin ako. Wrong move yata ang pag-alis ko sa campus, dahil sa sobrang lakas ng ulan mas tumatataas lang ang tubig at gustuhin ko mang bumalik hindi ko na magawa dahil madilim na, nakapatay pa naman ang mga ilaw sa poste ngayon dahil sa brownout.

Hindi ko mapigil ang pagtulo ng luha ko sa stress na nararamdaman ko, dagdagan pa ng sobrang panginginig ko dahil sa ginaw.  Awang-awa ako sa sarili ko na wala akong nagawa kung hindi mapaupo na lang sa semento at umiyak. Iyak ako ng iyak habang nanginginig ako sa ginaw nang makaramdam ako na may tao sa harapan ko. I froze dahil sa takot na bumalot sa puso ko. Gabi na, malakas ang ulan, madilim, at nag-iisa ako. Maraming maaring mangyari. Ayoko syang tignan, natatakot ako. Pero agad na napaangat ako ng tingin ng patungan nya ako ng mainit at makapal na balabal.

Malakas pa rin ang ulan, rinig pa rin ang pagbagsak nito sa lupa. Malamig pa rin at basa pa rin ako, pero hindi na ko nanginginig, hindi na ko giniginaw, at hindi na ko nababasa dahil pinapayungan na ko ng lalaking nasa harapan ko.

Inaninag ko sya sa kabila ng dilim at nakita ko ang galit at pag-aalala sa mukha nya, "Anong pumasok sa isip mo at sumuong ka sa baha? Hindi mo ba alam kung gaano ka delikado ang ginawa mo? What if I didn't find you? What if I wasn't here looking for you? Ano ng mangyayari sayo, Jeraldine?!" He said angrily, but when he was able to get a grip of himself bigla nya na lang akong niyakap ng sobrang higpit at naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng tensyon sa katawan nya, "Don't ever do that again, Jer, I almost died."

SapilitanHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin