Ginawa niya pala iyon para matuyo siya.

Tumingin ako kay Kegan na nagpalabas ng mga rock spikes ganoon din si Elliott.

"Water dragon"-saad ko at lumabas ang isang dragon na gawa sa tubig.

"Water breathe"-sigaw ko at nagpakawala ng water breathe ang dragon ko patungo kay Caspian na patuloy na iniilagan ang mga atake nina Kegan at Elliott.

Hindi niya nailagan ang isang ice spikes kaya bumaon sa balikat niya dahil na rin sa papalapit na water breathe sa kanya. Mabilis siyang gumulong gulong para iwasan ang water breathe. Nagkaroon ng malalim na hukay kung saan tumama ang water breathe ng water dragon ko.

Hawak-hawak ngayon ni Caspian ang balikat niya na dumudugo pa rin.

"Ahahah, well nag improve pala kayo. Pero walang wala pa rin kayo sa kakayahan ko."-nakangising saad niya na ikinataka namin, hanggang sa may fire balls na biglang nagpakita sa harapan namin at saka tumama sa katawan naming tatlo.

"Argghhh"

"Damn it!"

"Sh*t arrghh"

Rinig ko ang pagbagsak namin sa lupa.

"That's my invicible fire balls, cool isn't it? At may kasamang lason pa pala iyon."-tumatawang saad niya sa habang habang panaka-nakang naglakad papalapit sa amin.

Nakahiga lang kami, hindi makagalaw sa kinahihigaan naming lupa.

Damn, parang utak ko na lang ang gumagana. Kahit isa wala akong magalaw sa katawan ko.

Hindi ko rin makita kung anong kalagayan nina Kegan at Elliott.

"I'm impress lalo na sa water dragon mo Accuis, nag improve ka."-puri niya sa akin habang nasa tabi ng uluhan ko ang paa niya.

Mabilis niyang iniapak ang paa niya sa leeg ko. Gustong gumalaw ng mga kamay ko para itulak ang paa niya pero 'di ko magalaw.

Wala akong magawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko.

"Magsalita ka. Pinupuri Kita. Wag bastos"-hindi nasisiyahang saad niya pero hindi ko na talaga kaya.

Nawawalan na ako ng hangin sa katawan.

Pipikit na sana ako nang makita ko na may Black Fire wolf ang tumalon mismo sa harapan ni Caspian at kinagat ang mukha niya.

Ang narinig ko na lang ay ang malakas na alulong nito at ang paglipad ng ulo ni Caspian sa kung saan at doon na lang ako napapikit.

Roselyn Jack POV

"My loves"-sigaw ko at mabilis na lumapit sa nakatingin pa rin sa langit at hindi makakilos o makapagsalita.

Mabilis kong nilabas ang antidote para mawalan ng bisa ang lason na binigay ni Caspian sa kanila. Ang lason na iyon ay unti-unti kang mapa-paralyze hanggang sa unti-unti nitong patitigilin ang pagtibok ng puso mo.

Mabilis kong pina-inom sa kanila. At inantay ang magiging resulta. Tumingin ako kay Daxton na nasa Black fire wolf na form siya na ngayon ay nakaapak pa rin sa katawan ni Caspian na wala ng ulo.

"Nice one Daxton"-nakangising saad ko habang tinitignan siya.

Tumingin siya sa akin at tinitigan ang mga mata ko.

"Easy lang Daxton! Baka ma in love ka pa sa akin. Ang ganda ko pa naman"-biro ko habang tumatawa.

Nagpalit siya sa human form niya at humarap sa akin. Well hindi siya gaya ng mga wolf na walang saplot kapag nagpapalit ng anyo. Kung ano ang dating damit niya ganoon pa rin.

Seryoso siyang tumingin sa akin at saka tumingin sa kakahoyan.

"Mukhang hindi mo pa siya napatay Roselyn."-seryosong saad niya kaya mabilis ang napatingin sa tinitignan niya.

Isang babaeng tumatakbo palayo, tinitigan ko siya hanggang sa humarap sa pwesto ko habang siya ay tumatakbo.

Mabilis akong tumayo at saka tumingin kay Daxton.

"Pinatay ko siya. Sinunog"-hindi makapaniwalang saad ko habang nakatingin kay Daxton.

Hindi umimik si Daxton at tumingin lang sa kakahoyan.

I don't know why. I killed you already, but why are you still alive?! How!?? But I know this time I won't let you live, I'll chase and kill you for sure.

✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Sinong siya?

Pa'no nangyaring buhay siya?! Hmmmm? Totoong buhay ba siya o illusion lang? Ano sa tingin ninyo?

I love you guys and keep safe always.

God bless you all❤️💞

The Soul KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon