MOM

"Hello, nak! Tinawagan ako ng prof mo sa binagsak mong minor subjects. Ano bang plano mo sa buhay mo, ha?"

Moment of silence...

"Sinabi rin ng Aunt mo na hindi raw siya makakapagdala sa 'yo kasi nagbabayad din ng malaking tuition yung pinsan mo sa States."

"Paano iyan, bagsak kana naman! How many times should I told you that no matter how hard is your course, pagtiyagaan mo nalang muna? Naging lawyer din ako, nak. Napagdaanan ko rin iyan pero hindi naman ganon kahirap..."

FELIX

"Iba ang generation n'yo sa generation na pinagmulatan ko, okay? Paano naman ako makakapagfocus sa acads kung hindi naman ako masaya sa pinasok ko? Mom, I want to be a filmmaker. Gusto kong magproduce ng sarili kong pelikula. I want to become a director!"

MOM

"Okay.... sige... next year kana magretake ng course na iyan. Basta last chance mo na ito, Felix, ha? I won't let you choose another course again. Once you failed the course you said, magpasensiyahan tayo sa isa't-isa. Magpepelikula ka, di 'ba?"

"How about Dad? Wala ba siyang sasabihin?"

MOM

"Wala. He has nothing to say... hindi alam ng Papa mo ang tungkol dito kaya manahimik kana lang muna riyan. Just ask your school if there is available course for film, okay ba?"

"Okay... Mom... thank you for your consideration. I'll be doing good next time."

End of Dialogue.

"Teka, anong sabi? Pinayagan ka?"

"Yes, yes! They allowed me to choose my dream course. Omg, yes! Mom doing great! Mom allows me to get into film."

Masaya siyang niyayakap ako at nagsisigaw sa labis na tuwa. Nahawaan na rin ako ng kasiyahan niya kasi sinusuportahan ko ang mga kagustuhan niya in a nice way.

"Wala ba tayong balak? Uminom tayo, my madness..."

"Ayoko na sa alak. Ang hirap kayang walain ng hangover."

"Mas mahirap kung mawawala ka sa 'kin. Hindi ko kayang walang Chakri sa buhay ko 'no tsaka ikaw ang naging first guy na hard to get but atleast a lot of things that improved."


"Hindi ba tayo mag-gygym sa Parañaque? Ilang distansya lang ang layo noon sa Makati. G ka?"

"Ayoko, lol! Hindi nga ako pinapagala ni ate Celine tsaka baka magpunta yon dito."

"Hindi naman nagpupunta. Ganito, manood ka nalang sa 'min maglaro ng basketball nila Chanon? Sa tingin ko naman ay papayagan ka ng ate mo kung dadating man siya ngayon."

Sa labis na kakulitan ni Felix ay pumayag naman ako.

"Yes."

Akala mo naman nanalo sa lotto kung makapagsabi ng 'yes'!

"Magsasando ka lang ba?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo naman, maglalabas ako ng pawis. Ang hirap kaya kapag walang exercise. Nakasanayan ko na kasing ganito, yung magiexercise araw-araw. Wala akong araw na pinalipas."

"Okay, magsasando rin ako para parehas tayo."

"Sige na nga... magdadamit nalang ako. Plain shirt, ganon.."

"Ay, hindi! Binibiro ka lang naman. You really hard to catch up some jokes 'no?"

Magpapalit na sana siya kaso nagloloading parin ang utak niya sa sinabi ko. Ang hirap pakisamahan ng slow thinker.

The Beginning of After(Ang simula ng pagkatapos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon